ELIJAH Labis akong naapektuhan sa ginawa sa akin ni Chari, alam ko may mga pagkakamali din ako pero hindi ko sukat akalain na magagawa niya akong lokohin at paglaruan sa palad niya. Bilang lalaki masyadong natamaan ang ego ko, hindi ko matangap na isang katulad niya lang ang gagawa sa akin nito. Ilang araw na akong nakakulong dito sa silid ko at nilulunod ang sarili sa alak. Kahit sabihin sa akin nila mommy na kalimutan ko na si chari ay hindi ko magawa, sa ilang buwan naming pag sasama hinangaan ko ang pagiging simple at totoong tao niya kaya hindi ako makapaniwala na magagawa niya sa akin yon. Kinuha ko ang intercom sa kuwarto ko at tumawag ako sa kusina. "Manang , dalahan niyo ako nang alak dito." utos ko sa kasambahay namin. "Sir, madami na po kayong nainom saka bilin po ni ma'a

