KABANATA 5

1207 Words
CHARI Dahil sa pagkapanalo ko sa Miss Inter - School ay naging sikat ako sa buong campus nang Holy Trinity kahit ibang school na kasali sa Inter School ay binabati na ako. Nag umpisa na ang palaro at nagpunta na ang mga player sa mga designated area na naka assign sa kanila. Kasama ko ang buong volley team namin at nakapagpalit na din ako nang jersey ko, dumaan kami sa path walk papunta sa volleyball court. Nakita namin na nakatambay si Elijah kasama nang limang iba pa na tingin ko barkada niya. "Eli, sayo lang tumiti - book ang puso ko!" sigaw nang isang lalaki nang dumaan kami sa harap nila kasabay nang malakas na pag tawa. "Miss Chari, pwede bang sa akin na lang tumi - book ang Puso mo?" sigaw din nang isa at sabay sabay silang tumawa nang malakas. Naiinis ako kasi feeling ko binabastos na nila kami. Bullying na ang ginagawa nila sa amin at hindi ko papayagan na ibully nila ako. Humarap ako sa kanila at ibinigay ko ang pinakamatamis na ngiti ko. "Kuya wag ka nang umasa na ibibigay ko sayo ang puso ko dahil hindi ako papatol sa kamuka ni Sherk, kulang na lang pinturang green at talagang kopyang kopya muna siya." irap kong sabi sa kanya at nagtawanan din lahat nang team mate ko. "Naturingang nasa Holy Trinity kayo nag aaral pero kung makapam bully kayo wagas." inis kong sabi sa kanila. "Guys enough, hindi naman kayo inaano nang mga yan kaya tigilan niyo sila." saway ni Elijah sa kanila na ikinagulat ko. Hindi ko na lang sila pinansin at inaya ko na ang team mate ko na pumunta na nang volleyball court. Kami na ang lalaban para sa next set kaya nag wa- warm up na kami. "Cha, nakita mo ba si Elijah kanina parang ang bait na sayo ah," ani ni Rachel. "Talaga ba, wag kang paasa Rachel baka maniwala ako sayo." kinikilig kong sagot sa kanya. "Naku... Naku.... Charimel magtigil ka mag concentrate ka sa laro natin hindi jan kay Elijah. Kapag tayo natalo dahil sa ka kirian mo isusumbong talaga kita kay Tita Lourdes." sabi nang kontrabida kong pinsan na si Wena. "Wena tumigil ka nga, gusto mo ba tawagin ko si Victor para naman ma inspired ka." tukso ko naman sa kanya. Ang bruha ko namang pinsan halatang kinilig dahil biglang lumapit sa amin si Victor ang kaklase naming feeling pogi din. "Hi Wena, galingan mo mamaya sa play niyo ha, manonood kami nang mga tropa ko." sabi ni victor kay Wena. Nakita namin ni rachel si wena na akala mo bulate na binudburan nang asin kung mag inarte kaya inasar siya ni Rachel. "Hoy Wena, na ano ka na jan, parang bulate na di mapakali kapag tayo natalo mamaya dahil sa kaartehan mo ibabato ko talaga sayo ang bola. Narinig mo lang na manonood si Victor para ka nang pusang di mapaanak jan." puna ni Rachel sa pinsan namin namumula na ang pisngi. Pumito na ang referee hudyat na mag uumpisa na ang laro namin, tinawag na isa isa ang mga player both team. Tinawag na din ang first six player na mag lalaro sa loob nang court. Dahil ako ang captain ball kaya kasama ako sa unang anim na player pinapasok din si Rachel at Wena. Sa lahat nang laro lagi kami mag kakakamping talo kaya alam na namin ang laro namin, kasama din namin si Mariz na alam kong inis sa akin kaya kinausap ko siya bago mag simula ang laro. "Mariz, pwede ba tayo mag usap saglit." ani ko sa kanya at pinagbigyan niya ako. " pwede bang iisantabi mo muna ang inis mo sa akin, magkakampi muna tayo ngayon para manalo tayo kailangan nating magkasundo muna para hindi tayo mag agawan nang bola sa loob nang court. Bukas kana ulit mainis sa akin for the mean time seasfire muna tayo, pwede ba!" pakiusap ko sa kanya na agad niya namang sinang ayunan. Nag umpisa na ang laro namin madaming ibat ibang school ang nanonood nakita ko din na nasa bench ni Elijah kaya inspired akong mag laro, itinuro ko pa kay rachel at Wena kung saan sila naka pwesto kaya inaasar na naman nila ako. 2-2 ang score isang game na lang at kung sino ang mananalo yon ang papasok sa Game 2. "Team Focus, kailangan natin manalo para makapasok tayo sa second game. Kaya natin to tiwala lang, huwag tayo masyado gigil para maiwasan natin ang mga out ball. 1, 2, 3 fight." sigaw namin lahat. Nagsimula na ang laro at lumalamang na naman ang kalaban namin. "Kaya natin to, focus team." sigaw ko sa kanila para maboost ang confidence naming lahat. Umaayon sa amin ang pagkakataon dahil lahat nang serve namin ay pasok at hindi nila masagot. Huling serve ko na ito kapag naipasok at hindi nila natamaan ay panalo kami. Pumuwesto ako sa dulo at pina dribble dribble ang bolo nung pumito ang referee ay saka ko ginawa ang jump serve at tumama ito sa pinakadulo na walang bantay at sabay sabay silang nag sigawan nang OUT. Pero my mga sumisigaw din nang IN kaya ang ginawa ay pina play nang referee ang REPLAY at nakita sa video na pasok ang tira ko. Nagtalunan kaming lahat dahil kami ang panalo sa 1st Game. Lahat kami ay masaya at nagsisigawan dahil sa pagkapanalo namin sa laro. Binati ako ni Couch Rivas at sinabing magpahinga na daw kami dahil ang susunod na laro namin ay championship na. Inaya ko ang mga kaibigan ko na sila Wena at Rachel na pumunta sa cafeteria para mag miryenda. Pagpasok pa lang namin ay nakita ko agad ang grupo ni Pearl Arnaiz na masayang nag aasaran, naagaw namin ang atensyon nang mga tao kya lumingon sila sa pwesto namin. "Oy, nandito pala ang babaeng malakas ang self confidence," pangungutya ni Pearl. "Ang taas din nang pangarap, si Eli pa talaga ang pinapantasya ha..ha..ha as if naman papatulan siya nang isang Martinez eh wala pa sya sa one fourth sa girlfriend ni Eli." sigaw din nang isang babae na kagrupo nila. "Huwag niyo na silang pansinin" bulong ko kay Wena at Rachel baka inaasar lang tayo para magalit at pag pinatulan natin sila baka ma disqualify pa tayo. Kilala natin sila na marumi mag laro kaya nga lagi sila ang champion diba." muli kong sabi sa kanila na sinang ayunan naman nila. Imbes na kakain pa kami ay lumabas na kami nang cafeteria para makaiwas sa gulo, may oras pa naman kaya lumabas muna kami at may nakita kaming nagtitinda nang kwek - kwek kaya doon na lang kami bumili. Nagtutuhog ako nang fishball nang may tumabi sa akin na lalaki at nang tumingala ako ay grabe ang kilig ko dahil si Elijah ang tumabi sa akin at nakangiti......... Lord kung panaginip to ayaw ko nanag magising sabi ko na narinig nilang lahat. "Cha, ano daw........ Wag kang mag alala hindi yan panaginip at narinig naming lahat ang sinabi mo, ayan oh nakatingin silang lahat sayo." sabi ni Rachel at inilibot ko ang paningin ko, "oh my ghod! Totoo nga napalakas ang sigaw ko." sabi ko sa lalaking katabi ko na walang iba kundi si Elijah saka ako nag peace sign sa kanya.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD