ELIJAH Mula nang maka uwi ako galing Amerika ay bumubuti na ang lagay ni Daddy nagawa ko na din siyang ipacheck up sa ospital at binigyan siya nang madaming gamot na kailangan niya din inumin. Nang masiguro ko na ayos na ang kalagayan niya ay pinabalik niya na ako nang Manila para asikasuhin naman ang aming negosyo. Pag balik ko dito sa Manila ay agad na nakipag kita ako sa mga kaibigan ko sa Bar. Nandirito kami ngayon at nag iinuman, hinihintay na alng namin si Alex na dumating dahil pinuntahan niya pa daw ang girlfriend niya. Hindi naman nagtagal ay nakita na namin siya papunta na dito sa VIP room. "Bro, kamusta namiss ka na nang tropa." bati sa akin ni Alex "Akala namin hindi kana uuwi dito sa Pilipinas eh." sabi ni Cris "Wala na nga sana akong balak bumalik dito kung hindi lang da

