ELIJAH Tuluyan akong nakipaghiwalay kay Cassy, para hindi ko na siya masaktan pa. Hindi ko din alam kung anong mangyayari sa amin ni Chari, ang alam ko lang ay matindi ang galit na nakikita ko sa kanyang mga mata sa tuwing nagbabanggaan kaming dalawa. Wala din naman akong plano sa ngayon basta ang alam ko lang ay ayaw kong may nakakalapit sa kanyang ibang lalaki. Lalo na ang lalaking sinasabi niya na boyfriend niya, hindi sya pwedeng magka boyfriend. Hindi ngayon at hindi kailan man kung kailangan kong gumawa nang paraan para pigilan ito ay gagawin ko. Hindi ako papayag na may ibang lalaki sa buhay niya. Kinuha ko ang aking telepono at tinawagan ko si Alex, hinanap ko ang kanyang number sa contact list ko saka ko idinial ang kanyang numero. Ilang saglit lang at narinig ko na itong nag r

