CHARI After 2 years "Nay, bilis malalate na tayo 3 pm ang simula nang graduation rites namin, kailangan nasa venue na tayo nang 2;30," pagmamadali ko kay nanay. Ngayon na ang araw nang graduation ko at masaya ako na natapos ko ang aking pag aaral, kahit madami akong pag subok na pinag daanan. Ngayon ang araw na pinaka hihintay ko ang makapag suot nang togang itim at makaakyat sa entablado nang buong karangalan. "Tay, para sayo ang lahat nang ito, ikaw ang nag bigay sa akin nang lakas para ituloy ko ang aking pangarap, Tay, ito na ang anak mo ga- graduate na ako." masaya kong kausap sa larawan ni tatay na nasa aming sala. Palabas na kami nang bahay nang dumating sila Wilson kasama ang dalawang pinsan ko, sila din ang naging sandalan ko noong mga panahong lungmok ako kaya at wala akong

