CHARI
Hindi mawala ang kilig ko dahil katabi ko ngayon si Elijah na nakaupo dito sa may ilalim nang puno, ang dalawa ko namang pinsan ay medyo malayo sa amin kausap din nila ang mga kaibigan ni Eliajah. Parang gusto kong sampalin ang sarili ko, hindi ako makapaniwala na nangyayari ang matagal ko nang gusto ang mapansin ako nang lalaking crush ko. Hindi ko tuloy makain ang fishball na binili o dahil nahihiya ako, sa tanang buhay ko ngayon lang ako nagkaroon nang hiya sa lalaki.
"Char, hindi mo ba kakainin yang fishball na hawak mo?" tanong ni Elijah.
"Ha, eh kasi mainit pa siya saka parang nabusog na ako." nahihiya kong sagot sa kanya. Kinuha niya sa akin ang hawak kong fish ball at stick saka niya ito tinusok at isinubo sa akin. My Ghod yung kilig ko abot hanggang baguio, para itong isang panaginip na ayaw ko nang magising pa hindi ako makapaniwala na nangyayari lahat nang ito. Kunyari akong tumagilid para hindi niya makita ang muka ko na ngiting ngiti at kinikilig. Pero ang hindi ko napansin na ang dalawa kong bruhang pinsan ay kanina pa pa pala ako pinagmamasdan kaya bigla kong narinig na sumigaw sila.
"CHARIMEL............" sigaw ni Rachel. "Tigilan muna yan masyado ka nang kinikilig jan, gumising kana bago kapa bangungutin pinapatawag na tayo ni coach mag start na daw ang final game." sigaw sa akin nang epal kong pinsan na si Rachel. Kaya bigla nawala ang ngiti ko napaka wrong timing naman talaga nang babaeng ito kung kailan kinikilig na ako saka pa naisipang mambwisit. Kapag sya din nagkaroon nang crush humanda din talaga sila sa akin. Pagbabanta ko sa isip ko.
"Bro, pakawalan muna yan si Chari at may championship game pa sila, mamaya kana manligaw maaga pa." sigaw din nang isang barkada ni Elijah. Bigla na lang akong namula dahil sa narinig kong isinigaw nila, para akong kakapusin nang paghinga. Yung pakiramdam na kinikilig ako pero hindi ko pwedeng ipahalata dahil nakakahiya. "Lord, sobra sobra namang pagpapakilig ang ginagawa mo sa akin ngayon, ang hiling ko lang naman ay mapansin ako pero bakit naman ganito." kinikilig kong kausap kay Lord. Hala muntanga na talaga ako, hindi ko mapigilan ang mapangiti. Hindi ko na kinakaya ang nararamdaman ko kaya naman mas ninais kong magpaalam na kay Elijah dahil hindi ko na makontrol ang t***k nang puso ko, feeling ko nag papalpitate na ako.
"Ah, sige po mauna na kami kuya, baka hinahanap na kami ni coach." nahihiya kong paalam sa kanya. Bigla akong napatigil dahil naalala ko ang sinabi ko "ay shete bakit kuya? Ang tanga mo chari nakakahiya ka." kastigo ko sa sarili ko.
"Ay bakit may pagtawag nang kuya? San nanggaling yon." pang aasar ni Wena. Hinila ko na si Rachel at Wena dahil grabe na ang bunganga nilang dalawa masyado na nila akong nirereal talk hindi na ako natutuwa sa kanilang dalawa, nagngingitngit kong sabi sa sarili ko. Hindi pa kami nakakalayo nang marinig ko ang boses ni Elijah na sumigaw.
"Chari........goodluck sa game niyo galingan mo ha, manonood ako para mag cheer sayo!" sigaw ni Elijah sa akin.
"Huy, chari tulaley ka na nman jan, jusko ka sigaw pa lang yan pano pa kaya kung i love you na ang sinabi niya baka mahimatay kana jan." bulong ni Wena sa akin. "Pinapaalala lang namin sayo chari 15 ka pa lang at 23 na yang si Elijah ang laki nang age gap niyo sa tingin mo ba seryoso yan sayo lalo't alam natin na inis yan sayo simula pa noong una." sabi ni Wena.
"Hinay - hinay lang Cha, support ka naman namin pero nakakapanibago lang ang bilis naman yata niyang magbago nang pagtingin sayo. Dati kung ipahiya ka niya ganun ganun na lang tapos ngayon super sweet ang atake niya. Diba na kakapag duda talaga, ayaw ka namin masaktan lalo't mga bata pa tayo okay sa amin ang crush pero yung ganyang seryosohan na usapan pag isipan mong mabuti Cha baka maiwan kng luhaan." madamdaming sabi ni Rachel.
"Tama naman kayong dalawa pero malay niyo naman totoo na gusto niya na ako, alam niyo naman na matagal ko na siya crush db kung masasaktan man ako siguro part of growing up na lang yon." katwiran ko naman sa kanila.
"Sige Cha, ilaban mo pero pag nasaktan ka wag mo sasabihing hindi ka namin pinagsabihan. Alam naming matagal ka nang may gusto sa kanya kaya madali na lang kay Elijah na paikutin ka kung sakali. Madami naman iba jan Chari mas higit na mas gwapo pa kesa sa kanya why not ibaling mo sa kanila ung nararamdaman mo sa matandang yon." pangaral pa sa akin ni Wena. Bago pa kung saan mapunta ang usapan namin inaya ko na silang pumunta sa gymnasium kung saan gaganapin ang finals nang volley ball. May thirty minutes pa bago mag umpisa kaya nag warm up muna kami. Kasama ang mga ka team mate ko at pati si coach Rivas at sinasabi sa amin kung ano ang dapat namin gawin. Habang nag wawarm up kami ay dumating ang Grupo nang mga taga Holy Trinity sila ang depending champion sa volley ball, aminado ako na magagaling naman talaga sila pero madalas nananalo sila dahil nadidisqualify ang mga naging kalaban nila.
"Guys, handa na ba kayong ilampaso at pakainin nang alikabok ang mga kalaban natin!" sigaw ni Pearl Arnaiz
"Handang handa na hindi lang alikabok ang ipapakain natin sa kanila, isama na natin pati ang buhangin sa kalsada." sulsol naman nang isang baba na akala mo nalublob sa espasol sa sobrang puti nang muka.
"Kalma ginagawa nila yan para asarin lang tayo pag pinatulan natin sila tyak mag rereklamo sila at baka madisqualify pa tayo. Alam na natin ang laro nila, sa totoo lang hindi sila magaling maglaro magaling lang sila mang asar kaya wag tayo paapekto. Pagtapos nang laro natin saka tayo gaganti sa kanila." sabi ko sa mga ka - team ko, nakikita ko nang gigil na si mariz kaya sinabihan ko siyang kumalma.
Pumito na ang referee hudyat na magsisimula na ang laro, dumami na din ang mga estudyanteng pumapasok sa gymnasium para manood. Nakita ko si Elijah na naka upo sa bench nang taga Holy Trinity which is naiintindihan ko naman dahil doon siya nag aaral. Isa isa nang tinawag nang referee ang mga player saka ipinakilala ang first six na maglalaro. Sa team namin ay kasama sina Wena, Rachel at Mariz at dalawang ka team pa namin. Sa kabila naman ay kasama din si Pearl siya din pala ang captain ball nila. Pumitong muli ang referee para ibigay sa kabilang koponan ang bola sila ang nanalo para unang mag serve nang, si Pearl ang mag seserve kaya hinanda ko na ang sarili ko para sagutin ang ang serve niya. Hinampas niya ang bola at pumunta sa pwesto ni Wena kaya sumigaw siya nang "mine" pinalo niya ang bola pataas papunta sa akin kaya sumigaw din ako nang "mine" tumalon ako at hinampas po nang malakas ang bola nang patusok papunta sa lugar na alam kong mahihirapan silang habulin ang bola. Pag hampas ko ay hinabol pa ni Pearl ang bola pero hindi niya na naabutan dahil lumapag na sa sahig kaya ang nangyari ay sumubsob siya sa semento. Nagtakbuhan kami sa gitna nang mga kateam ko dahil sa amin ang unang puntos.
Naging mainit ang laro at bawat hampas nang bola sa magkabilang koponan ay makikita ang determinasyong manalo. Nakuha namin ang 1st at second set nang nalaro at naipanalo naman nila ang 3rd set. Tumawag nang time out si coach para pag planuhan ang magiging game plan namin sa 4th set. Determinado kaming manalo dahil pag nagkataon ito ang kauna - unahang championship na mapapanalunan nang aming paaralan,.
Natapos ang time out at pumuwesto na ulit kami sa court.
"Guys, kaya natin to focus lang tayo maipapanalo natin to, lamang tayo kaya relas lang wag tayo masyado gigil para maiwasan nating magkamali. One, two, three fight.........." sigaw ko at pumuwesto na kami. Ako ang maseserve nang bola. Nag lakad ako papunta sa dula habang hawak ang bola pag pito nang referee ay pinatalbog ko muna ang bola saka ko hinagis ang bola sabay talon. Bumagsak ang bola sa walang bantay kaya nakapuntos kami. Naging mahigpit ang laban nagpapalitan lang nang score 24-24 ang score tie kami at sila ang mag seserve nang bola. Kanya kanya na kaming pwesto "Guys presensce of mind wag tayong mag agawan nang bola para maipanalo natin to 1 point na lang atin na ang championship" sigaw ko sa mga kasama ko. Hawak ni Pearl ang bola kay sumigaw ako kay Wena at Rachel.
"Wena, Rachel triangle position!" sigaw ko sa kanila kaya pumuwesto naman agad ang mga pinsan ko at inabangan namin ang pag palo nang bola ni Pearl. Pag hampas niya ay hinabol ni Rachel ang bola sabay sigaw nang "MINE" pinusisyon niya at hinampas ito papunta kay Wena na nasa harap. Naka ready na din ako dahil alam ko na sa akin mapupunta ang bola may dalawang blocker na din ang naka abang sa akin kaya naman medyo lumayo ako sa net para maka bwelo. Ipinasa sa akin ni Wena ang bola kaya tumalon agad ako nang mataas ang hinampas ko ang bola papunta sa gilid para iwasan ang dalawang blocker na naka abang sa akin. Nagulat ang mga kalaban namin hindi nila napaghandaan ang ginawa ko kaya paghabol nila nang bola ay lumipad ito palabas nang court saka ko narinig ang malakas na pito nang referee.
"Fourth set PARACLETE ACADEMY!" sigaw nang referee kaya nag takbuhan lahat nang ka team namin at pati nang mga taga school namin para mag sigawan.......... Sabay sabay pang nagkantahan ang mga schoolmate namin.
"We are the champions, my friends
And we'll keep on fighting till the end
We are the champions
We are the champions
No time for losers
'Cause we are the champions of the World....................."
Sabay sabay na kanta nang mga taga Paraclete Academy. Nakita naman namin ang mga taga Holy Trinity na lumabas na nang court at mukang mga galit. Hindi ko napansin na may lumapit na pala sa akin at bigla akong binuhat kaya napatili ako............ Ang lahat ay nagsigawan at nag sabi nang "SANA ALL" dahil si Elijah lang naman ang lalaking bumuhat sa akin............