CHARI Madami pang mga diniscuss sa meeting pero kahit isa ay walang pumasok sa isip ko, isa isa kaming tinatanong nang CEO kaya medyo natatagalan matapos ang meeting. "Miss Mediado, pwede mo bang sabihin sa akin kung ano ang kaya mong maiambag sa aking kumpanya, since sabi mo nga ay naka exclusive contract ka sa amin. Para hindi naman masayang ang perang ilalabas namin para sayo?" tanong ni Elijah pakiramdam ko sinasadya niya akong pahiyain sa lahat nang taong nandirito kaya niya ako ngayon tinatanong. "Mr. CEO, with all due respect, I'd like to answer your question. What I can contribute to this company is my expertise in my field, my dedication to every project assigned to me, and my wholehearted commitment to fulfilling my duties. I don't need to prove myself to anyone, because I bel

