Chapter 4

1434 Words
Last night was a blast. Napasaya ko naman si Jade eh. Napasaya rin naman niya ako dahil napakilala niya si Simon sa akin. Speaking of Simon, hindi pa nagtetext yun ah. Sabi niya kagabi itetext niya ako. Paasa naman pala. Nagkukusot pa ako ng mga mata ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko, tumambad sa akin si Aling Myrna, ngiting ngiti, hanggang ngala - ngala ata niya. Ano ba nangyayari kay Aling Myrna? Nasapian na ba itong matandang 'to? "Oh, Aling Myrna, bakit ang aga mo yatang pumasok sa kwarto ko? Luto na ba ang agahan?" "Parang hindi ko na kailangan magluto eh, may nagluto na kasi para sayo." sagot ko. "Sino naman po? May bago na pong taga luto?" "Oo, tumayo ka na riyan, mukhang kailangan mo na siya makilala." "Aalis na po ba kayo dito sa bahay?" "Mukhang ganoon na nga, pati nga yata si Mang Nick ay aalis na." "Hala, bakit naman po? Hindi na po ba maganda ang pakikitungo ko sa inyo o kaya ng pamilya ko?" "Hala, hindi Athena. Mabuti kayo sa amin. Itinurin niyo nga kaming pamilya ninyo." "Eh bakit po kayo aalis kung maayos naman po pala ang pakikitungo namin sa inyo?" "Dahil ako na ang magluluto at maghahatid sundo sayo sa school. Wala na silang gagawin sa bahay na ito dahil ako na ang gagawa ng lahat nang yon." Sabi ng isang pamilyar na boses. Nakita ko na lang si Simon nasa pintuan ko na. "Teka, bakit nandito ka Simon?" "Sinusundo ka, tara na kain na tayo, papasok ka pa. Baka ma late ka." "Ano? Sinusundo mo ako? Teka, paano mo nalaman kung nasaan ang bahay namin?" "Kagabi, sinundan ka namin ng mga tropa ko, kaya nalaman ko na dito ka pala nakatira." "Pero hindi mo naman dapat ginagawa 'to eh." "Hayaan mo na akong gawin 'to, gusto ko 'to eh, saka gusto kita ligawan. Anong magagawa mo?" "Liligawan mo ako? Nahihibang ka na ba? Kakakilala lang natin, liligawan mo agad ako?" "Kaya nga liligawan eh, kasi gusto kita makilala pa, gusto ko malaman kung mabuti ka, kung simple ka, kalog at kung mahal mo pamilya mo, diba yun ang sabi mong nakakaturn on dapat para sa lalaki? Ako, turned on ako sa mga ganoon na klase ng babae, kaya ngayon papatunayan mo sa akin kung ganoon ka talaga." "Paano kung ayoko magpligaw sa'yo?" "Ang panliligaw, di na pinagpapaalam yan. Ginagawa na lang yan kasi nga gusto mo." "Bahala ka na nga, sige na mag aayos muna ako. Hintayin mo na lang ako sa baba." "Sige ha, hihintayin kita prinsesa sa baba." "Prinsesa? Tss, tigilan mo nga yang kakaganyan mo Simon, nakakadiri." "Asus, kinilig ka din naman. Aminin mo." "Kinilig mo mukha mo, Aling Myrna pababain niyo na nga po itong si Simon." "Simon, bumaba ka muna. Hayaan mong magpaganda muna para sa'yo si Athena." "Aling Myrna naman kung ano ano pa po ang sinasabi." sabay silang tumawa ni Simon at saka bumaba.. Ano ba naman yan, kaya pala hindi ako tinext kasi may pasabog ngayong umaga. Mapapagod din 'to kakasuyo, iiwan din ako nito kaya hahayaan ko na lang siya. Nagliligpit na ako ng higaan ng biglang nagvibrate ang phone ko.. "Uy, kamusta ang umaga mo? Ang alam ko kasi maganda kasi andyan prince charming mo sa bahay niyo. " Ang aga aga umaarangkada nanaman si Jade.. Teka, paano nito nalaman na andito si Simon? "Ha? Paaano mo naman nalaman na andito si Simon?" "Nakalimutan mo na yatang si Paolo ay kaibigan niyan ah. Syempre, nakwento niya kay Paolo na pupunta siya dyan ngayon. Si Paolo naman nasabi sa akin na pupunta nga daw dyan si Simon kaya nalaman ko." "Ang bilis talaga lumipad ng balita. " "Oo nga, malay mo mamaya ang balita ko kayo na pala niyang si Simon." "Kami agad? E nililigawan niya pa nga lang ako eh, titingnan pa natin kung kakayanin niya ako." "Alam mo, kung gusto kang ligawan ng lalaki, at ayaw mo, wala kang panalo dyan. gagawin at gagawin kasi niyan lahat para makuha ka." "Tingnan na lang natin kung hanggang kailan niya kakayanin, teka baba na ako. Gutom na ako eh." "Gutom o gusto mo lang makita ang prince charming mo? Haha." Hindi ko na sinagot si Jade, bumaba na lang ako at medyo napatawa ng bahagya. Pagkababa ko, nakita ko na hinahanda na ni Aling Myrna ang dining table, wala sila mommy at daddy. Pero nakaupo si Simon sa sofa. "Asan po sila mommy at daddy Aling Myrna?" "Ah, maaga umalis. Malelate daw sa trabaho eh." Tumayo si Simon sa sofa at lumapit sa akin.. Pinaupo niya ako. "Thanks." sagot ko "Welcome, princess." Magsasandok na sana ako ng kanin pero kinuha niya ito at siya na ang nagsandok para sa akin. "Hindi mo naman kailangan gawin 'to, kaya ko naman na magsandok ng sarili kong kanin eh." "Ano sabi ko sayo? Diba prinsesa kita? Kaya ipagsasandok kita ng kanin kahit kaya mo pa yang gawin." Binilisan ko na ang pagkain kasi parang matutunaw na si Simon sa kakatitig ko sakanya. Hindi ko din alam sa sarili ko eh, bakit ba ganito nararamdaman ko sa lalaking 'to, gusto ko naman makilala pero pinapahirapan ko pa, at nag iinarte pa ako. "Uy Athena, ano na sagot mo? Sabi ko, ano ba course mo?" Hindi ko tuloy alam na may tinatanong pala siya sa akin, isip pa more Athena. Para ka nanamang baliw. "Ah, yung course ko? Tourism. Ikaw?" "Ah, HRM natapos ko." "Ah, almost the same din pala tayo ng course." "Ah, oo may mga subjects ka na subjects ko din noon." "Magkapatid na course ang HRM at Tourism no?" "Medyo, matutulungan mo pala ako sa mga tanong ko sa thesis ko eh." "Anything for you, walang problema Athena. Kahit ako na magpasurvey, gagawin ko." "Hala, kahit sa tanong lang mo ako tulungan, yung pag susurvey pwedeng mga kaklase ko na saka ako gumawa noon eh." "Ano sabi ko sayo kanina?" "Ha? Anong sinabi mo? Wala naman ah. Meron ka bang sinasabi na hindi ko narinig?" "Sabi ko sayo kanina, prinsesa kita. Duty ko na alagaan ka." "Hindi ba masyadong mabilis?" "Hindi naman, kasi nililigawan pa kita eh. Ang mabilis, yung sasagutin mo na ako ngayon, sasagutin mo na ba ako?" "Ha? Hindi ah, hindi nga ako sure kung sasagutin kita eh." sabay tawa "Paano kung sabihin sayo na hindi ako titigil sa panliligaw hanggang hindi mo ako sinasagot?" "Alam mo, mapapagod ka rin kakasuyo, kakaligaw. Kaya sige, hahayaan na kita. Ligo na ako. Malelate na tayo eh. Ihahatid mo pa ako diba?" "Talaga? Payag ka na na ligawan kita?" "Oo." sabay alis sa dining table papunta na sa CR Bakit ko ba pinapahirapan pa sarili ko? Alam ko naman sa puso ko na mabait siyang tao, pero bakit ako natatakot ibigay tiwala ko? Kasi nasaktan na ako dati? Pero bakit di ako lumimot sa nakaraan? Siguro ay sobrang sakit kaya kahit gustuhin ng puso ko, gusto ko munaa manigurado kung sigurado ba siyang gusto niya talaga ako. Paglabas ko ng CR, inayos ko na ang uniform ko. Naghihintay na si Simon, kaya hindi na ako nakapagmake up , suklay na lang at pabango. Siguro sa school na lang ako mag lilipstick. Hihiram na lang ako sa kaibigan kong si Karen. Pababa na ako at chineck ko kung lahat ba ng gamit ko ay nasa bag ko. na. Phone syempre check, notes para sa quiz check, ballpe, papel. Salamin sa mata. Okay na. Wala na siguro akong nakalimutan pa. "Tara na, late ka na." Sabi ni Simon sa akin.. Tiningnan ko ang relo ko. "Hindi pa, may 20 minutes pa ako, palagay ko naman sakto na yun sa oras ng byahe para makarating sa school. Tara na Mang Nick." "Ha? Pero sabi po ni Simon mam, siya daw po ang magdadrive sainyo papuntang school." "Ha? Akala ko Simon sasama ka lang sa paghatid." "Hmm, no. Mondays, Wednesdays at Fridays ako ang maghahatid sayo sa school." "Eh anong trabaho pa ni Mang Nick?" "Sa tingin ko naman, ipagdadrive din niya paminsan minsan ang parents mo kaya naman okay lang na walang gawin si Mang Nick sa ngayon, kasi may gagawin din naman yan mamaya. Pag pahingahin mo muna si Mang Nick." "Pero Simon, hindi ako sanay sa pagdadrive mo.. Malay ko ba kung humaharurot ka." "Anong sabi ko sayo? Prinsesa kita diba? Hindi ko hahayaan na masaktan ka." Napabuntong hinga na lang ako.. "Eh sige na, tara na. Dahan dahan lang sa pagdadrive ha, ingatan mo ako. Precious ko kaya." "Opo, prinsesa ko." "Yieeeeeee." sabi ng mga maid, Aling Myrna at Mang Nick. Nilingon ko sila at ngumiti..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD