CHARI
Natapos ang Inter School at kami ang nag champion sa volleyball, naging tampulan din ako nang tukso dahil sa ginawang pagbuhat sa akin si Elijah. Dahil sikat siya sa Holy Trinity ay talaga namang nakaagaw nang atensyon ang ginawa niyang pagbuhat sa akin.
Lumipas ang mga araw at mas lalo kaming naging malapit ni Elijah, madalas din kaming magkita sa bahay nila kapag ako ang inuutusan ni nanay na magdeliver ng gulay na order ni Mrs. Martinez. Pag minsan hindi ko alam kung sinasadya o nagkakaton lang na napapadaan siya sa school namin at isinasabay niya na ako pauwi, pakiramdam ko tuloy natupad na ang pangarap ko na maging malapit kaming dalawa. Kagaya ngayon nakita kong nasa labas na naman nang school ang kotse niya at nakita kong kumaway siya sa akin. Nakatayo siya sa may pintuan nang kotse niya at napakagwapo niya sa kanyang suot na uniform na pinaresan niya pa nang shades. Mabilis naman akong lumapit sa kanya at iniwan ko na ang dalawang pinsan ko na nasa likod ko.
"Hi, anong ginagawa mo dito? Huwag mong sabihing napadaan ka na naman." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Ang totoo niyan gusto sana kitang ayain kumain sa labas. baka lang naman gusto mo akong kasama na kumain?" sabi ni Elijah. Hindi naman halata na kinilig ako sa sinabi niya. "This is it self nag aaya na sya baka ligawan ka na niya,"sabi ko sa isip ko at hindi ko mapigilang kiligin.
"Pwede naman, pero saglit lang mag sasabi lang ako sa mga pinsan ko baka kasi hanapin ako nang nanay ko." sabi ko kay Elijah. At naglakad na nga ako pabalik sa mga pinsan ko para magpaalam sa kanila. Naabutan ko na nakasimangot sila at parang mainit ang mga ulo.
"Ano na hindi paba tayo aalis?" parang inis na sabi ni Wena.
"Kaya nga kanina pa kami dito naghihintay sayo Chari, nakakainis kana." nakasimangot din na sabi ni Rachel.
"Bat ba ang iinit nang ulo niyo, napapansin parang ayaw niyo akong maging masaya. Nakakainis na kayo dati naman hindi kayo ganyan sa akin. Ano bang problema niyo?" naiinis ko na ding sagot sa kanila. "Mauna na din kayo at may lakad pa kami ni Elijah kung hindi kayo masaya para sa akin mas mabuti pang wag niyo na akong hintayin pag uwian." dugtong ko pang sabi sa kanila.
"Ay bakit may ganyan ka nang drama Chari? Naririnig mo ba yang sarili mo, kasama mo na kami simula pagkabata natin si elijah ngayon mo lang yan nakilala at nakakasama tama bang ipagpalit mo kami sa kanya. Saka sigurado ka bang seryoso yan sayo, mag isip ka Chari baka sa ginagawa mo ikaw din ang masaktan." naiiyak na sabi ni Rachel. Ayaw ko naman sanang sabihin yon, kaso parang napapansin ko na ayaw nila kay Elijah.
"Tara na Rachel hayaan na natin yan si Chari, mahirap naman kung ipipilit natin ang sarili natin sa kanya. Sana lang Chari maging tama lahat nang ginagawa mo, masyado kang nagpapadala sa damdamin mo. Okay lang magka crush pero dapat alam mo din ang priority mo." sagot ni Wena sa akin sabay hinila niya na si rachel at naglakad na sila palayo sa akin. Ako naman ay nakatayo lang at naiiyak na, sa tagal na namin magkakasamang tatlo ngayon lang kami hindi nagkasundo kaya nasasaktan ako pero wala naman akong magagawa kaya huminga ako nang malalim at naglakad pabalik kay Elijah na matyagang naghihintay sa akin. Nakangiti akong lumapit sa kanya para hindi niya mahalata na malungkot ako.
"Tara na," aya ko sa kanya, umikot siya sa kabilang side nang kotse niya at pinagbuksan niya ako nang pinto, nang makapasok na ako ay maingat niya itong isinara at umikot na papunta sa driver seat. Habang nasa daan kami ay hindi ako kumikibo dahilan para tanungin niya kung may problema ba ako.
"Is something bothering you?" tanong niya.
"Nothing, mainit lang kasi kanina kaya medyo masakit ang ulo ko." pag sisinungaling ko naman sa kanya.
"Okay gusto mo bang ihatid na kita para makapag pahinga kana, pwede namang bukas na tayo lumabas if you want." sagot niya. Bigla naman akong nahiya sa sinabi niya, hindi ako dapat nagpapa apekto sa mga pinsan ko kasi ito naman talaga ang gusto ko.
"No, okay lang naman nandito na rin lang tayo kaya dapat matuloy na to no! Sayang naman ang libre mo minsan lang ito." ngiting ngiti kong sabi at pinasaya ko na ang pagsasalita ko para naman hindi niya mahalatang malungkot ako.
Dinala ako ni Elijah sa isang restaurant nahihiya pa akong pumasok dahil first time ko lang kumain sa ganito kagandang restaurant. Balita ko kasi mahal kapag sa ganitong kainan ka kumain kaya madalas sa mga fast food lang kami kumakain kasi ayon lang kaya nang budget namin. Iginiya kami nang waitress sa bakanteng table, mas pinili ni Elijah yung hindi masyado nadadaanan nang mga tao para daw makapag usap kami nang maayos. Ibinigay na sa amin ang menu at pinapili ako ni Elijah kung ano ang gusto kong kainin. Dahil hindi naman ako pamilyar sa mga pagkain na nasa menu ay siya na lang ang hinayaan kong umorder para sa akin. Habang nag hihintay kami nang na dumating ang pagkain na inorder namin ay nag uusap muna kami.
"Chari, how old are you na nga?" tanong niya.
"Seventeen pero malapit na din akong mag eighteen." sagot ko naman sa kanya at hindi ko maiwasang mailang dahil nakita kong titig na titig siya sa akin. "Hindi naman kaya matunaw na ako niyan, grabe ka naman makatitig." natatawa kong sabi sa kanya.
"Im sorry, hindi ko lang maiwasan habang kasi tinitignan kita lalo ka palang gumaganda sa paningin ko." sabi niya kaya naman naramdaman ko ang pamumula nang magkabila kong pisngi dahil sa narinig ko mula sa kanya.
"Enebe, kalma ako lang to si Chari." pabiro kong sabi sa kanya dahil naiilang na talaga ako sa ginagawa niyang pagtitig sa akin. Sakto naman dumating na ang order naming pagkain kaya medyo nakahinga na ako nang maayos. Kapag kasi nakatingin siya sa akin parang bumibilis ang t***k nang puso ko na nagiging dahilan para hindi ako maging komportable.
Natapos na kaming kumain at nag aya pa siyang maupo kami sa park at pinag bigyan ko naman tutal maaga pa.
"Chari pwede ba magtanong?" sabi niya.
"Pwede naman basta wag lang math, bobo kasi ako sa math." pagbibiro ko pa sa kanya. Nakita kong siyang ngumiti.
"If I court you, will you give me a chance to love you and be your boyfriend?" tanong niya na ikinagulat ko. "Seryoso ba siya liligawan niya ako. Hindi ako makapaniwala na pwede pala itong mangyari sa akin." sabi ko sa isip ko. Hindi ko alam ang isasagot ko kung papayag ba ako o hihindi sa kanya. Pero ito na yung matagal ko nang hinihintay kaya gusto kong sumugal.
"Kung papayag ba akong ligawan mo ako maipapangako mo ba sa akin na hindi mo ako sasaktan." nanginginig ang boses kong sabi ko sa kanya.
"I promise that I will love and respect you if bibigyan mo ako nang pagkakataon papatunayan ko yan sayo." sagot niya sa akin. Muka naman siyang seryoso sa sinasabi niya kaya walang dahilan para mag inarte pa ako.
"Okay, kailan mo gusto magsimula." natatawa ko nang sabi sa kanya. Nakatingin siya sa akin at mukang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Hinatid niya na ako sa bahay at nagpababa sa kanto na malapit sa bahay namin ayaw kong makita kami ni nanay at baka sa harap niya pa ako kurutin sa singit. Kilala ko pa naman si nanay pag nagagalit sa akin walang pakialam kung sino ang kasama ko basta kung makakurot wagas. Naglakad na ako pauwi sa bahay namin at hindi maalis sa muka ko ang mga ngiti ko para na iting naka glue kaya pag pasok ko sa bahay ay agad na napansin iyon ni nanay.
"Hoy Charimel anong klase yang ngiti mo, para kang nanalo sa lotto at nakapgkit na yang ngiti sa muka mo." sita sa akin ni nanay.
"Wala po nay masaya lang po ako ngayon, daig ko pa nga po ang nanalo sa lotto nang grandprize." sagot ko naman kay nanay kaya mabilis na lumapit sa akin at piningot ako sa aking tainga.
"Charimel tigil tigilan mo ako jan sa sinasabi mong daig mo pa ang nanalo sa lotto. Kilala kitang damuho ka kapag nalaman ko na may katipan kana ay ipapadala talaga kita sa probinsya." galit na sabi ni nanay. Kaya naman hindi na ako sumagot at umakyat na lang ako sa aking kwarto at baka madulas pa ako at masabi kong meron na nga akong manliligaw. Baka boyfriend na maging bato pa.........