CHARI Kakatapos lang namin ihatid si tatay sa kanyang huling himlayan, napakabigat nang pakiramdam sobrang lungkot na ngayon nang bahay namin, kung noon punong puno ito nang buhay, ngayon ay parang kasama na din kami ni tatay na namatay lalo na si nanay. Naghanda ako nang pagkain para kay nanay, alam kong hindi pa siya kumakain. Dala ang tray nang pagkain ay kumatok ako sa kanyang silid. Hindi siya nagsasalita kaya marahan kong tinulak ang pinto para pumasok. Nakita ko siya na yakap ang damit ni tatay at umiiyak inilapag ko ang tray nang pagkain sa maliit na lamesa na nasa gilid nang kama ni nanay at nilapitan siya. "Nay kain kana po, hindi matutuwa si tatay pag nakita ka niyang umiiyak." sabi ko kay nanay sa mahinang boses. "Anak ngayong wala na ang tatay mo kailangan na nating umalis

