ELIJAH Sinulit namin ni Chari ang araw na nandito siya sa Subic, on going na ang kaso ni Ernesto at maayos na ang kumpanya. May mga itinalaga na akong mga mapagkakatiwalaan ko at habang wala ako ay sila ang mamamahala. Magkasama kami ngayon ni Chari dito sa sasakyan ko tinatahak na namin ang daan pauwi nang Manila. Hinahanap na din kami ni Hopper kaya kailangan na namin umuwi. Masaya ako dahil ngayon ay nasa ibang level na ang aming relasyon. Walang kaalam alam ang pamilya namin na enggage na kaming dalawa. "Babe, kailan mo tayo balak magpakasal?" tanong ko sa kanya. "Mahal, makipag kita ka muna kay Daddy bago tayo mag decide nang petsa." sagot niya sa akin. " Kailangan mo duin kausapin si Nanay bilang respeto na din na siyang nagpalaki sa akin." muli niyang sabi. Tama naman siya mal

