CHARI "Time of death 9:45pm" dinig kong sabi nang doctor. Bigla akong nangatog at nanghina hindi ako makapaniwala na wala na si Tatay. Pumasok ako sa silid na kinaroroonan ni Tatay at pilit ko siyang ginigising. "Tay, tumayo kana jan, kakain na tayo." sabi ko sa kanya habang niyuyugyog ko ang balikat niya. "Tay paano na kami ni nanay, diba pupunta pa tayo nang ibang bansa. Tay naman tayo na, please!" pakiusap ko sa kanya. Naramdaman kong may lumapit sa akin at hinaplos haplos ang likod ko at pilit akong pinapakalma. "Chari, tahan na isipin mo ang anak mo." mahinang sabi sa akin ni Wilson. Agad akong yumakap sa kanya at sa mga bisig niya kumuha ako nang lakas. Nilapitan ko naman si nanay na nakayakap kay Tatay at patuoy lang siya sa pag iyak pero wala kang maririnig na kahit isang sa

