CHARI Alas kuwatro pa alng nang madaling araw nang magising ako, halos hindi ako nakatulog dahil sa mga nalaman ko mula kay nanay. Hindi ko alam kung paano ko ipoproseso sa utak ko ang mga nalaman ko kgabi tungkol sa tunay kong pagktao. Hawak ko na ang mga dokumento na magpapatunay ang aking pagkakakilanlan. Dahil hindi na ako makatulog ay bumangon na ako at pumasok sa banyo para maghilamos at mag sipilyo . Matapos kong gawin ang early routine ko ay lumabas ako nang kwarto. Dahil maaga pa naman ay nag salang na ako nang labahin sa washing machine. Maaga akong aalis ngayon dahil gusto kong dumaan kay wilson, gusto kong sabihin sa kanya ang lahat nang nalaman ko kagabi. Pagkasalang ko nang marumi sa washing machine ay kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ako nang message para sa kanya. "

