CHARI Ilang buwan pa ang lumipas at naging maayos ang pag sasama namin ni Eli pansamatala ay pinayagan ako ni daddy na sa company ni Eli ako magtrabaho pero pag kailangan ako ni Wilson ay pumupunta ako. Pinatawag kami ngayon ni daddy sa kanyang opisina sa Arnino Building. Ilang araw na lang at ipapakilala na niya ako bilang taga pag mana ng aming kumpanya. Gaganapin ito sa isang kilalang hotel sa Makati na pag aari pala ng pamilya namin, kaya inaasahan namin dadalo si Sally at ang kanyang anak na si Yana. Habang binabaybay namin ang daan papunta sa opisina ni daddy ay nakaramdam kami na parang may sumusunod sa amin. Gumawa nang paraan si Eli para mailigaw ang itim na van na pilit kaming sinusundan. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa opisina ni Dad sa Makati. Bumaba agad kami sa sasa

