We are days before our graduation. Puno na ng lungkot ang paligid ng aming classroom, dagdagan pa ang pag-iwas ni Anton sa akin at ang samaan namin ng loob ni Kara. Daig ko pa ang nilukob ng madidilim na ulap. Buti na lang at nandiyan si Tanner para patatagin ang loob ko. He tries talking to Anton but Anton refuses to really talk to me keeping his reasons to himself. Hinayaan ko na muna siya dahil mas iniisip ko kung paano kami magkakaayos ni Kara, naaapektuhan na rin kasi pati si Mama at Papa at alam ko ring masamang imahe iyon kay Kaia.
“Haist! Sana talaga umabot na lang tayo sa K-12 curriculum. Para naman classmates pa rin tayo!” mangiyak-ngiyak na sambit ng isa kong kaklase. Bali-balita kasi na babaguhin ang education curriculum ng Pilipinas para makasabayan ang mga estudyante sa ibang bansa. So, the country can produce more professionals in the future.
We are slowly feeling separation anxiety. Takot na makakilala ng bagong kaklase maliban sa isa’t isa. Pero parte ng pag grow ang mawalay sa bawat isa. Iyon ang sinabi ng adviser namin.
“Basta ha, attend tayo alumni every year! Dapat walang aabsent ha!”
Napangiti ako sa munting usapan nila at tumango-tango bilang pag sang-ayon. Magagawa kaya naming ‘yon? Napangisi ako dahil bigla silang nag-iyakan. Ang iba naman nagsilabas para makaiwas sa pag-iyak.
Tanner who is sitting beside me reaches for my hand and caresses it. I look at our hands for a split seconds before giving my full attention to him. I give him a genuine smile as I c**k my head on the side.
“Have you fixed things with your twin?”
Biglang napalitan ng lungkot ang mga ngiti ko. Umiling-iling ako at hinayaan ang sarili kong lukubin ng lungkot.
“Now’s the right time. I saw her heading at the back of our classroom. Go on. Talk to her.” Tanner smiles at me knowingly and nods in encouragement. He really is a sunshine after the rain. A breathe of fresh air in the middle of a gloomy day.
“Ano ang sasabihin ko sa kanya?” Napakagat ako sa aking ibabang labi habang nag-iisip ng sasabihin kay Kara. Alam ko naman kasi na kung ano man ang sasabihin ko ay mauuwi lamang kaming dalawa sa sagutan.
“Let your heart decide, babe. Just listen to your heart.” Tanner reaches for my hair and gives it a gentle caress. I bathe myself in the warm touch of his palms. I nod several times and close my eyes shut. Tama nga naman si Tanner. Puso ang dapat pairalin.
“Okay!” I breathe in air and draw strengths from Tanner’s presence. I start to rise from my seat. Tanner gives me a ‘thumbs up’ sign.
“That’s my girl!”
“Wish me luck, babe!”
“Good luck!”
Lumabas ako sa classroom at tinahak ang daan papunta sa likod ng aming classroom. Malimit na lang ang mga kaklase kong tumatambay roon dahil mas gusto nga naman nilang sulitin ang mga minutong magkakasama kami sa loob ng classroom.
Nadatnan ko si Kara na nakaupo sa makeshift bench na ginawa ng mga kaklase kong lalaki, nakatingin sa kawalan na parang ang lalim ng iniisip. Napalingon siya sa kinaroroonan ko siguro dahil naramdaman niya ang prisensya ko. Nagulat pa siya nang mapagtantong ako ang nakatayo roon.
I tiptoe towards her and sit by her side. Umusog siya nang kaunti para makaupo ako nang maayos. Hindi nagsalita at binalik ang tingin sa kawalan.
“Karol…” I pause, biting the insides of my cheek. I don’t think I can confront her right now. Pero kung hindi ngayon, kailan? Ayoko namang maging huli ang lahat sa amin.
“Don’t start with me, Kor. I have no energy to argue with you,” sambit niya pero hindi ako tinatapunan ng tingin. I close my eyes and release one agonizing breath.
“I am not trying to argue with you, Karol,” I clarify, trying to get on her good side. It’s now or never. Bahala na kung magagalit pa siyang lalo. I just need to confront her with everything that she says to me that night.
Akala ko ako lang ang nakararamdam ng inferiority sa aming dalawa. Akala ko, ako lang ang nahihirapan. Pareho lang pala kami, parehong nasasaktan pero magkaiba ang rason namin. Ako gustong makawala sa anino niya, samantalang siya gustong maging anino ko. Ano ba talaga ang tama at dapat naming gawin? May mga magkakambal din kayang ganito rin ang nararanasan?
“Whatever you say…” mahinang sambit niya pero umabot pa rin sa pandinig ko.
“Kaya ba… kaya ba ganoon na lang ang kagustuhan mong maghiwalay kami ni Tanner dahil gusto mong maramdaman ko rin ang sakit na nararamdaman mo ngayon?” Iyon lang naman ang pinanghahawakan kong sama ng loob sa kanya. The way she says those words to me during our confrontation, it’s as if she’s telling me that whatever she feels, I should feel it too.
“Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa akin? Na gustuhing masaktan ang kapatid ko? Ang sarili kong kambal?” puno ng hinanakit ang boses ni Kara na napatingin sa akin. Nag-uunahan sa pagpatak ang luha niya.
“Iyon kasi ang pagkakaintindi ko sa paraan ng mga sinabi mo ng gabing ‘yon, eh! You want us to be alike, to look alike, to feel alike…”
“Siguro nga. At one point, iyon ang goal ko. Pero nakita mo naman kung paano ko kayo supurtahan ‘di ba? Kung paano kita kagustong maging masaya kay Tanner! It’s just that parang siya na lang kasi ang nagma-matter sa ‘yo.”
“Karol, I am in love with him. Of course, my world revolves around him. Masisisi mo ba ako kung ganito ang nararamdaman ko? I tried to control myself but my heart is weak. I am still learning the aspect of love, Karol!” I reason out.
Ganito naman talaga siguro pag nagmamahal? Naging tama ang lahat na mali sa mata ng mga tao. Palagi nga akong nasasabihang patay na patay kay Tanner at halos ayaw nang humiwalay. Alam ko namang pangit tingnan pero kapag nagmahal ka, wala ka nang pakialam sa sasabihin ng iba.
“Yeah. In love ka nga. Crazy in love. Ang unfair lang kasi bakit ang dali para sa ‘yo na makuha ang lahat? Bakit ang dali para sa mga tao na piliin ka? Anong meron sa ‘yo na wala ako, Kora? We’re identical twins!” humagulhol sa pag iyak si Kara at hinarap ako.
“It was easy for Tanner to fall in love with you without feeling anything for me. It was easy for Anton to decline my feelings because he chose your friendship. It was so easy for Mama and Papa to agree and support you with your dreams! Bakit hindi ko nararanasan lahat ng dinaranas mo?” sumbat ni Kara sa akin at hinahabol na ang hinihinga sa sobrang lakas ng pag-iyak niya.
“That’s not true…” Alo ko sa kanya at naiiyak na rin.
“Because you refuse to accept it. You’re in denial of everything. Iniisip po na mas lamang ako sa ‘yo. Na shadow lang kita pero ang totoo, lahat ng magagandang pangyayari napupunta sa ‘yo! Alam mo ba na wala pang absent si Mama at Papa sa Taekwondo Competitions mo? Samantalang ako, minsan lang puntahan ni Mama. That’s unfair, Kora!”
“Alam mo naman ang rason ni Mama sa mga pag-attend niya sa competitions ko ‘di ba? Si Papa naman, dating Taekwondo player.”
“Bakit wala bang paramedics do’n if ever na ma injure ka nga? Bakit, imposible ba na ma-injure ako habang nagba-ballet?”
“Then why haven’t you told us about all these things?” Ito na pala ang mga nararamdaman niya bakit mas pinili niyang manahimik?
“Dahil ayokong magmukhang uhaw sa atensyon niyo. Kaya nga ninais ko na lang na makihati sa ‘yo kasi sa ganoong paraan naman tayo pinalaki. But you are so selfish.”
Selfish ba talaga ako? Hindi ko ba talaga kinonsider ang nararadaman niya? Mas binigyan ko ba ng pansin ang sarili kong nararamdaman? Pero mas pinapaboran nga siya ni Mama. Palaging gusto niya ang sinusunod ni Mama. Palagi akong pinagsasabihan ni Mama na magparaya kay Kara. Kaya nga ako nakaramdam ng insecurity and thirst of freedom dahil doon, eh. Pareho lang pala kami.
“Tinitiis ko naman, Kora. Nanahimik ako pero masyadong masakit para sa akin ng nangyari sa amin ni Anton. Masakit na mas piliin ang kambal ko ng lalaking mahal ko… ang unang lalaking inalayan ko ng aking puso,” pagtatapat ni Kara at humugot ng malalim na hininga. Tila binibiyak ang puso ko sa sakit na nararamdaman niya.
“I’m sorry, Karol…” umiiyak na sambit ko. I reach for her hand and hold it tight. Inaamin kong may kasalanan din ako. Kung sana mas naging malawak ang pag-unawa ko. Kung sana hindi ako naging selfish. “You should’ve told me about Anton. Sana kinausap ko siya.”
“Parang ang desperada ko naman no’n. Inayawan na nga ako ng tao ‘di ba? And what? Kung kinausap mo nga siya? Pagbibigyan niya ang nararamdaman ko dahil sinabi mo? Ikaw pa rin, eh.”
I bite my lips to suppress my cries. “Hindi gano’n. Sana pinaintindi ko sa kanya ang sitwasyon. Kung ang friendship nga namin ang pinili niya, bakit niya ako iniiwasan?”
“Maybe because he’s embarrassed… or he’s already done with us?”
“After all these times? We basically grew up together, Karol. It’s not that easy! You know what, I’ll talk to him. I’ll talk to him after I fix our situation!” I stand up determined.
“I’m really amazed by how responsible you are in fixing things, in fixing relationships. I hope, I’m like you.”
Napabalik ako sa kanyang tabi. Kara has her demons too. Well, all people are. And I realize, there is no room for judgement because each of us have our own silent battles. If battle scars can be worn visibly, I guess, we are full of them tattooed in all corners of our bodies.
“Are we okay, now?” Sinilip ko ang mukha ni Kara nang bumalik siya sa pagkakayuko. Umupo ako nang maayos nang bigla niya akong balingan. There is now a faint smile in her lips and the glint in her eyes matches it.
“I’m sorry for being such an insecure person…”
“Hey!” Pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak ko sa kanyang kamay pero nilagay niya lang ang isa pa niyang kamay sa taas niyon.
“No. I meant what I said. I am sorry. I know that we are our individual person. Pero idol kita, eh! Kaya sorry na, kambal ko!” She draws closer to me and embrace me in a hug.
Kung iisipin ang babaw lang ng pinag-awayan namin pero para sa teenagers na gaya namin, malaking bagay na nagkaayos kami kahit sa isang petty na bangayan lang. I am sure that when we grow up, we will me mature enough to handle issues between us. Wala namang magkakapatid na hindi nag-aaway, ang importante, at the end of the day, nagkakaayos, nag-aaminan ng kasalanan, at nangingibabaw ang pagigin magkapatid namin.
“I’m sorry too. I miss you, kambal ko.” I hug her back.
“College will be a challenge without you, Kora!” Kara groans as she lets go of me. I smile lightly at her when she faces me. Magaan na ngayon ang pakiramdam ko dahil nawala na ang isang punyal na nakatusok sa parte ng puso kong nilaan ko para kay Kara. Punyal na lang na nilagay ng best friend ko ang nandoon pero sisiguraduhin kong hindi matatapos ang araw na ito na makakausap ko rin siya.
“Hey! We are only one chat away from each other!” I look at her knowingly.
“I know pero kasi… na-realize ko na… I want to pursue my dreams, too. Something that I am good at…” nag-aalangang sambit ni Kara. Napakunot-noo ako sa mga inamin niya.
“What are you talking about?”
“I want to be a professional Ballerina. I mean, don’t get me wrong, I want to be a doctor too. But you know, we can’t serve two masters at the same time.” Napangiwi pa siya habang binabahagi sa akin ang pangarap niya.
“There’s nothing wrong in pursuing your passion, Karol. We can tell Mama and Papa about it. I am sure they will understand,” I encourage her. Sabi nga ni Papa, ang laban namin ay laban din nila.
“Thank you for inspiring me to fight for my dreams.”
“Always…”
We hug each other one more time and even laugh at the silliness of our little misunderstanding.
I realize that a problem occurs between two persons if the other closes the door of her heart and mind to the other person’s beliefs and explanations. But if one is brave enough to conquer those doors, then everything will fall back into place.
I am beyond happy that Kara and I make up. I know that as we enter the new phase of our lives, we will be victorious in conquering our problems because we are stronger and more mature.