Napuno ng excitement ang buong classroom dahil sa katatapos lang na PTA meeting tungkol sa upcoming prom. Halos lahat ng babae kong kaklase naghahanap na ng designs para sa mga gowns nila, samantala ang mga lalaki naman ay nagtatanungan kung anong kulay ang maganda para sa kanilang tux. Pailing-iling lang ako habang nakikinig. Ang iba naman ay kanya-kanya sa paghahanap ng mga ka-partners nila, ang iba dinadaan sa biro at hugot lines ang pag-invite sa mga crush nila.
Hindi ko mapigilan ang mapangisi dahil sa mga nasasaksihan. Napapailing pa ako dahil sa kanilang ka cornihan. Pero gusto ko ring kutusan ang aking sarili dahil isa nga naman ako sa kanila. Nauna nga lang at direkta sa mga magulang ko ang paalam.
“Hoy! Sino date mo?” Siniko ako ni Anton nang makaupo sa tabi ko. Wala kasing teacher ngayon kaya libre ang lahat mag-ingay at magkulitan basta huwag lang lalabas sa classroom.
Sasagot na sana ako pero bigla niyang tinaas ang isang kamay upang pigilan ako. “Huwag ka nag magsalita, alam ko na!” ngumisi pa siya nang nakaloloko.
“Alam mo na pala, nagtanong ka pa!” Inambahan ko siya ng suntok. Siraulo talaga.
“Sareeh! Madam Kora!”
“Eh, ikaw? Sino date mo? Huwag mong sabihin iyong ex mong hunyango?” Tinaasan ko siya ng kilay pero humagalpak lang siya ng tawa at sinapo ang tiyan niya.
“Gago! Marinig ka ‘non!” Pabirong hinampas ni Anton ang braso ko.
“Edi, round house kick ibibigay ko sa kanya! Akala naman niya naka-move on na ako sa pag sabunot niya sa buhok ko!”
Hindi ko pa rin makalimutan ang pagsabunot ng ex niya sa buhok ko sa canteen noong recess time isang beses. Pinagselosan ako at niyaya pang makipag-away. Ako pa ang hinahamon niya. Buti na lang dumating agad si Kara at pumagitna sa amin dahil muntik ko na siyang bigwasan sa sobrang inis.
“Hindi ka pa rin ba nakapag-move on do’n?” Umiling-iling pa si Anton habang inaalala ang madilim na pangyayari sa pagitan namin ng ex niyang loka-loka.
“Walang magmo-move on kasi hindi ko matanggap na isang gaya niyang hungyango ang hahatak lang ng buhok kong alagang-alaga sa conditioner ‘no!”
“Dami mong sinasabi! Ang sabihin mo, natapakan lang talaga ‘yang ego mo!” Anton taps my forehead and grins at me.
“Hoy!” tumayo ako at pabirong dinuro siya. Pero natigil at natahimik ako nang pumagitna si Tanner at hinarap si Anton. Nanlaki pa ang mga mata ko pero tanging ang malapad niyang likod lang ang nakikita ko.
“Back off, dude! You’re at it again, man!” I can sense a scowl forming in Tanner’s face just by the sound of his voice.
“Relax, buddy! Kwentuhang kaibigan lang. ‘Di kami talo ni Korabels, uy! Huwag ka nang magselos d’yan ‘tol!” Anton stands up and raises his hand as if in surrender.
“I just want to draw a clear line, dude! Kora’s mine, okay!”
I pinch Tanner’s back because of his candidness. Nakukuha na rin namin ang atensyon ng iba naming mga kaklase.
“Tanner, enough ka na, ha!” Lumipat ako sa tabi ni Anton para harapin siya at pinanlakihan ng mga mata. My knees almost wobble when Tanner’s lips slowly curve into an amused smile. His smile turns into a soft chuckle.
“You got my back, dude! Tutulungan pa kitang lagyan ng bakod si Korabels. Ano, mesh wire ba o semento?”
“Gago ka talaga!” Inabot ko ang ulo niya para upakan sana pero naging mabilis ang reflexes niya. Pareho ko na silang hinaharap ni Tanner ngayon. Umakbay pa ang mokong sa lalaking pinipintig ng puso ko.
Napailing na lang ako habang pinipigilan ang sariling ngumiti. My walking headache splits into two because Tanner joins the picture but I will not have it any other way. Anton and Tanner are the best duo a girl would ask for a best friend and a… boyfriend? I hope the boyfriend will come true.
Pero biglang nilukob ng katahimikan ang buong sistema ko nang maalala ang unang pakay ko kay Tanner ngayon araw. Those endless questions that are bugging me since last night. Gusto kong itanong sa kanya. Gusto kong marinig mismo sa kanya.
“Kor, are you okay? Bigla kang tumahimik d’yan?” Tanner searches my face but I am fast enough to plaster a fake smile only to receive a scowl at him.
“Of course!” My voice does not sound convincing. Tanner heaves a deep sigh and look at me questioningly.
“Can I talk to you for a sec?” hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para tanungin siya pero napahinga ako nang maluwag nang sunod-sunod siyang tumango.
Ginagap ko ang kamay niya at giniya siya palabas ng classroom. Gusto kong mag-usap kami ng kaming dalawa lang, walang nakikinig at walang nanunuod.
“Hoy, I’m still here, you know! H’wag naman kayong nang-iiwan! Iniwan na nga ako ng jowa ko, eh!”
“Shut up, Anton!” I shout back and stick out my tongue at him.
֍ ֍ ֍
We reach the back part of our classroom. Dito kami palaging tumatambay tuwing hapon dahil masarap ang ihip ng hangin dulot ng naglalakihang puno ng Narra. Dito rin palaging nagja-jamming ang mga kaklase naming mahihilig mag-gitara. Minsan nga, sumasabay pa sa kanila si Tanner dahil magaling din siya sa musika at ibang musical instruments gaya ng piano, gitara at drums.
“What is it? What’s wrong, Kor?” Gumuhit ang pag-aalala sa kanyang boses. His coffee brown eyes are covered with so much questions.
“I’m just curious. If…” I pause. Nag-aalangan kung itutuloy ba ang tanong na bumabagabag sa isipan ko. I look at him straight in the eyes. Naroon din kasi ang takot sa puso ko dahil baka hindi umayon sa gusto kong marinig ang magiging sagot niya.
“Hey, it’s fine. You can ask me anything.” Tanner reaches for my hand and gently squeezes it. The warmth coming from his hand gives me a surge of encouragement. I smile at him and heaves a deep sigh.
“If you saw Kara that day and not me… will you also like her instead of me? I mean, parehong-pareho naman kami ng mukha, style ng pananamit pero mas maarte lang siya. Lahat-lahat pareho sa amin so, you think---”
“Yes.” Napabitaw ako sa pagkakahawak niya. My lips start to quiver, it takes all my energy to calm myself from a sudden rush of explicit agony.
My heart is bombarded with an aching fear, I can feel my knees trembling. Mali yatang nagtanog ako. Sana sinarali ko na lang ang tanong iyon at nag-settle sa mga salita ni Kara. Parang unti-unting nabibiyak ang puso ko at halos mabingi ako sa huni niyon na para bang isang papel na inuunti-unti sa pag-punit.
“I will like her as a person but I will never admire her the same way I admire you.” Tanner gives me his signature lopsided smile and reaches for my hands again. He steps closer and levels his head to mine.
“Kora, that day, you made me feel something spectacular. Your laugh was so alive. Your voice was magic in the air. The way you look at me is something that I wanted to see every day. It’s not just the face that I like about you. It’s you. And yes, you may have the same face as Kara but I beg to disagree, my love. You differ in a lot of things, trust me. But I will not say it now, I’ll save it for later. Baka hindi mo na makayanan ang kilig. You are red all over!”
“Tanner!” I groan and withdraw my hands from him to cover my face. Ang kaninang sakit na naramdaman ay napalitan ng kakaibang bugso ng damdamin hanggang sa nauwi sa pagkapahiya dahil sa mga huling sinabi niya.
“Besides, if it’s possible for me to like Kara romantically, I would not forced her to give me her name the first day I came to school. Remember what I said that day?”
Bigla namang lumpiad sa unang araw niya sa school ang isip ko. Oo nga pala! He even told me that we have a connection.
Ano ba ang pumasok sa isip ko at biglang pumasok sa isip ko ang mga katanungang iyon?
“Sorry. I just…”
“Don’t be. We have days that we feel insecure or we feel a little less of ourselves. Your actions, your question, even your inhibitions, they’re all valid, my love.”
Right there and then, I am sure that my heart is finally with Tanner.
“Tanner, I just want you to know that I like you. I really, really like you since the day we met,” matapang nap ag-amin ko. A sweet smile slowly forms in Tanner’s lips and I answer it back with a genuine one.
If there’s one thing I learn about Tanner’s frankness, it’s the fact that honesty will lead you to the road that leads to the edge of happiness and certainties. I am lucky to travel that road with Tanner.
I hope that when we reach the end of the road, we are still holding each other’s hand.