Chapter 5

1113 Words
Pagdating sa school, sinalubong agad ako ng mga best friend ko sina Renalyn at Karen.. "Athena! Punta tayong mall after class ha, pa make over tayo. Mang Nick, pasabay po mama-- " naputol ang pagsasalita ni Karen "Athena! Sino yan?! Boyfriend mo?!" kahit kailan talaga OA ni Karen "Mamaya ko na ikekwento kung sino yan. Tara na. Simon, pasok na ako. Ingat ka. Salamat ulit." "Walang ano man" Lumabas siya ng kotse at nilapitan niya ako.. Nagulat ako sa mga nagyayari, hinalikan niya ako sa forehead at umalis na. Nagkatinginan sina Renalyn at Karen. "PUTANGINA! Magkwento kang hinayupak ka." sabi ni Karen "Sige na, mamaya na ako magkwento, pumasok na tayo mamaya niyan lagot nanaman tayo kay Mam Villarasa eh." "Bestfriend mo ba talaga kami? Bakit hindi namin alam na may Simon ka na?!" "Mahabang istorya, makinig na lang kayo kay Mam Villarasa para naman tumaas grades niyo." "Wow ha, mukhang napalitan mo na talaga si Alex ha. Good to know. " sabi ni Renalyn at Karen "Ang tagal na naming wala ni Alex, kahit wala man yang si Simon, nakamove on na ako kay Alex. Matagal na." "Hmm, okay. Basta mamaya ha, mall tayo. Sama mo si Simon para makilala namin." "Oo nga para naman makilala namin, saka malay mo may tropa yun na pwedeng ireto samin ni Karen." sabi ni Renalyn "Ireto sainyo ni Karen? E diba may boyfriend na si Karen? Ano na nangyari sainyo ni Greg?" "Wala, ayoko na sakanya. Parang hindi naman kasi kami para sa isa't isa." "Ayan ka nanaman Karen sa advance mong pag iisip. Kaya ka iniiwan eh." "Sakit ha. Nakakainis ka na Athena!" sabay tawa ng kaunti. "Totoo naman diba? Iniiwan ka naman talaga kasi laging ang sinasabi mo, pare-parehas lang sila kaya ayan, iniiwan ka tuloy." sabi ni Renalyn "Oo na! Paano naman kasi nakakatakot na kayang magmahal. Buti pa sa w*****d, parang ang perpekto ng mga lalaki eh." "Oh eh anong gagawin? Ano? Sa w*****d na lang tayo mabubuhay? Ganon ba?" sagot ni Renalyn "Kung pwede lang na mabuhay na lang sa w*****d matagal ko nang ginawa eh. Kaso andito talaga tayo sa realidad." sagot naman ni Karen "Oy, umayos nga kayo. Mamaya masita pa kayo ni Mam Villarasa niyan eh. Sige kayo, baka ipatawag pa sila tito at tita." sabi ko. "Hindi naman siguro, nagkekwentuhan lang naman kami ni Renalyn eh." "Kwentuhan? E halos magkasama na kayo araw araw, hindi pa ba nauubos ang mga kwento niyo sa mga buhay niyo?" "Ikaw naman kasi bessy, uwi ka naman kasi ng uwi kaagad pagkatapos ng klase tapos kami na lang natitira ni Renalyn lagi." "Oh diba, pag may time naman ako sinasamahan ko kayo sa mall. Kahit wala naman akong bibilhin." "Jusko Athena, kailan pa yung huli mong pagsama sa amin doon sa mall? 2 months ago na yon. Alam mo ba?" "Ay 2 months na ba yun? Feeling ko last week lang yon." "Wag ka nga magbiro. Sama ka na ulit sa amin later!" sabi ni Karen with the pamimilit na mga mata "Nako Karen kapag naging boyfriend na niyan si Simon hindi na natin yan mahahagilap pa. Kaya hanggang single pilitin mo na sumama yan." "Talagang pinupush niyo na magiging boyfriend ko si Simon?" "Oo bessy, hinalikan ka sa forehead. Sobrang gentleman na gesture yon. Sarap sa pakiramdam ng babae pag ganon. " Tama naman sila, kay Alex hindi ko naranasan na mahalikan sa noo kahit isang beses man lang. Tapos na magdiscuss si Mam Villarasa ng Tourism Planning na subject niya ng biglang nagvibrate ang phone ko. "Sunduin kita mamaya, ano oras uwi mo?" Sino naman kaya to? Pero sino pa ba naghatid sa akin papunta sa school? Si Simon lang naman, so I assume na si Simon 'tong nagtext sa akin. "Si Simon ba ito?" reply ko "Sino pa ba naghatid sayo kanina? Ako lang naman diba? Si Simon." "Eh paano naman kasi, walang pangalan." "Syempre obvious na yon, ako naghatid sayo dyan sa school mo eh." Napatawa ako bigla kaya tinanong ako nina Renalyn at Karen kung bakit ako natawa.. "Bessy, ano na? Bakit ka natawa mag isa dyan? May nakikita ka bang hindi namin nakikita?" sabi ni Karen "Ah, wala loka loka ka. Nagtext kasi Simon. Eh, hindi ko nakilala. Kaya ako natatawa." Pinabasa ko text ni Simon sakanila para naman maintindihan nila.. "Bakit naman kasi magtatanong ka pa kung sino siya eh malamang yan nga isasagot nyan." sabi ni Karen "Malay mo kasi hindi siya, o kaya malay mo wrong send lang. O baka scammer!" "Ang gentleman naman na scammer niyang si Simon eh." sagot ni Renalyn Naiihi na ako kaya nagpaalam muna ako sa dalawa at sabi ko pakibantay muna ang cellphone ko. Naglakad na ako palabas. Pagbalik ko sa classroom, nagtatawanan yung dalawa at napatingin sa akin, gulat na gulat, may ginagawa nanaman siguro tong hindi katanggap tanggap para sa akin. "Ano nanaman at tawa kayo ng tawa? May ginalaw ba kayo sa phone ko?" "Wala naman" sabay tawa ng dalawa Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ko at agad chineck yung messages ko with Simon.. "Anak ng hinayupak!! Pinasama niyo sa mall si Simon?!" "Pinagpaalam kasi namin ikaw sa kanya, sabi niya gusto daw niya sumama, sabi namin sige gusto din naman namin siya na makilala eh. Hindi naman masama yun ah." "Alam ko pero Karen at Renalyn naman eh.." "Wala na pero pero, padating na yun maya maya eh.." Dalawang klase na lang pupunta na kaming mall nila Karen.. Naiihi ako, leche naman Isang klase na lang... Nag vibrate ang phone ko, natawag si Simon. Putakte yan. "Ah, hello..Ah, Simon.." "See you later, prinsesa ko!" "Ah Simon kasi hindi na kami tuloy.." "Anong hindi tuloy?? Simon, tuloy kami sali ka ha. Punta ka later!" sabi ni Karen sa background Ano ba naman Karen, hindi ka na lang sumakay sa trip ko.. "Ano ba talaga? Tuloy o hindi na?" "Tuloy" mahina kong sabi "Sige, drive na ako ngayon, patapos na naman klase mo eh. See you later prinsesa ko!" Binaba na niya ang phone at sobrang saya niya. Tangines, ano na? Tuloy na ba talaga? At nag bell na. Lumabas na ako ng classroom, alam ko any minute andyan na si Simon sa paligid ko. "Simon!!" sigaw ni Renalyn at Karen Papalapit na siya. Eto na.. Kiniss nanaman niya ako sa forehead. "Yieee!!" sabay na sabi ni Renalyn at Karen Kilig na kilig nanaman 'tong dalawang to. Binitbit ni Simon ang bag ko habang nakaakbay siya sa akin Dagdag nanaman sa pogi points niya to. Pero hindi ko ipapahalata na kinikilig ako. "Tara na prinsesa ko, punta na tayo sa mall." Pumasok na ako sa kotse at nagpatakbo na si Simon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD