Pagdating sa mall, hinawakan agad ni Simon ang kamay ko. "Halika dito, baka mawala ka pa sakin. Kumapit ka sa akin yung mahigpit." Dagdag nanaman yon sa pogi points niya
"Ano ba naman yan, tara Renalyn lumayo tayo sa dalawang yan, nakakabitter eh." sabi ni Karen Napatawa na lang ako
"So, saan kayo girls?" tanong ni Simon samin
"Parlor." sagot agad ni Karen
"Mga babae naman talaga oh" sagot ni Simon
Napatawa kaming tatlo nila Renalyn
"Saan ako maghihintay? Siguro sa Starbucks na lang." sabi ni Simon
"Papuntahin mo na lang yung mga tropa mo para hindi ka mabored." sabi ko
"Oo nga, para pagtapos namin sa parlor, makikilala na namin mga tropa ni Simon." sabi ni Karen "Haynako Karen, basta talaga makakakilala ng ipapalit sa jowa go ka eh." Sabi ni Renalyn Nagtawanan kaming lahat..
"Alam mo pag may umaalis beb, may nadating. Buti nga kay Athena dumating na si Simon niya." sagot ni Karen
"Do you want to eat first bago pumunta sa parlor?" sabi ni Simon
"Oo nga beb, mahirap kumain sa parlor, masyado madaming chemicals." sagot ni Renalyn "Sige, gutom na rin naman ako." sagot ni Karen
Hinawakan ni Simon ang kamay ko at hinila ako papunta sa Mcdo. Paano kaya niya nalaman na favorite fast food chain ko ang Mcdo? Ang galing niya ha, another dagdag pogi points for him I guess.
"Paano mo nalaman na ito ang favorite fast food chain ko?" tanong ko
"Every girl wants Mcdo, lalo na fries nila. So kung gusto mo ito, di na ako magtataka." "Hmm, okay. So girls, ano order niyo?" tanong ko kay Renalyn at Karen
"BFF fries na lang. Tapos I'll have McFloat." sagot ni Karen "Ako, spaghetti, coke, saka burger." sabi naman ni Renalyn "Ikaw anong gusto mo?" tanong ni Simon "Ikaw." sagot ko
"Gusto mo ako?" bigla siyang napangiti, ang cute niya
"Hindi, ikaw anong gusto mo? Yun na lang din ang akin." sagot ko
"Hindi ba dapat ako magtanong sa'yo niyan?" sabi niya
"Bahala ka na, basta may sundae at fries ako, okay na."
"Yun lang talaga gusto mo?" tanong niya
"Meron pa pala, samahan mo na din ng chicken nuggets ha, yung 6 pcs."
"Hey, gusto ko lang malaman niyong dalawa na sobrang sweet niyo at gutom na kami, kaya siguro kami na ang oorder nakakahiya sa kasweetan niyo eh." sabi ni Karen habang yung mukha niya inis na inis na dahil sa gutom
"Tara na Renalyn, umorder na nga tayo, hayaan muna natin magka oras yang lovebirds na yan sa isa't isa"
Napatawa na lang kami ni Simon
"Hmm, so I guess, gusto ako ng mga kaibigan mo para sa'yo." sabi niya with confidence
"Hmm, yeah. Mabait ka daw at gentleman."
"Well, totoo naman ang sinasabi nila, ikaw lang naman yata ang hindi nakakakita noon." sabi niya
Nakikita ko Simon, ayoko lang ipahalata.. Ayoko pa.
"Hmm, makikita ko din yan, saka maaga pa sa ngayon.Kailangan ko muna magfocus sa thesis ko. Malapit na yun at kailangan kong paghandaan" sagot ko
"Nakahanda naman akong tumulong sayo, sabihin mo lang, I'm just one call away, prinsesa ko"
"Tigilan mo nga kakatawag sakin ng prinsesa, hindi bagay sakin eh."
"Wala kang magagawa yun gusto ko itawag sayo eh."
"Why are you doing all of these Simon?"
"Bakit hindi na lang si Karen o Renalyn ligawan mo, tutulungan pa kita sa panliligaw
mo." "Simple lang ang sagot ko dyan."
"Ano naman sagot mo?"
"Eh kasi ikaw ang gusto kong ligawan, hindi si Renalyn o Karen, ikaw.. si Athena gusto ko ligawan. Hindi sila, at never magiging sila o kahit na sino pa."
"Matanong ko lang, nakakailang girlfriend ka na ba?" tanong ko "Pangatlo ka na, sana.."
"Ang lakas talaga ng fighting spirit mo, naniniwala ka talaga na sasagutin kita."
"Hindi naman kasi ako titigil hangga't hindi ko naririnig yang oo mo eh."
"Alam mo, ganyan din sinabi ng exs ko sakin, ganyan din kami sa simula. Pero iniwan, at niloko pa rin nila ako."
"Bakit ba ganyan kayo mga babae, nasubukan niyo na ba lahat?"
"May matino pa ba? Feeling ko kasi wala na."
"Babaguhin ko yang pananaw mo na pare-parehas lang ang mga lalaki. I promise you that."
"Let us see kung mabago mo pa.."
"Hindi naman ako titigil hangga't hindi ko yan nababago eh."
"Do you really think na maniniwala pa ako this time sa ganyang mga linyahan ng mga lalaki?"
"I'll do everything, mabago ko lang pananaw mo towards us, boys.."
Natigil kami sa pag uusap dahil dumating na sila Renalyn at Karen dala dala mga order namin
"Madam, Sir eto na po ang order niyo.." sabi ni Renalyn
Tumayo si Simon at tinulungan sina Renalyn at Karen sa mga trays na dala dala nila..
Umupo na sila at nagsimula na kami kumain...
"Ang gentleman naman talaga, ewan ko na lang sayo Athena kung hindi mo pa sagutin ang mga ganitong lalaki tulad ni Simon."
Ngumiti lang ako kay Karen..
"Kung hindi mo naman sasagutin yan si Simon, ako na lang ang magpapaligaw dyan." sabi ni Karen "I'm sorry pero kahit hindi ako sagutin ni Athena, hindi kita liligawan." sabi ni Simon
"Ano ba yan, wala pa man lang rejected na agad ako?" sabi ni Karen "Sino naman liligawan mo kung hindi kita sagutin?" tanong ko "Ikaw, at ikaw at ikaw pa rin liligawan ko Athena.." Nagulat ako sa sagot ni Simon..
"Sobra na 'to ha, sige na. Wag ka na sumama sa amin ni Renalyn. Have a good time with Simon.." "Akala ko ba gusto mo ako sumama?" tanong ko kay Karen
"Wag na, mas kailangan mo makilala si Simon, saka pag kayo na pakilala mo ako sa friends mo Simon ha."
"Hala, ano ba nangyayari sayo Karen?" tanong ko
"Okay lang ako, ano ka ba. Sige na, kailangan na namin umalis ni Renalyn Athena. Take care you two, have fun together."
Tumalikod na sila at umalis..
Hala ano kaya nangyayari kay Karen aba.
"Uwi na tayo, Athena gusto mo? Stressed yung mukha mo eh." tanong ni Simon
"Ah, sige, pero paano sina Karen?"
"Ano kaya sila oras matatapos para masundo ko sila after nila sa parlor?"
"Siguro mga 6pm?"
"Sige sunduin ko na lang sila mamaya ni Renalyn ha."
"Salamat, tara na."
Pumunta ako sa kotse, tahimik ang buong byahe. Hindi ko rin alam bakit nagkaganon si Karen kanina, wala naman kaming ginawa ni Simon na ikakagalit niya eh.
Pagkauwi ko, dumeretso agad ako sa kwarto ko at natulog. Gusto ko lang mapag isa at makapagpahinga. Sa lahat