When someone is feeling a heavy burden in her heart, her world becomes black and white. The feeling of fear, loss and uncertainties bombarded my heart in one single action. I don’t exactly know what to do or how to handle everything that I am feeling. I just feel unmotivated and scared for what to come.
I let out one agonizing breath as I focus my attention to the flowers at Mama’s garden. I am alone in the balcony, contemplating on things that happen lately. Tanner is busy with their family’s affair and I am busy dealing with mine. Ito ba ang introductory phase namin papuntang adulthood? Ang stressful naman!
Naramdaman ko ang paggalaw ng swing sa tabi ko kaya napalingon ako para tingnan ito. I bite the insides of my cheek and force myself to smile at my father.
“Pa.” I acknowledge him and give back my attention to the flowers. Namumulaklak ang mga tanim ni Mama. Iba’t-ibang variety ng bulaklak ang nasa garden kaya makukulay ang mga ito pero kasalungat niyon ang nararamdaman ko.
“Ang lalim yata ng iniisip ng aking prinsesa?”
“Ikaw kasi!” I burst into tears. The tears that I am keeping for a long time now. I am not expecting it to fall like mad rain fall.
“Bakit ako?” may bahid ng biro ang boses ni Papa at bahagya pa siyang natawa. I look at my father in pure disbelief.
“Papa naman kasi!” umiiyak na sambit ko. My father draws me closer to him and hugs me tight.
“Hindi ba pamilyar sa ‘yo ang salitang joke, anak?”
Mas lalo pa akong napaiyak dahil sa sinabi niya. Natatawang hinagod ni Papa ang likod ko habang pinapatahan ako. Wala palang saysay ang takot at kalungkutan ko dahil joker nga pala ang ama ko.
But the mere thought of leaving Tanner is a sheer torture! Akala ko talaga, mabibiyak na sa milyong piraso ang puso ko.
“Sa konting panahong nakilala ko si Tanner, alam kong seryoso siya sa ‘yo at hindi ka sasaktan. Nakikita ko sa mga mata niya ang malinis na intensyon para sa ‘yo. Hindi ko lang maiwasang isipin na masyadong mataas ang antas nila sa lipunan kumpara sa atin.”
Napaisip ako sa sinabi ni Papa, alam kong tama at mali siya. Hindi naman basehan ang antas sa lipunan para sa dalawang taong nagmamahalan, eh. “Papa, kung baliktad ang mundo namin ni Tanner at ako ang mas mataas sa kanya, pipiliin ko pa rin siyang mahalin.”
“Naks! Talaga naman mature na mag-isip ang prensesa ko. Dati hinahabol-habol pa kita sa bakuran tapos wala ka pang saplot!”
“Papa naman, eh!” natatawang reklamo ko.
“Totoo naman iyon, ah!” Pinakawalan ako ni Papa at tinitigan nang may ngiti sa mga labi. Napangiti na rin ako at pinunasan ang mga luha.
“Anak…” Ginagap ni Papa ang dalawa kong kamay. “Gusto kong malaman mo na ang laban niyong magkakapatid ay laban din namin ng mama mo. Sinupurtahan namin ang pangarap niyong maging doktor dahil alam namin na gusto niyong tularan ang mama ninyo pero bukas din ang aming isipan sa mga sariling pangarap na nais niyong tuparin. Bilang magulang, wala kaming hangad na masama para sa inyong mga anak namin.”
“Naiintindihan ko po, Papa. Pasensya na po sa behavior ko. Hindi na po mauulit.”
“At dapat hindi na rin mauulit ang paglihim-lihim sa amin ‘ha. Iyon lang naman ang kinasasama ng loob ko, Kora. Kung may gusto kang sabihin o ipagtapat sa amin, sabihin mo na agad. Tanging pamilya ang kakampi natin sa mundo. Tandaan mo ‘yan.”
“Opo!” I hug my father and rest my head on his chest. Nagpakawala ako ng magaang ngiti. Sa wakas tuluyan nang nawala ang nakadagang bato sa daang nilalakbay namin ni Tanner.
“Hindi pa rin ba kayo nag-uusap ng kambal mo?” mayamaya ay tanong ni Papa. Napakagat ako sa aking labi at mahinang napailing.
“Hindi pa po, ‘Pa. masyado pong matigas ang ulo ni Karol, eh.”
“Pareho lang naman kayo. Pinagbiyak kayong bunga, ‘di ba?”
Napangisi ako at napatango-tango dahil tama naman ang sinabi ni Papa. “Opo.”
“Kora, you are the mature one. Ikaw ang mas nakakaintindi kaya sana ikaw ang umunawa. Alam kong unfair itong hihilingin ko pero, ikaw na ang unang kumausap sa kambal mo.”
Of course, I am expected to understand her, I am expected to be the bigger person. Of course, I will do it. Pride will do nothing but hinder two hearts to reconcile. I shall put down my pride and step on it before it consumes me. Pero sana ganoon din si Kara.
“Kakausapin ko po siya mamaya, ‘Pa. Pag-uwi niya galling practice.”
“Alright, then. Balik na ako sa pagluluto.” Nagsimulang tumayo si Papa. Sumunod rin ako at nagpresentang tulungan siya. Papa reaches for my hand and hold it as we enter the house.
“Why don’t you invite Tanner over?” Napaangat ako ng tingin at napangiti kay Papa. That’s a nice idea!
“Sure. He’ll love that. Pero puwede ba sa susund, bibisita rin ako sa kanila? Gusto raw akong makilala ng lolo niya.”
Napatigil sa paglalakad si Papa at nag-aalinlangan akong tiningnan. “Seryoso ka ba, anak? Baka mapahamak ka do’n?”
“Pa, nandoon po si Tanner. Hindi niya naman ako ipapahamak!”
“Okay! Mas mabuti nga iyon at ang magabayan din kayong dalawa ng pamilya niya. Mahirap na baka bigla kang i-tanan,” biro ni Papa at napatawa pa. Napangiwi lang ako at napailing na sumunod sa kanya.
Tanner willingly come to our house when I ask him to come. Tinanong pa ako kung ano ang mga gusto ni Papa para daw makapag handa siya at ma-impress niya naman ang ama ko. Natawa lang akong pinakinggan siya at sinabing hindi naman pala seryoso si Papa sa mga sinabi niya sa akin.
“Ang sarap po ng luto niyo, Tito!” puri ni Tanner habang nilalantakan ang chopsuey na niluto ni Papa. Paborito iyon ni Kaia kaya palaging iyon ang hinahain sa bahay.
“Hindi mo na ako kailangang biruin, Tanner. Girlfriend mo na ang anak ko.” Natawa si Papa at inabot kay Tanner ang isa pang putahe na hinanda niya. Adobo.
“I am telling the truth, Tito,” natatawang segunda ni Tanner. Nakangiting pinagmamasdan ko lang sila habang nakikinig sa kanilang usapan. They are having a good time together. Sana tuloy-tuloy na.
Biglang kumalabog ang kutsara’t tinidor kaya napatingin kami sa pinanggalingan niyon. Kara wipes her mouth and stands up.
“Wala na po akong gana. Aakyat na po ako sa taas.” Walang emosyon ang boses niya pero ang mukha niya ay puno ng negatibong emosyon. Nakatingin lamang siya nang diretso kay Papa.
“Sit. We have a guest, Karol,” Papa hisses at her. Walang nagawa si Kara kundi ang umupo pabalik sa kanyang upuan.
Tanner reaches for my hand under the table and squeezes it. Silently telling me that he’s fine and everything will be alright.
Of course! We may have surpassed our first obstacle but we still have plenty to face. Including Kara’s b***h attitude.
֍ ֍ ֍
“Ano bang problema mo!” Pabalang na sinara ko ang pinto ng aming kwarto ni Kara nang makapasok ako. Kaaalis lang ni Tanner sa bahay at agad akong dumiretso sa kwaro para i-confront ang kabastosan ni Kara kanina.
“God, Kora! I’m tired! Can you just shut up and go to bed!” Kara screams and throws her pillow at me. Nasapo ako sa ulo kaya nangigigil akong kinuha iyon at tinapon pabalik sa kanya.
“Somosobra ka na! Hindi na tama ‘yang ginagawa mo!” I shout back at her. Hindi naman kasi maririnig ni Papa ang sigawan namin dahil nasa baba ang kwarto nila ni Mama.
“Ako pa ang somosobra? Eh, ikaw ang sumira ng plano natin! Para saan? Para sa isang lalaki? Wow ha!” Napamaang ako at napatawa nang pagak. Hindi makapaniwala sa mga nariring sa kanya.
“Kailan mo ba tatanggapin na may kanya-kanya tayong pangarap na gustong tuparin? Gusto kong maging guro, ano ang masama do’n?”
“Wala ‘yon sa plano natin, Kora!”
“Hindi lahat ng plano, natutupad, Karol! Kambal nga tayo pero maraming bagay na magka-iba tayo! Kalian mo ba matatanggap ‘yon?”
“Hindi! Hinding-hindi ko matatanggap ‘yon. I just wanted to be your twin to share everything with you pero masyado kang madamot!”
I let out one frustrated sigh and look at Kara in pure disbelief. Hindi ko na alam ang susunod kong sasabihin sa kanya. It’s useless.
“Let’s just sleep.” I give up and walk to my bed. Nagsimulang humikbi si Kara at hindi ko maiwasang mainis pang lalo. She’s using her victim card again. Ganyan naman siya palagi pag nag-aaway kami. Iiyak para magparaya ako.
“You have no idea how jealous I am with you, Kora! That’s the reason why I want everything for us to be the same. Baka sakaling makita rin ako ng mga taong nakapalibot sa atin na singgaling mo, sing talented mo.”
Nahihiwagaang napatingin ako kay Kara. Hindi makapaniwala sa mga narinig niya. How can she be jealous of me? Siya nga palagi ang nakakukuha ng atensyon sa school.
“That’s not true.”
“Of course, it’s true! Ikaw na lang palagi ang maraming kaibigan, ikaw na lang palagi ang center of attention. Kahit nga si Anton, ikaw palagi ang kinokonsider, eh!”
“Hindi ko maintindihan!”
“Especially Anton! He never accepted my feelings for him because he doesn’t want to ruin your friendship!” Kara yells and walks out.
Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan dahil sa mga pinagtapat ni Kara. I want to be my own person but she wants us to be each other’s shadow? Ang sakit niya sa ulo!
Pero teka, hindi sila ni Anton? Akala ko okay sila. Akala ko lumagpas na sila sa pagiging magkaibigan noong prom. Nakalimutan ko rin naman palang kumustahin ang kambal ko.
May kasalanan din pala ako.