CHARI Maaga kaming nagising na magpipinsan, ngayon kasi kami pupunta nang ilog para magpicnic. Maganda ngayon magpunta sa ilog dahil mainit ang panahon. Nag handa muna kami nang almusal, habang nagluluto ang mga pinsan ko lumabas muna ako para tulungan si nanay sa pag aayos nang paninda niya. "Good morning nay, tulungan na muna kita dito." bungad ko sa aking ina. "Good morning din anak, naku kaya ko na to maghanda ka na doon para maaga kayo makapunta sa tulog nang makapag enjoy ka naman. Nasa refrigerator na lahat ng kailangan mo sa pagluluto. " tugon nmn sa akin ni nanay. "Saglit lang naman po yon nay, saka nandon naman po si WEna at Rachel kayang kaya na po nila yo." "Oh siya, kung mapilit ka pakikuha na lang yong gulay jan sa ilalim at pakilagay na dito," abala ako sa pag tulong s

