Surprises are sweet but it is never been sweeter today. I thought I already had enough surprises for today after that stint Tanner pulled with my mom earlier. But I am wrong because after the meeting, Mama invites Tanner to dine with us so he can meet my father. I am beyond nervous but Mama grasps my hand tightly as if telling me that it is alright.
Kara laughs at my obvious nervousness. Oh well, kahit hindi ko naman ipahalata, mase-sense niya pa rin ang nararamdaman ko. Tanner and I walk side-by-side but in silence. We are heading to the parking lot where mama and papa waits for us. Naging tradisyon na ng family naming sa mag-dinner sa labas tuwing may school engagements kami katulad ng PTA meeting. None of use wants to talk or open a topic. Sumabay si Kara sa amin at binigyan kami ng ngising-aso.
“Lagot kayo!” Tumawa siya nang malakas nang bigla ko siyang sinabunutan. She’s in a good mood today, why? May kakaiba sa bawat tawa at kislap ng kanyang mga mata. Kung ano man iyon. Siguradong malalaman ko rin.
Tanner reaches for my hand and holds it tightly as if sharing his confidence with me. Biglang dumaloy ang init na nagmumula sa mga palad niyang nakahawak sa palad ko pataas sa aking pisngi.
“I got you, Kor.” He leans and whispers to me. Napaangat ako ng tingin sa kanya pero pinili ang manahimik. Pinisil ko ang kanyang kamay na hawak-hawak ko pa rin at ngumiti nang maluwag bago tumango.
Hindi ko lubos maisip na sa kabila ng kakulitan at kaingayan ko sa loob ng classroom ay darating itong araw na halos hindi ako makapagsalita dahil sa sunod-sunod na overwhelming situations na kinahaharap ko.
“Everything’s going to be fine. Chill!” Tanner lets go of my hand and pinches my nose. I scowl at him and punch his shoulder jokingly.
“Ang taas talaga ng tingin mo sa sarili mo ‘no? eh, parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Bakit mo ba kasi naisipang magpakilala kay Mama?” sunod-sunod na sambit ko nang makalayo si Kara sa amin. Lumakas pa ang tawa niya at ginulo naman ang buhok ko.
“You’re cute when you’re panicking. But trust me, Kor, I got you. I just want to show how determined I am for your heart and it’s a sign of respect.”
My heart melts at his candidness. Unti-unti ko na yata nagugustuhan ang pagiging straightforward niya. Ganito nga siguro siya pinalaki ng US. Walang paligoy-ligoy pa pag may isang desisyon nang nabuo sa isip niya.
“Sabi mo, eh!” This time it’s my turn to wrap my hands on his. I just need the comfort coming from it to fuel my inner peace.
Nang makarating kami sa parking lot, agad ako nagbawi ng kamay nang mamataan ang pigura ni Papa. Nakatalikod siya sa amin habang karga-karga si Kaia. My little sister is throwing tantrums and Papa is comforting her. Sinasayaw siya ni Papa habang pinapatahan.
Lumipad sa kabilang dako ang atensyon ko at nakita ko si Mama na nakikipag-usap pa sa mga ina ng mga kaklase ko. Abot pa sa kinatatayuan namin ni Tanner ang tawanan nila.
“My mom will surely love it here. All the mothers are very friendly and welcoming.”
Napaangat ako ng tingin kay Tanner. There was longing in his eyes and a visible sadness covered his voice. I want to reach for his hand again to comfort him but Papa notices us so, I wave my hand at my father instead.
“You must’ve missed your mom so much,” komento ko at nagsimula nang maglakad papunta sa aming sasakayan. Alam kong sumunod si Tanner dahil sa naramdaman ko na naman ang init ng kanyang katawan sa tuwing magkalapit kami. Don’t get me wrong, it was an exuding warmth that makes a person comfortable with her company. A warmth that will make you feel safe. Iyon ang nararamdaman ko sa tuwing magkalapit kami ni Tanner.
“So damn much. But malapit na rin naman siyang umuwi.” He walks next to me and he looks down at me and gives me a warm smile.
“Papa.” Humalik ako kay papa nang tuluyan kaming makalapit sa sasakyan. Tahimik lang si Tanner sa tabi ko at biglang binundol ng nakabibinging kaba ang dibdib ko nang biglang sulyapan ni Papa si Tanner.
“Ikaw ba si Tanner, hijo?” tanong ni Papa at inabot ang kamay kay Tanner. Ngumiti siya nang tipid at pinasadahan ng tingin si Tanner. Siguro nasabi na ni Mama sa kanya na may kasama kami sa dinner. Hindi ko lang alam kong paano niya pinakilala si Tanner kay Papa.
“Yes po. Good evening po,” magalang na sagot ni Tanner at tinanggap ang kamay ni Papa. Tahimik na pinagmasdan ko silang dalawa. There was pure calmness in my father’s face while staring at Tanner and Tanner just mirrored my father’s emotion just the same.
“Pumasok na kayo sa sasakyan at nang masimulan natin agad ang interrogation.” May halong biro ang boses ni Papa at agad na tiningnan ako nang makahulugan. Domoble ang kabang nararamdaman ko pero pinilit ko pa ring maglakad papasok sa kotse.
Mama settles at the passenger seat with Kaia in her lap while Kara, Tanner and I settle at the backseat, with me in the middle. Tahimik lang kaming tatlo sa backseat at nagpapakiramdaman. Kara secretly elbows me but I harshly glance at her. Ang hilig niyang mang-inis ngayon, ah!
Lumapit siya sa akin at bumulong, “Breathe. Mukha kang naglalakad na multo sa sobrang putla.” There’s a hint of sarcasm in her voice and I want to answer her back but I choose to stay silent. Baka mapansin pa kami ng aming mga magulang at makisali pa sa pang-aasar ni Kara.
“Ang tahimik niyong tatlo diyan. Kora, kumanta ka nga. Siguradong gusto ring marinig ng kaibigan mo ang napakaganda mong boses.” May halong pang-iinis ang boses ni Papa. Nakita ko pa siyang nakangising sumulyap sa salamin nang mapatingin ako roon.
“Papa!” Sumimangot ako at napayuko. Kabaliktaran ng mga sinabi ni Papa ang boses ko. Narinig ko namang tumawa si Tanner kaya napatingin ako sa kanya. He answers my gaze with full amusement in his coffee brown eyes.
“You sing?” He grins and c***s his head on one side.
“Upakan kaya kita!” Inambahan ko siya ng suntok at pinalakihan ng mga mata. Sunod na napatawa si Kara, gano’n din si Mama.
“Kora, hindi ganyan ang tamang pagtrato sa ating bisita. Lalong-lalo na sa manliligaw mo, hija!”
“Papa naman kasi, eh!”
“Oh sige, lagyan natin ng background music para kunyari maganda boses mo.” Pinatugtog ni Papa ang car stereo at agad na pumaere ang isang malamyos na musika.
“And I can’t fight this feeling anymore…” sinabayan ni papa ang kanta.
“I forgot what I started fighting for…” sumunod si Mama at binalingan ako. She cups my chin and grins at me.
I feel Kara moving beside me so I give my attention to her, “Sige! Magsalita ka! Kumanta ka rin!” banta ko at pinandilatan siya.
“And I can’t stop this feeling anymore…” Napamulagat na napatingin ako kay Tanner. Pati siya nakikisabay sa pang-aasar ng pamilya ko. Wow!
“Argh!” I cover my face with my hands and yell out of frustration.
“Ate Kora, is he your boyfriend?” inosenteng tanong ni Kaia na tila nahimigan na sentro ako ng pang-aasar. Gusto ko nga maasar sa tono ng boses ng kapatid ko pero dahil bata, naging cute iyon sa pandinig.
“Hindi pa!” sabay na sagot ni Papa at Mama.
Jusko! Kung alam ko lang na ganito sila ka-open sa ganitong bagay, edi sana grade six pa lang naghanap na ako ng jowa!