CHARI Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Eli na si Sally ang dahilan nang pagkamatay ng mommy ko noon. Ayun din naman ang hinala ni Daddy, ang ikinagulat ko ang nalaman kong mahal ni Sally si daddy na kaya niya yon nagawa ay dahil sa selos. Napakawalang puso talaga nang babaeng yon at pati ibang tao ay ginagamit niya sa kanyang kasamaan. Papunta kami ngayon ni Eli sa condo ko susunduin namin si Nanay at Hopper para isama sa laguna sa bahay nila Tita Sandra. Doon sila nakatira ni Daddy kaya pala noong nakita ko ang picture ni daddy na kasama si tita Sandra ay may kakaiba akong naramdaman hindi lang siya noon nag pakita sa akin dahil takot pa siya noon na baka hindi ko siya matanggap. Tinawagan ko na sila nanay na isasama ko sila sa Laguna kaya pinagbihis ko na sila. Nang makarating kami s

