Pagkagising ko 8pm na pala. Agad agad kong tinext si Simon at tinanong kung nasundo niya ba sila Karen.
"Hi, Good evening. Tanong ko lang kung nasundo mo sila Karen kanina sa parlor? Pasensya ka na nakatulog kasi ako."
Agad naman siya nagreply..
"Opo, nasundo ko na kanina. Okay ka lang ba?"
"Oo naman, bakit ako hindi magiging okay?"
"You seemed unhappy awhile ago sa mall kanina. Are you okay?"
"Yeah, iniisip ko lang bakit ganoon na lang nagreact si Karen kanina." "Maybe she's not in the mood, go ask her what is the problem po." "Sige, itetext ko siya. So kamusta ka naman?"
"My day went well. Nakasama kita, masaya na ako doon." "Will you go here tomorrow?" "Why? Do you need someone to talk to?"
"Yeah, I'm a bit sad. I don't know why."
"Sige, punta na lang ako sa bahay niyo after class mo. Ano schedule mo for tomorrow?"
"3 pm nasa bahay na ako. Ikaw, di ka ba busy?"
"Ah, okay lang. Gabi pa naman pasok ko sa work."
"Sige sige, bukas na lang. Goodnight, Simon. Have a good sleep."
"I will surely have a good sleep, thanks for today. Goodnight, prinsesa ko."
Binaba ko na sa side table ang phone ko nang biglang bumukas ang pintuan ko sa kwarto. Si Aling Myrna pala, tinatawag na ako for dinner.
"Andyan po ba si mommy at daddy?" tanong ko "Oo, hinihintay ka na nila sa baba."
"Sige po, baba na po ako. Wash up lang."
Bumaba na ako, pagkababa ko nakita ko sila mommy at daddy nakain na.
"Hindi niyo ako hinihintay." may pagtatampo kong sabi
"Pag gutom na talaga daddy mo wala ka na magagawa, kahit ako pag gusto ko na hintayin niya ako wala eh, di rin kami nagkakasabay." sagot ni mommy
"Sorry na anak, gutom na ako eh." sagot ni daddy, sabay tawa
"Umupo ka na anak. Aling Myrna, pahain na po yung pinggan para kay Athena." sabi ni mommy
Umupo na ako.
"Mukhang masaya ang anak ko ha, ano ang meron?" tanong ni daddy
"Wala naman po daddy, masaya lang ako makita na masaya tayong tatlo." sagot ko
"Hmm, hindi ba ito tungkol doon sa lalaki na nakilala mo sa debut ni Jade?" tanong ni
mommy Paano naman kaya nalaman ni mommy ang tungkol kay Simon?
"Si..Simon po?" sabi ko
"Simon ba pangalan noon? Naikwento lang naman sa akin yun ni Aling Myrna at Kuya Nick."
Yung dalawa talagang yun..
Tiningnan ko si Aling Myrna sa mata na para bang sinasabi ko na bakit niya sinabi ang tungkol kay Simon..
"Hayaan mo, okay lang naman. Matagal ka din na single kaya okay lang kung kumilala ka na ng iba ngayon, mabuti nga yang si Simon hinahatid sundo ka pa pala sa school." sagot ni mommy
"Haynako, basta anak dapat makilala ko yan ha." sabi naman ni daddy
"Oo naman po daddy, ipakilala ko siya sa inyo sa mga susunod na araw."
"Dapat lang na makilala namin ang mag aalaga sa anak namin."
Bakit ganito nararamdaman ko? Bakit may takot pa din ako sa loob ko? Hindi ko pa yata kaya. Gusto ko muna maging mag isa..
Pagkatapos kumain, pumasok na ako sa kwarto, agad agad kong hinanap ang cellphone ko at tinext si Simon..
"Hmm, kailan ka free, Simon?"
"Basta para sa'yo, kahit kailan free naman
ako." "Sabado, pwede ka ba?"
"Saan tayo pupunta prinsesa ko?"
"Ah, wala tayong pupuntahan ano kasi.. gusto ka makilala daw nila mommy at daddy eh."
"Ano? Paano nila ako nakilala? Kinwento mo ba ako sa kanila?"
"Hindi ako nagkwento sakanila, sila Aling Myrna at Mang Nick ang nagkwento about sayo." "Hala naman, dapat pala magpapogi ako nito para sa sabado." "Hala bakit naman?"
"Para matanggap nila agad ako, para okay na ako sakanila, first impression lasts diba?" "Ikaw bahala ha, basta ako maghihintay lang ako sa bahay sa pagdating mo.." "Sige ba. I'll do my best para ma-impress ko agad sila tito at tita."
"Di mo naman kailangan, nasa akin pa rin naman kung magiging tayo o hindi di ba?" "Kahit na, maganda pa din na maayos ako makilala ng parents mo." "Sige, ikaw bahala. Goodnight na, may pasok pa ako bukas eh."
Paano na? Ipapakilala ko na ba talaga? Ito na ba talaga? Kailangan ko na ba talagang makilala tong isang to? Wala akong mahanap na sagot, para kasing gusto ko na ayaw ko. Bahala ka na po Lord, what happens to us, alam ko na it is your will.