CHARI Gustong kong puntahan si Elijah ngayon, gusto kong ipamukha sa kanya na ang taong pinapatay niya ay walang kasalanan at walang kinalaman sa galit niya sa akin. Nanginginig ako sa galit ngayon at kinasusuklaman ko siya, gusto kong magsisi kung bakit siya pa ang lalaking minahal ko. "Anak huminahon ka, hindi ka pwedeng pumunta sa kanila at baka ikapahamak mo pa. Kung totoo nga na sila ang may gawa noon sa tatay mo natitiyak ko na pati ikaw ay gagawan din nila nang masama. Kaya anak nakiki usap ako sayo na huminahon ka baka may mangyaring masama jan sa anak mo." pakiusap nang ina ni Chari. "Nay, bakit po sila ganun wala naman pong kinalaman si Tatay? sobrang bait po niya. Bakit kailangan siya? Bakit hindi na lang ako kung talagang galit sila sa akin?" umiiyak na tanong ni Chari sa ka

