ELIJAH Masaya ako sa nalaman ko na may anak na kami ni Chari, pinagsisisihan ko na lang yung mga panahong binalewala ko siya at hindi tinanggap ang anak namin. Ang sabi niya ay pwede kaming mag pa DNA kung sakaling may pag dududa ako kay Hopper. Unang kita ko pa lang sa kanya ay alam kong anak ko na siya, ang mukha niya ang ilong maging ang mata niya ay nakuha niya sa akin parang batang ako ang anak kong si Hopper. Excited akong ipakita siya kay daddy at tiyak na matutuwa siya sa anak ko. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na may anak na akong sobrang bibo at pogi. Masasbi ko talagang walang duda na anak ko siya. Dahil sa sobrang saya ko ipinagpilitan kong sumama na sa akin ang mag ina ko, pero naintindihan ko naman si Chari kung bakit ayaw niya pang umalis dito s condo. Na

