ELIJAH Ilang lingo na akong nandito sa Subic, hindi pa ako makabalik ng Manila dahil may mga bagay pa akong inaayos. May meeting pa akong kailangan gawin para sa mga board member. Mula nang nalaman nila na ako ang nag take over sa posisyon ni Daddy ay isa isa nang nagbalikan ang aming mga investor. Hindi ko na din nakita na pumasok si Mommy dito, ang balita ko ay inaasikaso niya ang pag labas ni Ernesto Bautista. Kahit na anong pakiusap niya sa akin ay hindi ko talaga inurong ang demanda "Eli, please drop the charges you filed against Mr. Bautista. I'm begging you, don't make this worse and risk harming yourself." "Mom, are you even listening to me? I did what was right, and if you weren't involved, the truth would come out. Let the court decide. The company almost went bankrupt, and

