Nakahinga ako nang malalim nang biglang inutusan ni Ma’am Silva ang aming Class President na samahan si Tanner na kumuha ng kanyang mga libro sa school librarian.
Hinintay ko muna na tuluyan silang makalabas at makalayo sa classroom bago ako bumalik sa aking upuan.
“Ano na naman ang trip mo, Kora?” ngisi ng katabi ko at pabirong binatukan ako. Hindi talaga babae ang tingin nila sa akin, eh!
“Aww! Aray!” Instead of throwing another bicker, I act as if I’m in pain. I clasp my arms around my stomach, faking a stomachache or dysmenorrhea, anything that can help me get out from this room. Sinigurado kong malakas ang boses ko para marinig ng lahat, lalong-lalo na ng aming adviser.
“Kora, are you okay?” Lumapit si Ma’am Silva sa row kung saan ako umuupo para tingnan ang kalagayan ko. Puno ng pag-aalala ang boses niya.
Even Kara, stands up and joins our teacher. Hindi ako tumingin sa direksyon niya dahil mabibisto niya akong nagpapanggap lang.
“M-masakit po ang puson ko! A-ahh…” Niyakap ko nang mahigpit ang aking sarili na para bang sakit na sakit sa nararamdaman.
“Ma’am, h-hindi ko na po kaya,” mangiyak-ngiyak na sambit ko pero hindi pa rin umaangat ang tingin.
“Sige. Anton, buhatin mo si Kora papuntang clinic. Magmadali!”
Bigla namang tumayo si Anton na nasa unahan ng upuan ko at agad akong binuhat. Napuno pa ng hagikhikan at tudyuhan ang paligid. Lihim akong napangisi dahil umayon sa akin ang plano. Sana matagalan pa sina Tanner sa library.
I know that I can’t hide from him forever but I just want to escape his radar right now because my mind, a cob wire, tangled into thousand folds, can’t think clearly.
Bakit sa lahat naman ng paaralan, bakit kailangang sa school namin siya nag-transfer? I don’t want to make a big deal out of it but my heart’s making a big deal of everything that’s happening, I can feel its beat reaching the depths of my throat.
Inaamin kong hindi nawala sa isip ko si Tanner pero hindi ko talaga inaasahang magkikita kami ulit at sa ganitong pagkakataaon pa. It only means that I get to see him every day or talk to him every single second! Damn!
Agad akong pinahiga ng school nurse sa kama nang makarating kami sa school clinic, pinainom ng gamot at iniwan sa maliit na kwarto kasama si Anton.
Mabilis kong niluwa ang gamot at tinapon sa trash bin, malapit sa upuang inuukupa ni Anton. Maang na napatingin agad siya sa akin.
“Three points for Kora!” I grin and give Anton a fake salute. Napangisi lamang siya at napa-iling.
“Yawa, Kora! Pinahirapan mo pa akong buhatin ka. Napakabigat mo pa naman!” Pumalatak siya at tangka na naman akong batukan pero umilag ako at sinipa ang kanyang braso.
“Hoy, magpasalamat ka na lang sa akin dahil safe ka sa Trigo. Excused ka rin naman tulad ko kaya kumalma ka diyan!”
“Ano bang pumasok sa isip mo at bigla kang naging drama queen diyan? Wala naman tayong quiz or recit sa Trigo.” Sumandal si Anton sa inuupan at magkasalubong ang kilay na pinagmasdan ako na para bang biglang may sumulpot na isa pang ulo sa katawan ko.
“Well… the transferee…” I cross my legs and give my full attention to Anton. I begin to tell him what really is happening to me.
Girls always have this one single male friend that they are comfortable sharing secrets with. A male friend whom they can bravely trust. Mine happens to be Anton. He is not just my classmate but also my Taekwondo buddy. Walang malisya sa aming dalawa kahit pa nga minsan binibigyan ng ibang kahulugan ang closeness namin. Magkaklase na kami simula pa Kindergarten at nang dumaan ang maraming panahon, napalapit din ako sa iba pa naming mga kaklaseng lalaki na kasama ko sa Taekwondo training, naging normal na lang na nakikipag-tropa ako sa mga lalaki.
“So, magkakilala kayo at crush mo ang dayuhang ‘yon?” Ngumisi si Anton at umiling-iling. “Dalaga ka na Korabels!” Dumukwang pa siya at sinabunutan ang buhok ko.
“Gago ‘to! Anong crush pinagsasabi mo d’yan?” Pinanglakihan ko siya ng mga mata at tangka ulit na paulanan siya ng sidekick pero masyadong malaki ang space ng inuupuan kong kama at ang upuan niya.
“Hindi ka naman iiwas kong wala kang lihim na pagtingin sa dayuhan. Kung walang epekto sa ‘yo ang presensya niya, hindi ka mag-iinarte at magpanggap na may dysmenorrhea!”
“Whatever! That dayuhan has a name. It’s Tanner!” I can’t help but roll my eyes at him. Sarap niyang padapuan ng kamao dahil may bahid nga naman ng katotohanan ang mga pinagsasabi niya.
Hindi ako madaling ma-atrract sa mga lalaki dahil immune na ako sa mga charms nila. Kabisado ko na rin ang mga pormahan nila pati mga hirit para mapansin ng mga kababaihan. Ang badoy nga kung isipin.
But when I met Tanner, I became a magnet attracted to a strong metal. He’s good-looking, everyone will be attracted to him, but there’s something in his eyes that makes me drawn to him. When I met him that day, I became conscious of the way I look but it’s the looks in his eyes that made me comfortable and confident.
“Wala namang masama sa crush ‘di ba?” Bigla kong hininaan ang boses ko at dumukwang palapit ka Anton. His face becomes sour, eyes full of mischief.
“Wow! Nagsisimula na siyang maging ganap na babae. Magandang senyales ‘yan.” Napatango-tango si Anton habang nakangiti na para bang isang proud father sa kanyang anak.
“Hoy! Babae naman ako, ah!”
“Di mo sure. But a piece of advice, mahfren…” Biglang tumayo si Anton at tumabi sa akin. Tahimik na sinundan ko lamang siya ng tingin, naghihintay sa sususnod niyang sasabihin.
“Ano?” I urge him, wanting to know his advice. A piece of advice coming from him is like a correct amount of butter sizzled in a frying pot.
“Hindi na uso ngayon ang magpakipot-kipot. If you like him, go get him. Bakuran mo na agad bago pa maisipan ng iba na pasukin ang teretoryo mo.” He wiggles his eyebrows and grins at me.
“Lalaki lang gumagawa ng mga gano’n.” Kontra ko. Nakakahiya kayang ipangalandakan sa buong campus na may gusto ako kay Tanner. Baka lumaki pa ang ulo no’n.
“It’s not a matter of gender, Kora. It’s a matter of bravery. Tsaka gender equality, ika nga! Hindi porke’t lalaki, hindi na puwedeng i-pursue!”
Anton has a point. But I will never give away my feelings just like that. Paano kung happy crush lang pala itong nararamdaman ko? A mere product of curiosity. Pero hindi naman matanggap ng sistema ko ang ideya nga marami ngang magkakandarapang makuha ang atensyon ni Tanner, lalo na’t fresh face siya sa school.
“I think… think lang, ha. What you are feeling is mutual basing on the way he looks at Karol. Alam ko ang mga titig na iyon. Lalaki sa lalaki.”
Napakunot-noo agad ako sa sinabi ni Anton. Bakit naman nasama sa usapan si Kara? She’s Karol to our classmates and friends. A nickname she made for herself.
“I don’t understand.” I admit and urge Anton to elaborate but he refuses to say more.
“Tara na lang sa cafeteria. Ikain natin ‘yan, Korabels. Recess time na.” Nauna na siyang lumabas. Probably giving some acceptable alibi to our school nurse so I can easily get out.
֍֍֍
Anton and I make it to the cafeteria but he immediately leaves me when he sees his ex-girlfriend. He chases after her like a love-sick puppy. Gone is the Anton who ‘deserve to be pursued.’
Kara sends me a message that she’s waiting for me at the cafeteria since we share only one table during recess time. It’s a sense of exclusivity, according to her. She always plasters an image of ‘you can’t sit with us’ every time we hang out together. May pagka suplada lang talaga ang isang ‘yon.
Dumeretso ako sa counter at hiningi ang pinareserve kong Lasagna and Buko Juice kay Ate Linda. Tamad na kasi akong sumunod sa linya kaya kinaibigan ko na lang ang bantay para madali ang buhay ko. Malapad na ngiti ang binigay niya sa akin nang makita akong papalapit.
“Good morning, Ate!” eksaheradang bati ko at nag-flying kiss pa sa direksyon niya. Hindi alintana ang mga nakaw-tingin na binibigay sa akin ng mga schoolmates ko. Maganda ako, alam ko na iyon. Pero kung isa ka sa kambal at magkaparehong-magkapaeho kayo ng mukha at pananamit talaga nga namang makakuha ka ng atensyon. Nasanay na rin naman ako.
Panaka-naka akong tumitingin sa paligid, magkahalong nerbyos at excitement ang nararamdaman ko. There’s a slight possibility na magkita kaming dalawa ni Tanner sa cafeteria dahil marami at siksikan ang mga estudyante kaya medyo kampante rin ako.
“Anong energy drink na naman ba ang tinungga mo, Kora? Ang ingay-ingay mo!” Inabot sa akin ni Ate Linda ang tray na may laman ng order ko at pabirong sinimangutan ako. Ngumisi lamang ako bilang tugon.
“I am full of energy every day!” I joke and wink at her. I am about to turn around and head directly to our table but Ate Linda stops me.
“Teka, Kora. Naisip ko lang, pinasukan yata ng magandang hangin ang kapatid mo at biglang naging mabait. Nagpa-upo pa nga ng lalaki sa table niyo. Tingnan mo, oh. Boyfriend niya ba ‘yan?” Sinundan ko ng tingin ang tinuro ni Ate Linda at napakunot-noo ako sa aking nakita.
Kahit nakatalikod, kilalang-kilala ko ang may-ari ng katawang iyon. Lalo na’t naging mabilis pa ang takbo ng puso ko.
Maybe he thinks Kara is me. Napangisi ako pero agad ding napawi nang mapagtantong si Kara ang binibigyan niya ng atensyon. Tila isang sirang plakang paulit-ulit na nag-play sa utak ko ang sinabi ni Anton kanina sa clinic.
“Hindi na uso ngayon ang magpakipot-kipot. If you like him, go get him. Bakuran mo na agad bago pa maisipan ng ibang pasukin ang teretoryo mo.”
“Natahimik ka na d’yan, Day!” Napatalon ako sa aking kinatatayuan nang biglang tapikin ni Ate Lindi ang balikat ko.
“Alam mo, Ate, uminom ka na kaya ng gamot? Lumalala pagka-chismosa mo, eh!” I stick my tongue out at her and walk my way to our table.
Maliliit ang bawat hakbang na pinapakawalan ko, takot na baka paglingon ni Tanner hindi niya na ako maalala. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko at kung saan-saan na nakarating ang aking imahinasyon hanggang sa bumalik ang atensyon ko sa kasalukuyan dahil sa iritadong boses ng kambal ko.
“You keep on insisting that we know each other pero ayaw mo namang sabihin ang pangalan ko. Are you hitting on me?” Napaangat ang dalawang kilay ko dahil sa direktang salita ni Kara. I stop myself from laughing. Wow!
“Because I want you to remember. I think there’s something wrong.” Tanner insists. His voice is deep yet full of life. Hindi niya sinagot ang tanong ni Kara.
“You know what, just forget it. Can you vacate this place now? My company will arrive soon. you’re sitting on her place.”
Ang taray talaga ng kambal ko. Sa ugali pa lang, makikilala na agad siya pero hindi nga naman alam ni Tanner na may kambal ako.
Daig pa nila ang nag-aaway na magkasintahan, ah. Nakukuha na rin nila ang atensyon ng ibang estudyante. Ang iba, nagbubulong-bulungan, samantala ang iba, pinagmamasdan sila na tila ba nanunuod ng isang episode ng Kdrama. I don’t like either of it.
Tanner starts to give another reason again but before he can say anything else, I walk fast and make myself known to him. A surge of adrenaline rush washes through me but I manage to compose myself. I put the tray of my food in the table and look down on him.
He looks up at me completely baffled, eyes wide. Palipat-lipat ang tingin niya mula sa naiiritang mukha ni Kara papunta sa maaliwalas kong mukha.
“Y-you…”
“Hi, Tanner! We see each other again.” I didn’t buckle. Nice start.
“Kora!” Tanner stands up and faces me. A smile starts to show from his lips.
“Yep. It’s Kora here!” I raise my right hand and points myself. Si Kara na naman ang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Tanner. Tila naguguluhan sa biglang pagbaliktad ng mesa.
“You have a twin.”
“Obviously.”
“That’s why I didn’t feel the connection.” He looks at Kara then returns his gaze at me. I am caught off guard by his sudden remark. Kara coughs repeatedly.
“We have a connection?” I focus my attention at him. He imprisons me with his gaze. Those eyes, they are full with several emotions again but he refuses to let them all go.
“Yes! I feel it the first time we met!”
“Woah! Yeah, okay. Slow down.” I raise my hand and stop him from speaking further. Baka agad akong bumigay, lalo na’t nanginginig na ang mga tuhod ko.
I sit next to Kara who is still silent. I look at her but she only raises her eyebrows at me. I shrug my shoulders and face Tanner who also goes back to his seat.
“Tanner, this is Kara. My twin sister.” Pagpapakilala ko kay Kara but she only rolls her eyes and crosses her arms.
“Wow. You really look exactly like each other.” Tanner’s voice is full of amazement, I can’t help but laugh. Kara secretly pinches my right leg under the table, my laughter come to an abrupt stop.
“Kaya nga twins!” Kara says irritated. “Stupid.” bulong niya pero umabot pa rin sa taenga ko. It’s my turn to pinch her leg.
“Ouch!”
I smile at Tanner and drink my Buko Juice. The atmosphere starts to get awkward. Ano ang susunod na sasabihin ko? Bigla yata umurong ang dila ko.
“Kora, wow. I really thought I totally lost you. I was so hopeless a minute ago, when Kara insists that she never met me before.”
“It’s Karol. Kara’s meant for close friends and family members only.”
Hindi ko mapigilan ang matawa nang mahina. At least the record’s straight. Kara’s not interested with Tanner. It would be a big mess between us. We made a pact before to never ever give interest to the same guy. We may share matching clothes and other things but we can never share one same guy. Never.
“What I say that day is really true.” Naging makahulugan ang tono ng boses ni Tanner, hindi pinansin ang pagtataray ni Kara. Bigla rin akong na-curious kaya napa-isip ako sa sinabi niya.
“What is it again?”
“Eres mi alma gemela.”
Wala na naman akong ma-gets. Pero isa lang ang sigurado ako. Kinikilig ang puso ko.