NOON: Chapter 8

2255 Words
It’s a gloomy day but my heart is so much heavier. Several days pass and Kara has been ignoring me. I want to tell her that I plan of giving an answer to Tanner but I can’t do it because she’s being such a big headache. Gustong-gusto ko si Tanner pero ayoko namang unahin siya kaysa sa issues namin ng kambal ko. Mas matimbang pa rin ang magmamahal ko sa aking Kambal. “Kara, talk to me, please!” Hindi ko siya hinayaang makalabas ng girl’s comfort room at ni-lock ang pinto. Instead of answering me, Kora walks past me and tries to open the door but it won’t bulge. Tanner and Anton is outside since I ask them to help me sort things out with Kara. I have told them about our issues but I never share our issue about Tanner. “Kora!” Pinanlakihan niya ako ng mga mata nang ayaw bumukas ang pinto. “Kausapin mo kasi muna ako.” Hinawakan ko ang mga kamay niya at pilit siyang pinaharap sa akin. Kara sighs and looks at me defeated. “I’m sorry. I am being unreasonable. I know but I just…” Nagpakawala siya ng malalim na hininga at niyakap ako nang mahigpit. “I’m sorry, kambal. I am so sorry. Was blinded by the fear of losing you.” I answer her embrace as tightly as I can. Pinipigilan ko ang aking mga luhang pumatak pero nagsiunahan pa rin ang mga iyon sa pagpatak na para bang nasa isang paligsahan. “Sorry din dahil nasaktan kita. Pasensya ka na, kambal ko. Hindi ko kontrolado ang aking puso.” “No! hindi mo kasalanan na nagsisimula ka nang makaramdam ng romantic love. Naiintindihan na kita at sa totoo lang masaya ako sa ‘yo. Masama lang talaga ang pakiramdam ko kay Tanner pero tama ka, hindi nga naman natin hawak ang puso natin. Hindi natin ito kayang diktahan kung sino ang dapat at hindi magustuhan.” Kumiwalas siya sa pagkakayakap ko at pinunasan ang aking mga mata. Ngumiti ako dahil sa mga sinabi niya. Alam ko namang maiintindihan niya. Kahit naman naiinis ako minsan sa kanya, alam kong kasangga ko talaga siya. “Thank you, kambal.” Ginagap niya ang mga kamay ko at taimtim akong tinitigan. “Do you really like him? Are you really certain?” Sunond-sunod na tango ang binigay ko sa kanya. “Kara I really do like him. I don’t know but I’m really genuinely happy when we’re together.” Pag-amin ko at ngumiti nang malapad. “Okay. If that’s what you truly feel. Then, go. I’ll support you. Mama will attend the meeting later. Why don’t you introduce him?” offer ni Kara. Pero biglang nanlaki ang mga mata ko at sunod-sunod na nagpakawala ng iling. “Natatakot ako kay Mama. Paano kung magagalit siya? Tapos pipigilan niya akong mapalapit kay Tanner?” “Kora, Mama will support us. Mas mabuti nga iyon at may guidance kayo mula sa kanya. And for the name of being honest, tell Mama.” Pinanlakihan niya pa ako ng mga mata. Tumango ako bilang pagsang-ayon pero nag-aalinlangan pa rin. Sabay kaming napatingin ni Kara sa nakasarang pinto dahil sa sunod-sunod na katok mula sa labas. Ilang mga babaeng estudyante ang narinig naming sumisigaw na papasukin na sila. “We better go out.” Kara fixes her hair and uniform and faces the door. I take out my phone and dial Anton’s number giving him permission to open the door from outside. Nang bumukas ang pinto, agad na napaatras ang ibang estudyante nang makita kami ni Kara. Napatingin ako sa kambal ko at nasagot ang katanungan sa isip ko nang makita siyang nakataas ang isang kilay at madilim na tinapunan ng tingin ang bawat estudyante doon. “Matuto kayong maghintay.” She flips her hair and walks away. Tahimik na nag-peace sign lamang ako at sumunod kay Kara. Suplada talaga. Walking PMS na naman siya. Sumabay sa aking paglalakad si Tanner. I look up at him and smile. My nostrils flare because of his expensive perfume. Sakto lang at bagay na bagay sa kanya ang bango, mas dumagdag pa nga sa s*x appeal niya. I offer a ‘thumbs up’ sign to him, silently telling him that Kara and I finally fix our problem. “Nice!” he comments and put his arm on around my shoulder. Feel na feel ko naman ang init na dumaloy sa katawan ko na nagmumula sa kanyang braso. Kinikilig talaga ang puso ko. Ganito pala ang feeling pag umiibig sa murang edad. Gaano kaya ka entense ang pagmamahal kong Young Adults na. Kapag sinagot ko kaya si Tanner ngayon, kami pa rin kaya pag nasa twenties na ang edad namin? I hope so. Because I really want to keep him for the rest of my life. “Tanner, sino pala ang pupunta sa ‘yo para sa meeting mamaya? Pupunta ba ang daddy mo?” I am trying to fetch for information pero lowkey lang. “Si Mama,” tipid niyang sagot at kumindat sa akin nang magsalubong ang aming mga mata. Lumundag-lundag naman sa semento ang puso kong hulog na hulog na ssa kanya. Pero agad ring napakunot-noo dahil ang buong akala ko nasa America ang mommy niya. Nagkibit-balikat na lang ako at pumasok sa classroom nang makarating kami.   Pagsapit ng alas tres, hindi na kami nag-meet sa aming subject bagkus ay hinanda namin ang aming classroom para sa PTA meeting. Nag-uumapaw ang excitement ng bawat isa dahil sa pag-uusapang prom. This will be our last prom and we wish that the result of the meeting will be favorable for all of us. Habang hinihintay na dumating ang aming mga magulang, kanya-kanya kaming nakikipag-usap sa aming mga kaklase. Kara is with her circle and I am with mine, including Tanner and Anton. Nasa gitna kami ng pag-aasaran nang biglang may mga munting kamay na yumakap sa mga hita ko. Napabaling ako sa bata at napangiti nang mapagtantong si Kaia pala ang yumakap sa akin, ang nakababata naming kapatid ni Kara. She’s in her pre-school years and in the same school as us. “Ate Kora!” masiglang sigaw niya habang nakapulupot pa rin sa mga hita ko ang munti niyang mga kamay. “Kaia!” dumukwang ako para kargahin siya. “Sino kasama mo?” tanong ko kahit alam ko namang kasama niya si Mama. Tinuro niya ang gawi ni Mama at agad kong nakitang nakikipag-usap siya sa ina ni Anton. Anton runs to her mother and kisses her on the cheek, he does the same to my mother. Agad na binundol ng kaba ang dibdib ko nang biglang lumipad sa akin ang mga tingin ni Mama. Daig ko pa ang nahuling may ginagawang masama dahil katabi ko lang si Tanner. Napahigpit tuloy ang hawak ko kay Kaia. Lumapit si Kara sa kanila ni Mama at sinunod ang ginawa ni Anton. Kagat-labing naghakbang ako papunta sa kanila. Nagulat pa ako nang biglang sumabay sa akin si Tanner. I want to stop him but it will make everything obvious so, I let him walk with me. Kinuha ni Kara sa akin si Kaia at sinama pabalik sa mga kaibigan niya. Agad siyang kinagiliwan ng mga kaklase namin. “Ma.” Humalik ako sa kanya bago binalingan ang in ani Anton na si Tita Jessica. “Good afternoon po, Tita.” Humalik din ako at tahimik na humarap sa kanila, nag-iisip ng susunod kong gagawin. Halos maramdaman ko na ang puso kong unti-unting gumagapa pataas sa lalamunan ko. “Good afternoon po.” Tatlong pares ng mata ang napatingin kay Xilo. Napakagat labi ako dahil nasa kanya na ang atensyon ni Mama at ni Tita Jessica. They are looking at him with full curiosity in their eyes. “Hindi kita kilala at ngayon lang kita nakita rito sa school. Transferee ka, hijo?” tanong ni Tita Jessica na nakangiti. “Opo.” Tumango si Tanner at magalang na nagmano sa kanila. Tahimik lang ako na nagmamasid. Kung meron man isang bagay na gustong-gusto ko sa school namin, iyon ay ang closeness naming mga estudyante sa aming mga magulang. Sama-sama na kasi kami sa school simula pre-school kaya sobrang higpit na rin ang bonding namin. Halos magkukumare at kumpare pa nga ang mga magulang namin dahil mga ninong at ninang din sila ng mga nakababata naming mga kapatid. “Ang gwapo mo namang bata. May lahi ka yata?” Puno ng kuryusidad ang boses ni Mama. Hindi pa rin nababawasan ang kaba sa dibdib ko. “Opo, Tita. I’m half-american po.” “Oh! That’s why. Kaklase ka nina Kora? Ano ang pangalan mo?” si Tita Jessica naman ang nagtanong. Salitan ba sila ni Mama sa interrogation o nagfe-feeling host sila isang talk show sila? Ang dami nilang mga tanong! Tahimik lang akong nagdadasal na sana pumasok na sila sa loob ng classroom at makipag-tsismisan sa iba pang mga magulang pero wala pa yata silang planong pumasok at interesadong-intresado pang makilala si Tanner. “Opo. I’m Tanner po.” Pagpapakilala niya. “Ang gandang pangalan.” “Actually, Tita…” Sumulyap si Tanner sa akin at napasunod din ng sulyap sina Mama. Inosenteng nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila pero kulang na lang lukubin na ng nerbyos ang buong sistema ko. “Go ahead, hijo. Ano ‘yon?” Tita Jessica encourages him to speak further. Domoble ang kabang nararamdaman ko. Why do I have this nagging feeling that I am not gonna like the words that he’s about to say? “Nililigawan ko po si Kora.” Diretsang pag-amin niya. Nanlaki ang mga mata ko na tila ba guilty sa isang kasalanan. Ganoon din ang naging reaksyon nina Mama at binalingan ako, parehong nakataas ang mga kilay nila. Ramdam na ramdam ko ang init na gumagapang sa aking pisngi. Pakiwari ko’y namumula na rin ito. Kung sana pwede lang magpalamon sa lupa, ginawa ko na. Napakagat ako sa aking ibabang labi at napayuko. I can’t look my mother straight in the eye. “You have a good taste. Pero sigurado ka ba sa nararamdaman mo, hijo? Sigurado ka bang si Kora? She has a twin.” Napamaang ako at napatingin sa aking ina dahil sa sunod-sunod na sinabi niya. Hindi siya galit? O baka naka-reserve ang galit niya sa bahay? Jusko po! “Definitely sure po, Tita. I can distinguish the two of them quite clear and my heart really choose Kora. I see through her.” Kay Xilo naman napalipat ang atensyon ko. Bakit ba kasi ang confident niya at hindi yata natatakot! Ang tapang makipag-usap sa nanay ko! “Nice answer. You two have my blessing but… huwag masyadong dibdibin. Mga bata pa kayo and you should know your priorities.” Napamulagat ako sa sinabi ni Mama at narinig ko pa ang malakas na pagsinghap ni Tanner. Totoo ba ang mga narinig ko? Seryoso ba si Mama? “Ay! Nagdadalaga na si Kora!” Sinundot-sundot ni Tita Jessica ang tagiliran ko dahilan para mapatawa ako. Pero agad ding umayos nang makita ang nakangiting mukha ni Tanner. “Of course, Tita. Thank you po. I promise to protect your trust po.” Tanner reaches for my mother’s hand and shake it. Wow! “Naku! Huwag ka munang magbunyi, hijo. Dadaan ka pa sa isang butas ng karayom. Ang papa niya, sobrang protective iyon sa mga prinsesa niya,” natatawang babala ni Mama. She looks at me and winks playfully. Her wink tells me that she got my back. Mabait si Mama at supportive sa amin ni Kara kahit strikta siya pero hindi ko talaga inaasahan ang pagiging positive ng responses at pagtanggap niya sa mga inamin ni Tanner. Halos hindi nga ako makapagsalita, eh. “Of course, Tita. I look forward to meeting her father po.” Hindi makapaniwalang napatingin ulit ako kay Tanner. Ang tapang na bata nga naman. “I admire your bravery, hijo. Good luck!” puno ng pagbabanta ang boses ni Mama pero may halo pa ring pagbibiro. “Can I ask one favor po, Tita?” Curious na napatingin kaming tatlo kay Tanner. He’s bold and straightforward but after saying the words he just says; a shadow of sadness crosses his coffee brown yes and it’s so vivid I almost want to hug and console him. “What is it?” Naging malumanay rin ang boses ni Mama. “I was hoping if you could also attend the meeting for me po? My parents are busy and I don’t have any guardian available to come to school today.” Tanner smiles and scratch his forehead. Nahihiya siya. “Of course! Iyon lang pala. Ano ang last name mo? So, I can sign the attendance for you.” Ang bait naman ni Mama. Good mood yata siya ngayon. Maaliwalas din ang mukha niya. Nagulat din ako dahil ang sabi niya kanina mama niya--- tahimik na napamaang ako at napatingin kay Tanner. He grinned at me knowingly before giving back his full attention to my mother. “Gaston po. Tanner Gaston.” “Gaston?!” sabay na bulalas ni Mama at ni Tita Jessica. Why? What’s with the Gaston? Gusto ko sanang magsalita para magtanong pero hindi ko pa rin mahanap ang boses ko dahil sa lakas ng pintig ng puso ko. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko na parang sirang plaka ang mga sinabi kanina ni Tanner. ‘Nililigawan ko po si Kora.’ ‘Nililigawan ko po si Kora.’ ‘Nililigawan ko po si Kora.’  Nililigawan. Ko. Po. Si. Kora. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD