Masaya ako sa kinalabasan ng output ni Tanner. Akala ko mahihirapan kami pero ang totoo hindi naman pala talaga kailangan ni Tanner ng katulong sa output niya. He has his notes in Literature saved in his computer. Kung nakasabayan lamang siya namin sa pagpasa, siguro siya pa ang makakukuha ng highest score sa English Lit. One thing that I discover about him, he’s smart and studious too. A rare trait for a boy his age.
“Thank you for helping me out, Kor.” We are currently standing outside our campus, enjoying the combined taste of sweet and chili sauce in our tempura.
“Wala naman akong naitulong. Presensya ko lang yata ang naambag ko.” I munch on my food and smile at him awkwardly.
“It’s what exactly I needed. Your presence.” He admits playfully then he c***s his head on one side, I look at him askance, refusing to believe his simple statement.
“You’re really smooth with words ‘no?” I can’t help but roll my eyes at him. He laughs and reaches for my hair and ruffles it. Bago pa niya tuluyang masira ang buhok ko, umiwas na ako at inayos ito.
“By the way, uuwi ka na ba after this?” mayamaya ay tanong ko. Alam ko naman kasing may naghihintay na driver sa kanya. Samantalang ako may mga side-trips pa kasama si Anton at ang iba pa naming mga kaibigan.
Tanner shakes his head and look at me questioningly. A knot starts to form in his forehead. “Why? Will you ask me out?”
“In your dreams!” natatawang kontra ko sa sinabi niya. Paano naman niya naisipang yayayain ko siyangg lumabas?
“Well, yes. I’ll be home and deal with boredom until our house helper shouts my name for dinner.”
Ang lungkot naman ng buhay niya dito sa Pilipinas. Siguro kung nasa America pa siya, mga ganitong oras nasa galaan na siya kasama ang mga kaibigan niya.
Isang ideya naman agad ang pumasok sa isip ko. May sulusyon na ako para maging masaya naman ang pagsisimula niya rito sa pinakamamahal naming bansa.
“Why don’t you come with us?” I can hear the hint of excitement in my voice. Sana nga sumama siya, sigurado akong mag-eenjoy siya kasama ang mga kaibigan ko.
“Where?” interesadong tanong ni Tanner. His now giving me his full attention.
“Sa park. Maglalaro kami ngayon ng skateboard since wala kaming Taekwondo training ngayon.”
“Who’s coming with you?”
“Anton and some of our friends. Kilala mo na ang iba sa kanila. Mga kaklase rin natin. Ano, G?”
His knotted forehead turns into a deeper scowl when I mention Anton’s name. Napangisi agad ako dahil bigla ko na namang naalala ang mga sinabi niya noong nagdaang araw na nagseselos daw siya.
“Then I should definitely come, Kor!”
“Ano ka ba, harmless naman ang mga ‘yon. Tsaka, mga barkada ko na ang mga ‘yon ‘no. halos sabay-sabay kaming lumaki sa school na ‘to.” I explain trying to make him understand my real relationship with those guys.
“Still! It makes me uncomfortable thinking that you’re with those guys!” pamimilit niya pa rin. Nagulat pa ako nang biglang dumapo ang kanyang hinlalaki sa gilid ng labi ko. Napaapunas din ako sa aking labi dahil sa biglaang gesture niya.
“Kung makapagsalita ka parang girlfriend mo na ako, ah!”
“Then be my girlfriend already. Just give me your confirmation.” He grins and winks at me.
“Tss.” Napailing na lang ako dahil sa mga sinasabi niya pero sa loob-loob ko, nagwawala na na parang isang gymnast ang puso ko dahil sa sobrang kilig.
“Grabe, konting effort naman, Gaston! Huwag mo akong idaan sa mga sweet words mo, ha!” Pinanlakihan ko siya ng mga mata.
Tumawa siya nang malakas dahil sa sinabi ko. “Fine.”
Napatigil kami sa aming pag-uusap nang biglang dumating si Anton at walang habas na inakbayan ako habang maangas na hinarap si Tanner.
“’Tol, alam kong trip mo ‘tong kaibigan ko pero gusto ko lang malaman mo na protective talaga ako dito. Lalo na’t ako ang pinagkatitiwalaan ng mommy nila na poprotekta sa kanila.” Seryoso ang boses ni Anton pero hindi ko maiwasang matawa dahil sa mga sinasabi niya. Daig pa niya ang tatay kung makapagsabing protective, eh.
“Nuginagawamo!” hirit ng isa pa naming kaibigan na si Alex. Bata siya ng isang taon sa amin at nasa third year high school pa lamang.
Tumiim bagang si Tanner at nakipagsukatan ng tingin kay Anton. “I know your place in Kora’s life. A best friend. I don’t plan of jeopardizing your friendship with her because I wanted more than that, more than friendship and I made myself clear since day one.” Tanner says in his full hard English, not breaking eye contact with Anton. I can sense the tension building up between them but I am stunned by Tanner’s deep voice.
Tumawa nang malakas si Anton at nakipag-high five kay Tanner. “Lakas ng tama mo sa kaibigan ko, bro! ano bang pinakain nito sa ‘yo at tila yata baliw na baliw ka? Alam mon a---”
“Woah! Tama na! Tama na! pumunta na lang tayo sa park. The sun will set soon.” Pigil ko sa kung ano pa man ang sasabihin ni Anton. Alam ko namang mapapahiya na ako sa susunod niya pang sasabihin.
Nagsiunahan na ang iba naming mga kasama na mahilig din sa skates at iniwan kaming tatlo. Ang tensyong naramdaman ko kanina ay tuluyan nang naglaho dahil sa sunod-sunod na tawanan ni Tanner at Anton. Bigla yata agad silang may pinag-uusapan na tanging mga lalaki lang ang nakaiintindi.
“Kor, is Karol coming with us?” Napaangat ako ng tingin kay Tanner at sinalubong ang nagtatanong niyang mga mata.
“I mean, you’re twins. You’re basically sticking to each other like glue, right?” He has a point but he was wrong.
“Yep. Kara and I are basically close and you can really see us matching everything but when it comes to interest and sports, we’re the opposite. Kara’s busy with his Ballet practice and she rather play Tennis than ride a skateboard with us,” pagkukwento ko. Gusto ko lang na ibahagi sa kanya ang kaibahan namin ni Kara.
“Oh! That figures.” He comments and puts his arms on my shoulder protecting me from the motorcycles and private vehicles that pass us. Anton looks at us and scowls but I ignore him. The warmth of Tanner’s arm on my shoulder gave me a comfort equal to a warm blanket in the middle of a bad weather. I can’t help but smile to myself.
Nagpatuloy kami sa paglalakad papuntang park kung saan doon kami tumatambay at naglalaro ng skateboards namin. Naghihintay na rin doon ang pinsan ni Anton na inutusan niyang maghatid ng aming skateboards dahil bawal nga namang magdala niyon sa loob ng campus.
Marami nang tao ang tumatambay sa park lalo na’t pag ganitong oras ay uwian ng mga estudyante at off na sa traabaho ang ibang government employees na malapit lang din ang building sa naturang park. The park is located at the heart of our city and it serves as serendipitous rendezvous for people who want to unwind and chill.
Bigla kaming iniwan ni Anton at tumakbo sa parte ng park kung saan nandoon lahat ng naglalaro ng skateboards. Marami na ang nagpapakitang gilas sa ng iba’t-ibang tricks na kabisadong-kabisado na nila. At hindi ko mapigilan ang adrenaline rush na lumulukob sa akin sa tuwing pagmamasdan ko ang mga naglalaro kung paano sila temporary na lumilipad at dumadapo sa semento na nakatayo at sakay pa rin ng skateboards nila. A Kickflip trick that takes me several weeks to master when I started learning the sport.
Instinctively, I grab Tanner’s hand and lead him to my favorite place, our little skateboarding arena. Habol ang hiningang napatayo ako sa harap at tumatawang pinagmasdan ang isang kakilala na nadapa dahil dumaan daw ang crush niya. I also hear Tanner laughing beside me.
“Do you want to try?” I ask him grinning. He looks down and meet my eyes before nodding repeatedly.
“But I don’t have my skate with me.” Bigla siyang sumimangot na parang bata. He looks so cute!
“I got you covered.” I grab his arm once again and lead him to the corner where our skateboards are. Pinatayo ko ang isang board gamit ang aking paa at agad iyong hinuli ng iking kanang kamay.
“Is this yours?” His voice is full of curiosity and amusement.
“Yep. You can borrow it. Go ahead. I know you miss skateboarding.” When he told me about skateboarding when we first met, the shadow of longing was visible in his eyes back then. Kaya ngayong may pagkakataon siyang makapaglaro, gusto kong ibigay sa kanya iyon.
“Are you sure? How about you?”
“I’ll play later. Ikaw muna. I’ll watch.” I encourage him to go and play. At first, he’s hesitant to leave me but his desire to ride a skateboard again prevails.
I don’t know but meeting Tanner and getting to know him deeper, makes me want to make him happy and make life easier for him. Siguro dahil nalaman kong wala masyadong oras ang mga magulang niya sa kanya dahil sa kanya-kanyang trabaho.
My mother is a physician and my father’s a small businessman but they always make sure that they have time for us especially for our little sister, Kaia. It’s the one thing that I really appreciate about my parents. Hanggang maari, gusto kong ibahagi iyon kay Tanner. Afterall, he becomes that one person who’s equally important as family.
֍ ֍ ֍
Alas sais na ng gabi nang makauwi ako galing sa paglalaro. Nagpaalam naman ako at ginawa kong pain si Anton dahil mas madali kong napapa-oo ang mga magulang ko sa tuwing sinasabi kong kasama ko si Anton. He’s always my exit ticket. Pero iba ngayon, galit si Mama habang kinakausap ako sa cellphone. Nag-break time pa talaga siya para lang pagalitan ako.
“Kababae mong tao pero palagi kang pasaway sa klase, Kora. Paano kung maapektuhan ang grades mo? Graduating ka pa naman!” Napapikit ako nang mariin dahil sa sunod-sunod na salitang binitawanan ni Mama.
“Hindi naman po gano’n, Mama!” tanggol ko sa aking sarili at sinisikap na ipaintindi sa kanya ang totoo.
“So ano, Kora, nagsisinungaling ang kakambal mo? Gano’n ba iyon?” Mataas ang boses ni Mama sa kabilang linya. Si Mama ang disciplinarian sa kanilang dalawa ni Papa at siya rin ang strikto pagdating sa grades and school performances. Si Papa ang chill lang at susupurtahan kami sa lahat ng interest namin as long as hindi ito nakasasama sa aming sarlili at kaya ng bulsa niya.
“Sorry po, ‘Ma. Hindi na po iyon mauulit.” Ayoko nang pahabain pa ang argumentong ito. Alam ko namang hindi ako pakikinggan ni Mama kaya nag-sorry na agad ako para matapos na.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang isumbong ni Kara ang nangyayari sa school. I mean, harmless na kulitan lamang iyon pero mas tumaas ang lebel ng kabang nararamdaman ko nang biglang pumasok sa isip ko ang posibilidad na sinumbong niya rin ang tungkol kay Tanner. I will really talk to her after this.
“Kora, please naman. Huwag ka nang maging pasaway, anak. Alam mo naman kung gaano ako ka-busy sa trabaho ‘di ba? Marami akong pasyente na naghihintay sa akin, Tapos ito pang sitwasyon mo.”
“Opo, ‘Ma. Magpapakabait na po ako. Hindi na po talaga mauulit.”
“Just be like your sister, okay?”
Hindi ako sumang-ayon at hindi rin ako tumanggi. Hindi ko magawa ang gusto ni Mama dahil ito ang isang bagay na hindi ko gagawin. I already shared half of my identity with Kara. I need to establish my own person too, far different from being just a twin.
Pagkababa ni Mama ng tawag, agad akong umakyat sa taas ng bahay at marahas na binuksan ang pinto ng aming kwarto. Malakas din ang pagkakasara ko n’yon.
“What’s with you? Do you really have to tell Mama about school?” Mataas ang boses na hinarap ko si Kara. She’s busy doing her school work in her study table. Kung hindi lang ako galit, maatatawa pa ako dahil napatalon pa siya sa kanyang kinauupuan dala ng pagkakagulat.
“Kora, ano ba!” she shouts back and closes her textbooks before she faces me. Magkasalubong din ang kanyang mga kilay. Gusto ko ulit matawa dahil ganito pala ang itsura ko pag galit ako. Daig ko pa ang humaharap sa salamin at kinakausap ang aking sarili.
“Wala naman akong masamang ginawa. Hindi naman pinatawag ang attention nina Mama sa guidance, ah!”
“Mama asked me about school. I told her about the incoming PTA meeting and she asked about you. What do you expect me to do? Lie?”
“Cover me? I am your twin!”
“Then act like one! Act like me! Umayos ka sa klase!”
“Oh c’mon! maayos ako sa klase. I can ace our lesson the same way as you if I really want! Just don’t meddle with my personal business!”
“See! See that, Kor? You’ve changed! That boy, Tanner, is changing you! He’s a bad influence, Kora. Hindi ka naman ganyan dati pero nang pumasok ‘yang lalaking ‘yan sa buhay mo nagging rebelde ka na!”
“Jusko naman, Kara! Bakit napasok sa usapan si Tanner!” Napahilamos ako sa aking palad at frustrated na napaupo sa aking kama. Fighting with her is quite draining.
“Just stay away from him. He’s taking you away from me! Hindi kita sinumbong kay Mama about it because I’m giving you the chance to stay away from him.” Kara says, her voice almost pleading. So, this is her issue. Ang labo naman ng pinaglalaban niya.
“Kara… no one’s taking away who. I am your twin sister. We share a bond that is beyond unbreakable. Bakit ka ba nagkakaganyan?”
“I just… it feels like you are slowly slipping away. We still have dreams to fulfill, Kora.” Kara’s voice turns to normal, calmer.
“I like Tanner but liking him doesn’t mean forgetting my dreams or something. Kara, it’s not like I’m getting married. Try mo rin kaya magkagusto sa isang lalaki ‘no?”
“You are really being unreasonable!”
At the end, Kara walks out and choose to sleep in our sister’s bedroom. When I am left alone in our bedroom, I can’t help but think about Kara’s words. She’s jealous, I know. Hindi siya sanay na may kahati siya sa atensyon ko. Hindi siya sanay na sa akin lang nakatuon ang interest ng isang tao dahil palagi nga naman kaming magkahati.
Pero hindi naman mananatili sa ganoong sitwasyon ang buhay namin. When will she realize that we also have an individual life.
I am in the middle of contemplating about Kara’s words when my phone pings, a notification from i********:. I reach my phone and examine it.
I am directed to the post that I am tagged in and all the negative energy leaving my entire body, totally forgetting the fight I had with Kara.
The post is a picture of me doing some skateboard tricks with a caption, ‘Mi amore’.
I don’t know how to speak Spanish but my mind immediately registers those two words and translates it for my heart to fully understand. I bite my lips to suppress a giggle and stop a splitting curve forming in my lips but I am not strong enough to hinder it. I smile widely and I double tap the photo.
It only takes two taps for me to finally give up my heart to Tanner.