CHARI Masaya ako sa nalaman ko mula kay Daddy na malapit na niyang mabawi ang mga kumpanyang pag aari ng pamilya namin. Konting panahon na lang daw at mapapakulong na nain si Sally. Sa ngayon kailngan ko munang ilihim ang tungkol kay Daddy, mas mabuti daw kung wala munang makakaalam na buhay siya para manatili akong ligtas. Pinagpaalam ko na din ang gustong mangyari ni Eli na magsama na kami sa iisang bubong para maprotektahan niya ako. Hindi naman tumutol si daddy dahuil may anak na din naman kami. "Alam na ba ni Elijah ang tungkol sa anak mong si Hopper, Iha?" tanong ni Tita Sandra. "Sinabi ko naman po noon sa kanya na buntis ako. Hindi ko lang po alam kung natatantadaan niya, tinanggihan niya po kasi noon ang anak ko." malungkot kong sabi. "Marahil dala lang iyon nang galit dahil h

