CHARI Wala kaming imikan ni Eli habang nasa biyahae kami pauwi sa kanyang pent house. Hindi pa humuhupa ang inis ko sa ex- girlfriend niyang si Cassy. Lahat na lang nang Ex niya mga maliligalig, naging ex din naman ako pero hindi ako kagaya nila na naghahabol. "Babe, galit ka ba sa akin." tanong ni Eli. Hindi ko magawang sagutin ang taning niya dahil baka iba ang maisagot ko lalo kaming mag away na dalawa. "Babe, please naman kausapin mo ako." malungkot na sabi niya. "Eli, pwede bang mamaya na tayo mag usap, palipasin mo muna ang inis ko sa Ex mo. Bakit ba kasi sa tuwing magiging tayo laging may Ex na umeeksena. Nakakapanginig sila ng lama." inis kong sabi sa kanya. Nakita kong sumilay ang matamis na ngiti mula sa kanyang labi. "Totoo ba babe ang narinig ko na tayo na?" masayang masay

