CHARI Paakyat na ako nang opisina ni Wilson, ilang buwan na din akong hindi nakaka punta dito dahil naging abala ako sa trabaho ko sa company ni Eli. Pag bukas nang elevator ay agad akong lumabas nakalubong ko pa ang mga katrabaho ko sa marketing na pauwi na. Binati nila ako kaya ngumiti lang naman ako sa kanila. Pagtapat ko sa pinto nang Office ni Wilson ay sinalubong ako ng kanyang secretary. "Andyan ba ang boss mo?" tanong ko. "Yes ma'am, kanina pa po niya kayo hinihintay pasok na po kayo." wika naman niya. Hindi na ako kumatok at pinihit ko na lang ang seradura at marahan itong itinulak. Nakita ko si Wilson na naka upo sa kanyang swivel chair habang nagbabasa nang mga documents na nakapatong sa kanyang table. "Good afternoon, are you busy?" bati ko sa kanya. "Not really, just che

