Nagsimula na ang prom practice namin tuwing hapon at hindi na ako nakapag-training sa Taekwondo. Buti na lang at pinahintulutan ako ng aking coach na mag training break muna at bumalik na lang pagkatapos ng prom.
Tanner is my dance partner and I can never be much happier. I still get goosebumps every time our eyes meet in the middle of the dance.
The instructor tells us to stare at our partner’s eyes and Tanner playfully oblige. I stare at him for a moment but eventually withdraw my gaze. A chuckle escapes his lips and bombards my heart with thunderous yet calming beat.
I scowl at him and focus my attention to our dance step. We’re dancing to a love song, so it’s easy to keep up with the dance steps. Nasa pagsasayaw ang buo kong atensyon pero pilit na hinuhuli ni Tanner ang mga mata ko. I refuse to look at him but he really insists on looking at me.
“Stop it, Tanner!” saway ko sa kanya at pinanlakihan pa siya ng mga mata. Umiling-iling lang siya at ngumiti.
“Ayoko. I love looking at your eyes. It keeps my heart so alive.”
“Stop! Or I might fall for you even more.”
“The more reason I should continue staring at you.”
“Excuse me, lovebirds!” Sabay kaming naplingong sa amin instructor. “Oo! Kayo. Nagpalit na po tayo ng formation, ano! Focus!”
Pareho kaming natawa ni Tanner at nagbitaw sa isa’t isa. Pumunta ako sa pwesto ng mga girls at si Tanner naman sa boys.
Sunod-sunod na kantiyaw ang natanggap ko sa mga kaklase kong babae. Pero ang iba sa kanila ay hindi mapigilan ang kiligin.
“Swerte talaga ni Kora. Ang gwapo ni Tanner!”
Napailing na lang ako habang hindi mapigilan ang ngiting naglalaro sa aking mga labi. A surge of pride washes through my entire system.
Yes! I am lucky!
Nang matapos ang practice, agad kaming umuwi ni Kara sa bahay. Gusto pa sana kaming ihatid ni Tanner pero nag-insist si Kara na kaming dalawa na lang ang umuwi.
“Bakit ka ba nagmamadaling umuwi Kara?”
“Nakalimutan mo bang ngayon ang fitting natin sa ating gowns? The prom is in two days, Kor!” pinanlakihan pa niya ako ng mga mata.
“Oh! I forgot! I’m sorry!”
“Yeah! You always forgot once you put Tanner in your head.” Kara scoffs and rolls her eyes inwardly.
Gano’n ba ako ka obvious? Or basing-basa lang ako ni Kara dahil sa koneksyon naming bilang kambal?
Mabilis siya umakyat sa kwarto. Ngkibit-balikat lang ako at sinundan siya. Hindi pa dumadating si Papa at hindi yata uuwi ngayon si Mama dahil may night shift siya sa ospital. Si Kaia naman ay nasa nakababatang kapatid pa ni Papa at isasabay niyang i-uwi mamaya.
Nakalatag sa kanya-kanya naming kama ang mga gowns namin. Kara runs to her bed and scoops her gown to examine it. A wide smile is plastered in her lips, her eyes is glowing. Parang hindi ko pa nga nakikita ang gown ko, nakita ko na ang magiging reaskyon ko.
“It’s lovely! I really love the intricate design! Kora, go get yours!” Kara motions my bed and urges me to take a look at my gown.
Tumango lang ako at tinungo ang aking kama. Kinuha ko ang gown at pinasadahan iyon ng tingin. The gowns were both in blush pink as what she has told me. The design is off the shoulder and it is made out of sophistication and elegance. Kara’s gown is made of soft satin while mine is made of tulle as I requested. Ayaw na raw ni Kara sa tulle dahil pangkaraniwan na lamang iyon kasuutan para sa isang ballerina.
“I can’t wait for the prom!” Puno ng galak ang boses ni Kara. Agad ko namang binaliik ang gown ko sa aking kama at binalingan si Kara. Nagtatanong ang mga matang napatingin siya sa akin.
“What?” she asks innocently. Nag-unahan pa sa pagtaas ang kilay niya.
“May tinatago ka ba sa akin, kambal?” tinaasan ko siya ng kilay at mas lalong lumakas ang aking kutob nang bigla siyang umiwas ng tingin sa akin.
“Of course not!” Hinarap niya ang salamin malapit sa kanyang kama at sinukat-sukat ang gown.
“Twinnie swear, Karol?”
Napatigil siya at nagtama ang aming mga mata sa salamin. I raised my brows at her, expecting for an answer.
“Fine!” She rolls her eyes through the mirror and faces me. Nilagay niya ang gown pabalik sa kama at umupo katabi niyon.
“I think… I like Anton more than a friend,” pagtatapat niya. Hindi ko maiwasang matawa dahil sa hindi inaasahang pagtatapat niya.
“Seriously? You hated him! I mean, you hated his guts! And really, Anton?” natatawang sambit ko at umupo sa parte ng kama ko na kaharap niya.
“Kora, I’m serious! I don’t know how it happened but these days, while you were busy spending time with Tanner, I get to also spend time with him! Kahit takot siya sa akin, he cares for me. At iba ang mga kilos niya kapag ako ang kasama niya tapos pag ikaw naman parang barkada lang…”
“Magseselos na ba ako n’yan?” biro ko at bahagyang natawa.
“Hey! Best friend ko rin naman si Anton. We also grew up together. Nagkataon lang na tropa kayo!”
“Seryoso ka nga. I mean, well, Anton’s Anton. But he’s kind of playboy and you’re aware of that!”
“I can change him. I will change him. I know he’ll quit playing if he knows that I like him more than a friend. I am planning of confessing my feelings this prom.”
Kaya pala excited siya. Kaya pala pinaghandaan niya nang bongga ang prom na ito. Pero nakaramdam naman ako ng takot para sa kanya. Anton loves attention from girls. I just don’t want Kara to be just one his girls. Ayokong masira at mapunta ang firnedship naming saw ala dahil lang sinaktan niya ang kambal ko. Tsaka ang awkward naman yatang magka-develop siya ng feelings sa kambal ng pinaka-close niyang tropa. Weird!
Oh well, kapag puso na nga naman ang nagdesisyon, wala talaga sa mukha ang usapan. When the heart decides, the eyes see beyond the outside appearance.
“Kambal.” Ginagap ko ang kamay ni Kara. “I am happy that I get to experience romantic love with you. Approve ako kay Anton. Tutulungan pa kita sa kanya.” We both giggle and squeeze each other’s hand.
“Let’s make the best out of our last prom!”
Natigil kaming dalawa ni Kara sap ag-uusap nang bigla kaming makarinig ng malamyos na musika galling sa isang tinitipang gitara.
Nagkatinginan kami at sabay na napakunot-noo. Para talaga akong humharap sa salamin sa tuwing magkatinginan kami ni Kara at pareho ang pinapamalas na emosyon.
“Did you hear it?” Sunod-sunod na tango ang binigay ko bilang sagot. Kara stands up and walks to the window of our room.
A soft giggle escapes her lips when she sees something below. She returns her gaze at me and grins. “Come here, kambal. You got to see this!” puno ng excitement ang boses ni Kara at tila lupid na hinihila ako papalapit sa kanya.
Dumukwang ako para tingnan ang kung anong meron sa ibaba. Patuloy pa rin ang huni ng isang malamyos na musika. Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyang maaninag ang dalawang pigurang nakatayo sa labas ng bahay. Parehong may dalang gitara.
“Oh my gosh! Are they even real!” Bulalas ko at tumawa nang malaks.
“They are! OMG!” Kara opens our window with full excitement. The two guys below look up by its sudden sound.
“Hey! Wala kaming pera! Sa kabilang bahay na lang!” I grin at them. Tanner and Anton both laugh at my joke.
Nagsimula ulit silang tumugtog pero tawa lang kami nang tawa ni Kara dahil hindi talaga sila nagsasabay sa isa’t isa. Tanner scowls at Anton many times and counts to three so they can start again.
Pero natigilan kaming dalawa ni Kara nang biglang pumaere ang malakas na busina at nakita pa namin kung paano nila protektahan ang mga sarili sa nakasisilaw na ilaw mula sa sasakyan ni Papa.
Nanlaki ang mga matang nagkatinginan kaming dalawa ni Kara. At halos magkasabay na tumakbo palabas ng aming kwarto at bumaba. Diretso-diretso lang kaming dalawa ni Kara hanggang sa makarating kami sa bakuran.
Tanner and Anton bow their head in front of our father. Seryoso ang mga mukha ni Papa na nakatingin sa kanila at nakahawak pa ang dalawang kamay sa kanyang beywang.
“D-Dad…” Kara stammers while reaching for Papa’s arm. I stayed silent, amused at the current situation. Alam ko namang hindi magagalit si Papa dahil pareho niyang kilala si Anton at Tanner. Mahilig lang talaga siyang mang-asar minsan.
“What are you two doing?” Papa’s voice is stern but I can sense the tiny playfulness there.
“G-Good evening, Tito… ahmmm…” Anton’s voice falters. I make a face and grins at him. but the grin turns into an amused chortle.
Ano ba kasi ang pumasok sa isip nila at naisipan nilang mangharana?
“Hindi ko narinig ang kanta niyo. Ulitin niyo nga.” Tatlong pares ng mga mata ang lumipad sa direksyon ni Papa. Naging malakas ang tawa ko at lumapit pang lalo kay papa. I hold his arm and look at the two guys who look like they are lost in the middle of the forest and meet a big bad wolf.
“Ako na magbibilang para naman masabayan niyo na ang isa’t isa.” Ngumisi pa akong lalo.
“Kora!” saway ni Kara at mahina akong sinundot sa tagiliran.
“Twins get inside the house and bring Kaia with you. Mag-uusap lng kami ng dalawang totoy na ‘to. Man to man talk.”
Hindi kami natinag sa aming kinatatayuan pero mabilis pa sa alas kwatro kaming napatakbo habang hawak si Kaia dahil sa biglang pagsigaw ni Papa. “Pasok!”
Ang hilig niya talgang mangsindak! Akala niya angmumukha siyang nakatatakot, eh, mas lalo pa nga akong natawa.
“Kora! What will Papa say to them? Kinakabahan ako. Paano kung masira ang plano ko para sa prom?”
“Relax, Karol. Papa knows what he’s doing. Besides, he knew the two guys already!” paliwanag ko at sumilip sa bintana.
“Oh, well! You have a point!” Kara agrees and joins me as we peak at the private talk outside.
Ilang minuto pa ang tinagal ng kanilang pag-uusap nang makita namin ang biglang pag-akbay ni Papa sa kanila. Papa leads them inside the house. Mabilis naman kaming tumakbo ni Kara sa living room at umupo sa sofa.
“Girls, entertain your prom dates while I prepare dinner. Boys, keep your hands on yourself while I’m in the kitchen.”
Nagkatinginan lang kami ni Kara dahil sa mga sinabi ni Papa. Seryoso pa itong ama namin?