Chapter 3

1566 Words
SA ISANG maunlad na bayan sa Leyte nagmula ang pamilya ng mga Fuentes. Nag-iisang anak si Samantha “Sam” Fuentes ng may-ari ng Clift Royal Beach Resort malapit sa San Juanico Bridge. May mga mayayamang turista ang dumadayo sa lugar nila at isa na do’n ang pamilyang Tan. Sa Clift Royal Beach Resort ginanap ang engrandeng kasal ng kapatid ni Lawrence “Renzo” Tan. Isang linggo din sila namalagi do’n dahil sa kagustuhang makita ang ganda ng resort. Ikalawang araw ni Renzo sa beach resort ay maagang nagising ito at alas singko y medya siya bumangon. Pagkatapos niya mag-almusal ay naglakad-lakad muna siya sa tabing dagat. Namangha siya nang makita niya ang cliff diving na parang Ariel’s Point ng Boracay kaya hindi siya nag-atubuling puntahan iyon. Nang makarating siya sa cliff diving ay tanaw niya ang isang seksing babae na nakasuot na itim na see through at naiilaliman ito ng pulang two piece. Hinubad ng babae ang kaniyang pangtakip at naiwan ang  suot niyang pulang two piece. Inunat niya ang mga braso pataas at pinosisyon ang mga paa. Nang tatalon na ito ay biglang may nagsalita sa likuran niya. "Your position is wrong." Lumingon ang dalaga at nakita niya ang isang guwapong lalaki. Naka-white T-shirt ito at suot ang itim na swimming trunks. "What do you mean?" Hindi mawari ng dalaga kung anong damdamin ang nakapaloob sa kaniyang mga mata nang lumapit si Renzo. Parang nag-slow motion ang paligid nang ngumiti ito sa kaniya. “Bago ka tumalon sa cliff you must be an expert swimmer. Swimmer ka naman dito, 'di ba?” tanong ng binata. Ilang segundo ang nagdaan ngunit di maibuka ng dalaga ang kaniyang bibig dahil hindi niya akalain na kinakausap siya nito. Sa dinami-rami ng mga nakita niya rito sa beach resort, ito na ata ang pinaka-guwapong nilalang na nakilala niya. Nakakaakit ba naman ang matipunong katawan at kumikinang nitong balat na kasing puti ng labanos, hindi niya alam kung dahil sa tinamaan lang ito ng sinag ng araw. Tinaasan siya ng kilay dahil hinihintay ni Renzo ang sagot nito. “Yes. Swimmer ako. Besides, palagi ako nandito,” lakas loob na bigkas ng dalaga sa kaniya. Lihim na tinatago nito ang nararamdaman niya sa lalaking iyon. Hindi siya nagpapahalata dahil sa kaisipang baka f*ck boy itong kausap niya. “Make sure the water is deep enough and never go cliff jumping alone—” Napahinto si Renzo nang biglang tumalon ito. Kumiling siya at tumingin sa baba kung maayos ang pagbagsak nito. Napangiti siya dahil walang masamang nangyari sa babae. Gusto niya sundan ito kaya inihanda niya ang kaniyang sarili at pinosisyon ang katawan upang tumalon. Lamig na lamig si Renzo nang umahon siya sa dagat. Tinanggal niya ang kaniyang sapatos dahil suot niya iyon no'ng tumalon siya. Nang makarating siya sa pangpang ay awtomatikong hinanap ng mga mata niya ang babae. Hindi pa rin kasi mawala sa isipan niya sa biglaang pagtalon nito. Habang hinahanap niya ang babae ay may narinig siyang mga halakhak at hiyawan. Lumingon siya at nakita niya ang dalaga na masayang nakikipaglaro sa mga bata ng volleyball. Ngumisi siya at pinuntahan niya ito. "Puwedeng sumali?" singit niya nang matapos ang first round. Nabaling ang tingin ng dalaga sa lalaki dahil sa biglang pagsipot nito sa laro nila. Nagtama ang mga mata ng dalawa na tila ayaw nang ialis ang paningin nila sa isa't isa. "Boyfriend niyo po ba siya, Ate Sam?" tanong ng batang babae sa kaniya sabay pang-aasar. Napakurap ng dalawang beses si Sam. May kung anong init ang naramdaman ang dalaga na dumadaloy sa buo niyang pagkatao. Umiling siya sa tanong ng batang babae. "H-huh? Hindi ko siya boyfriend," nahihiyang sagot ni Sam sa bata. Marahang tumawa si Renzo sa tanong ng batang babae at saka sinulyapan ng matamis na ngiti si Sam. Biglang umiwas ng tingin ang dalaga at muli itong nagsalita. "Oh siya! Kung sasali ka, do'n ka sa kabila," pagtuturo ng daliri ni Sam sa kabilang korte. Habang naglalaro sila ay hindi maiwasan na hindi magtama ang mga mata nila ni Renzo. Bakit ba kasi ngiti nang ngiti ang binata sa kaniya? Baka naman nahuhulog na ito kay Sam? Sa dami ng iniisip ng dalaga ay bigla siyang tinamaan ng bola sa ulo kaya natumba at napaupo ito sa lupa. Tumakbo ang binata papunta sa kaniya. "Are you okay?" pag-aalala ni Renzo. Napahawak ng ulo si Sam dahil sa lakas ng tama nito. Mahinay na inalalayan ni Renzo ang pagtayo ni Sam. Hilong-hilo si Sam dahil sa nangyari kaya ipinatong ni Renzo ang braso nito sa balikat niya at nagtungo sa isang upuan. Pinaupo niya si Sam sa beach chair upang do'n magpahinga. Inayos ni Renzo ang payong para bigyan ng lilim ito. "Gusto mo ba ng tubig?" tanong ng binata sa kaniya. Bagama't hindi kaagad sumagot ang dalaga ay kusang ginalaw ni Renzo ang kaniyang paa para kumuha ng tubig. Hinawakan ni Sam ang braso ni Renzo. "Okay lang. Med'yo nahihilo lang ako pero mawawala rin to maya-maya." Masid ni Renzo na pinagtitinginan ito ng mga dumadaang lalaki. Sa perkpektong hugis ng katawan ng dalaga ay wala sigurong mga lalaki ang hindi maaakit dito. Kaniyang hinubad ang white T-shirt at inabot niya ito sa dalaga habang nakatitig sa malayo. "Suotin mo ito, Miss. Baka mamaya niyan huntingin ka ng mga lalaki rito." Iuunat na sana ni Sam ang kaniyang braso upang kunin ang T-shirt ngunit biglang may dumating. "Miss Samantha!" Habol na hininga nang dumating ang katulong ni Sam na may dala itong towel at makulay na sarong. "Kanina pa kita hinahanap. Dito lang pala kita matatagpuan. Dinalhan na rin kita ng towel at sarong." Inabot ng kaniyang katulong ang mga dala nito sa dalaga. Hindi na nag-atubiling kunin ni Sam ang mga dala nito. "Sorry, Yaya Sally. Wag mong sasabihin kay daddy na nag-dive ulit ako sa cliff," ani Sam habang binabalot ang makulay na sarong sa katawan niya. Nilapat ni yaya Sally ang kaniyang bibig sa tenga ni Sam. "At sino naman siya?" pabulong na tanong nito sa kaniya ngunit dinig pa rin iyon ni Renzo. Mabilis na sinuot ng binata ang kaniyang puting T-shirt at tumikhim. Humarap si Renzo at inabot ang kamay kay yaya Sally. "Hi. I am Lawrence or you can call me Renzo." Kilig na nakipagkamayan si yaya Sally kay Renzo. Sino ba naman ang ayaw mahawakan ang kamay ng napaka-guwapong lalaki sa resort? Tumayo si Sam matapos magpakilala ang binata. "We have to go now, Yaya Sally. Nice meeting you Renzo and thank you kanina," paalam ng dalaga. Pilit na tinatago ni Sam ang ngiti sa kaniyang mga labi. At last! Alam na niya ang pangalan ng lalaking iyon. SUOT ang paboritong bistida na kulay asul nang humarap si Sam sa salamin. Inayos niya ang kaniyang buhok at sinuot ang puting hair clip. Biglang may kumatok sa pintuan ng kuwarto niya. "Nakahanda na po ang hapunan, Miss Samantha. Ikaw na lang po ang hinihintay," ani ng katulong nila. May kunting salo-salo ang inihanda ng mga magulang niya dahil may bisita parating. Nagtungo siya sa hapagkain at napahinto nang makita niya muli si Renzo. Napahinto ng paglakad si Sam nang makita niya muli ang imahe ni Renzo.  Wala siyang ka-ide-ideya noon na ito ay anak pala ng mga Tan.          “O! Nandito na ang unica hija namin,” ngiting wika ng ama nito at inalalayang umupo sa puwesto habang si Sam ay tulalang nakatitig kay Renzo.          “Her name is Samantha Fuentes, ang nag-iisang anak namin ni Gabriel. Accountant na siya ngayon,” maligayang pakilala ng ina ni Sam nong ipatong nito ang dalawang kamay sa magkabilang balikat ng anak niya.            Napukaw ang lutang na isip ni Sam matapos pisilin ng kaniyang ina ang balikat nito. Pilit na ngumiti ang dalaga sa harap ng pamilyang Tan at pinakilala ang sarili.          “I’m Samantha Fuentes. Nice meeting you po.” Tumayo siya at inunat ang kaniyang braso upang makipagkamay sa pamilyang Tan hanggang sa biglang lumamig ang pakiramdam niya nang nakatutok ang kamay niya sa dibdib ni Renzo.            Shit! I need to control my feelings!                   Mabilis ang kabog ng dibdib ni Sam nang makita niyang ngumiti si Renzo. Imbis na makipagkamay ang lalaki ay tumayo ito at hinalikan ang likod ng kamay ng dalaga. May kung anong kuryenteng dumaloy sa buong  pagkatao ni Sam matapos gawin ni Renzo iyon. Matapos ang hapunan ay mabilis na nagtungo si Sam sa kuwarto at pinaghahampas ang mga unan sa kama. Hindi kasi mawaglit sa isip ni Sam ang mga nangyari kanina. Lagi niya tinatanong sa isip niya kung bakit hinalikan ni Renzo ang kamay niya out of nowhere. Dahan-dahang nilapat ni Sam ang likod ng kaniyang kamay sa kaniyang pisngi as if Renzo kissed her cheeks instead of her hand.  Napatayo siya at marahang pinokpok niya ang kaniyang ulo sa pader sa kaisipang nasisiraan na siya ng bait. Kaniya rin ginulo ang maayos niyang buhok habang ginagawa niya iyon.  "Nasisiraan ka na, Sam. Pigilan mo sarili mo dahil hindi ka puwedeng mahulog sa kaniya. Paano na lang kung f**k boy pala siya?" Napaayos ng tayo si Sam nang maisip niya ang tanong na iyon.  "Tama. Pero...paano kung hindi?" Muling ginulo ni Sam ang buhok niya at mabilis na binagsak ang sarili sa kama. Kaniyang binaon ang mukha sa unan dahil sa mga iniisip niya.  Argh! This can't be!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD