I am quite uncertain of the emotion I saw in Tanner’s eyes a while ago. Parang puno iyon ng nagbabagang sama ng loob. Pero bakit?
Gusto ko na siyang tanungin kung galit ba siya sa akin o kung ano ang ibig sabihin ng mga pinapahiwatig ng mga mata niya pero sunod-sunod ang klase namin at puro major subject pa kaya hindi ako makatyempo na lingunin siya.
Okay lang, gagawa naman kami ng output niya sa English Lit. I’ll take that chance to ask him.
“Kora, hoy! Tinatawag ka ni, Sir Lester!” Napatingin ako sa gawi ni Anton nang bigla niya akong sikuhin.
“Ano?” wala sa sariling tanong ko at pinandilatan siya ng mga mata.
“Ay gago. Tinatanong ka! Sabihin mo, the square root of 4 is 2,” udyok ni Anton at siniko-siko ulit ako. Tumango naman ako at agad na tumayo.
“Sir, the square root of 4 is 2.” I smile confidently but our teacher’s forehead turns into a deeper knot.
“I guess Kora you are mentally absent in my class today. We’re already done with square roots. Sit down!”
Umupo ako at binigyan si Anton ng sunod-sunod na suntok sa balikat. “Gago!”
Tawa lamang siya nang tawa habang busy si Sir Lester sa pagsusulat ng formula sa blackboard. Ang sunod-sunod na suntok ko ay naging munting sparring session naming dalawa at dahil walang may magpapatalo huli na nang mapansin naming nakatingin na sa amin si Sir Lester.
“Zamora! Allendo! Stand up and solve the problems on the board!” Dumagundong ang boses ng aming guro sa loob ng classroom dahil sa sobrang galit. Wala kaming nagawa ni Anton kundi ang tumayo at lumapit sa blackboard.
Isa-isa kong tiningnan ang mga kaklase ko at isa-isa ring inambahan ng suntok dahil sa mga pinipigilan nilang mga tawa. Habang naglalakad, sinugurado kong dumaan malapit sa upuan ni Kara at patagong nilahad ang aking palad. Lihim akong napangiti dahil sa dumapong papel sa kamay ko. I can feel the sweet comfort of the soft paper inside my palm.
Sa aming dalawa ng kambal ko, mas magaling si Kara sa Math at sa kanya talaga ako umaasa pagdating sa mga activities. Napalingon ako kay Anton at ginawaran siya ng nang-iinis na belat.
Tumango-tango siya sa akin, ibig sabihin humihingi rin siya ng saklolo. Napangisi ako dahil sa desperadong tinging pinupukol niya sa akin.
“Neknek mo!”
Pagkatapos kong isulat ang solution sa blackboard, nilamukos ko ang hawak na papel at binato kay Anton. Sinigurado kong busy si Sir Lester sa ibang bagay. Tama nga ako, busy siya sa pagkukutingiting ng cellphone niya. May pangiti-ngiti pang nalalaman.
“Sir! Tapos na po!” Kuha ni Anton sa atensyon ni Sir Lester. Isa-isang pinagmasdan ni Sir Lester ang solution namin at tumango-tango.
“Go back to your seats and pay attention to my class!” Naglakad siya sa unahan at hinarap ang buong klase.
Anton and I are back to our seat when Sir Lester calls Tanner’s last name. I take that opportunity to look back at him. bakit kasi nasa last row ba ang upuan niya. Tumayo si Tanner bago nagsalita.
“Sir can I switch seat with Anton? Ang ingay po kasi nila ni Kora, hindi po ako makapag-focus sa lesson.”
Napamaang ako sa mga sinabi ni Tanner. Totoo nga namang nagkukulitan kami ni Anton pero hindi naman kami maingay, eh!
“Mas mabuti pa nga! Anton exchange seat with Tanner. Pronto!”
Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa nang biglang tumayo si Anton at niligpit ang mga gamit niya. Nakangising bumaling siya sa akin at bumulong, “Bilib talaga ako sa lover boy mo. Wais!” Sinimangutan ko lamang siya at pilit na pinapakalma ang nagwawala kong puso.
Damn! Seatmates na kami ni Tanner. How can I give my full focus in class when the distraction is just beside me? Char!
Inayos ko ang magulo kong bag at arm chair habang papalapit si Tanner sa akin. Tumikhim rin bago inayos ang pagkakaupo.
“Now, I expect you, Ms. Zamora, to behave now that you are seated next to your crush.”
“Sir!” kontra ko sa sinabi niya pero mabilis na napuno ng hiyawan at tawanan ang paligid. Lakas din ng trip nitong guro namin, eh. Yawa!
“Crush, huh!” says Tanner who’s sitting comfortably next to me.
“Tss.” I pout my lips and ignore him.
Pero nang maalala ang tinging tinapon niya sa akin kanina agad akong napabaling sa kanya. Total naman sira na ang klase, itatanong ko na lang ngayon sa kanya ang kanina pang bumabagabag sa isip ko.
“Are you mad at me? You look like you’re about to kill me a while ago.”
“I would never kill the girl that I like, Kora. Those stares were intended to the guy seated next to you a while ago.” Direktang pag-amin nya. Biglang tumaas ang kilay ko. Bakit naman siya galit kay Anton?
“Why? Anong kasalanan ni Anton sa ‘yo?”
“He’s being so touchy with you. I’m going to really talk to him about it.”
Natawa ako sa mga pinagsasabi niya. “You mean… you’re jealous of Anton?” a grin escapes my lips because of that realization.
“Heck! I am. I am serious about pursuing you, Kora and I really hate it when boys flirt with the girl I like.”
“For the record, Anton’s not flirting with me, he’s my best friend and he already has a girlfriend.” I roll my eyes while trying to make him understand.
“Sorry. I can’t help it. It’s just that, you’re both really close. Naiinggit ako.”
“Let’s work on getting close, Tanner. We have all the time in the world.”
Natigil ako sa pagsasalita nang biglang tumawa nang nakaloloko ang mga nasa unahan namin at binalingan kami.
“Ang corny n’yo!”
“Sir, nagliligawan po agad sila! Mas domoble pa yata ang ingay dito, Sir, eh!”
Sunod-sunod na naman na kantiyawan ang pumagitna sa klase at wala na naman kaming matinong learnings. Char!
“Hindi kaya!” my voice sounds so defensive.
֍ ֍ ֍
It’s our vacant time. Usually we spend it outside our room, playing hide and seek or shukol. Now that we are in our final years in high school, we make sure to make the best out of our remaining days. Even Kara joins our games. Pero hindi ako makasasali ngayon sa kahit anong laro dahil agad akong niyaya ni Tanner na gawin ang output niya.
The atmosphere around him starts to get comfortable. I find comfort with his presence. Unti-unti na ring nawawala ang awkwardness sa aming dalawa. He has a bubbly side which makes it easier for him to bond with our classmates. He’s also being friendly with the boys except to those who shows interest in me. He’s quite possessive too.
“Have you read any classic books?” I ask while scanning our English textbook. A soft chuckle reaches my ears so I look at him. He rested his chin on his palm and look at me intently.
“I have read almost all classics, Kora. We are required to study it in my old school.” His coffee brown eyes capture my sight and I can’t help but get hypnotized.
“So, what’s your favorite?” hindi ko pa rin magawang umiwas sa kanyang mga titig.
“Poem or novel?”
“Poem?”
“It was many and many years ago in the kingdom by the sea that a maiden there lived whom you may know by the name of Annabel Lee.”
He starts to recite the poem of Edgar Allan Poe and I feel my lips curving into a wide smile. It’s one of my favorites too.
Nagulat ako nang biglang abutin ni Tanner ang kanang kamay ko at hinawakan iyon nang mahigpit. Natahimik lang akong napatingin sa sa magkahugpong naming mga kamay habang ninanamnam ang kakaibang damdaming gumigising sa puso ko.
“And this maiden she lived with no other thought than to love and be loved my me.” Tanner’s coffee brown eyes are full of thousands of emotions greater than adoration that I can’t even properly explain it. One thing’s for sure, I can see the shadow of me in his eyes. The ‘me’ that’s been holding her breath while listening to Tanner’s voice.
“Lakas mong pa-fall ‘no?”
Tanner laughs by my sudden remark. I can’t help but laugh too.
“Are you falling, Kora?”
I bite the insides of my cheek forcing myself not to smile. Para na akong tanga dahil sa sobrang kilig. Pero ayoko namang maging obvious sa harap niya. Baka isipin niyang easy to get ako. Syempre dalagang Pilipina pa rin. Konting pakipot pa.
Hinugot ko ang aking kamay na hawak-hawak pa rin niya, binalik ang atensyon sa libro at pinakawalan ang kanina pang pinipigilang hininga.
“So! How about your favorite novel?” I ask trying to change the subject.
“Little Women.”
Nanlaki ang mga mata kong hinarap siya. Malakas na hinampas-hampas ko ang balikat niya at ngumiti nang malapad.
“Me too. Me too!” I say in pure excitement. Tumango-tango lang si Tanner habang hinahayaan akong i-express ang excitement na nararamdaman ko.
“Pero kasi hindi si Laurie at Jo ang nagkatuluyan. I ship them you know and it’s quite painful to know that Laurie ended up with Jo’s sister. I mean, if I’m in Josephine’s shoes, I’ll be very heartbroken and won’t speak to Amy.”
“Hey, Jo and Laurie are meant to be just friends. Besides, Jo eventually found the love of her life.”
“Still! She had it great with Laurie! They’re the best tandem!”
“I agree. What’s your favorite quote from the book?”
“She preferred imaginary heroes than real ones, because when tired of them, the former could be shut up in the tin kitchen till called for, and the latter were less manageable.”
I let out a heartfelt laugh when Tanner’s face turns into a scowl. “C’mon!” He groans.
“But I change my mind now. I prefer the real one.”
“Hmm. Better. Much better.”
At natapos ang aming vacant time na walang progress sa output ni Tanner dahil sa aming simpleng landian galore.