THIRD PERSON "Chari, halika sumama ka sa silid ko at may ipapakita ako sayo," ang sabi nang ina ni Chari. Sumunod naman si Chari sa kanyang ina at pumasok sila sa silid nito na katabi lang nang silid niya. Dumiretso si Aling Lourdes sa may Cabinet niya at may inilabas na isang enveloped. Isa isa itong nilabas ni aling Lourdes at ibinigay kay Chari. "Ano po ang mga ito nanay? Bakit po pangalan ko ang nasa birth certificate pero iba po ang apelyido." naiiyak na sabi ni Chari sa kanyang ina. "Arnino ang totoong apelyido mo anak, pinagamit lang namin nang tatay mo ang apelyido namin sayo para hindi ka mahanap ang mga taong gustong manakit sayo. Itinago namin ang lhat sayo dahil ayaw namin na may ibang makaalam nang lahat. Para hindi ka nila matunton. Baby ka pa lang nang ibilin ka sa amin

