CHARI
Maaga akong papasok ngayon dahil may exam kami, hindi ako nakapag review kausap ko kasi si Eli hanggang madaling araw kaya plano ko nang sa school mag review. Nakasalubong ko sina Wena at Rachel malapit sa sakayan pero hindi nila ako pinansan. Ilang araw na nila akong iniiwasan, ayos lang naman sa akin iyon dahil araw - araw ko naman kasama si Eli. Nakarating ako sa school dumiretso na ako sa room namin, kung dati masaya akong sinasalubong nang mga pinsan ko ngayong parang hindi na nila ako kilala. Nalulungkot ako pero kasalanan ko din naman kung bakit sila nagalit sa akin. Ako ang nagtaboy sa kanila kay wala akong ibang sisisihin kundi sarili ko.
Pumasok ang subject teacher namin at nag umpisa nang magbigay nang test paper, hinawakan ko agad ito at binasa. Para akong binuhusan nang malamig na tubig dahil kahit isa sa mga tanong wala akong alam na isasagot dahil hindi ako nakapag review. Nahihiya naman akong mag tanong sa mga pinsan ko dahil bukod sa malayo sila ay galit pa sila sa akin. "Bahala na si batman," sabi ko sa isip ko kaya lahat nang sagot ko ay hinulaan ko na lang karamihan pa nmn sa tanong ay fill in the blanks kaya nahirapan talaga ako. First time ko lang ito maranasan, ganito pala kahirap kapag may exam tapos hindi ka man lang nakapag review. Kung dangan kasi inuna ko pang makipag usap kay Eli kesa basahin ang mga notes ko.
Sumapit ang uwian nauna na akong lumabas dahil nag chat si Eli na nasa labas na daw siya at hinihintay ako. Halos 2 weeks na din siyang nanliligaw sa akin at ngayon nga ay plano ko na siyang sagutin. Araw - araw niya din kasi akong kinukulit kung kailan ko siya sasagutin kaya bat ko pa patatagalin doon din naman ang punta sasagutin ko din naman siya. Paglabas ko nang gate ay nakita ko na nga siya nakatayo sa gilid nang kotse niya at nakalagay ang dalawang kamay niya sa bulsa nang kang pantalon. Kumaway siya sa akin at kumaway din ako sa kanya para malaman niyang napansin ko na siya. Naglakad ako palapit sa kanya at saka niya ako pinagbuksan nang kotse niya at pumasok ako sa loob.
Inaya niya akong mamasyal kaya pumayag naman ako, hindi rin maganda ang araw ko ngayon kaya gusto kong magrelax. Nakarating kami nang Tagatay sa may Twin Lakes at mula mula dito ay natatanaw ko ang pinagmamalaking isa sa pinakamaliit na bulkan ang taal volcano. Kumain kami sa isang restauran na overlooking lang ang Taal. Para akong naramdam nang kapanatagan at nawala lahat nang takot na naramdaman ko kanina sa school dahil sa exam. Umorder si Eli nang Bulalo at ang pinagmamalaki nilang crunchy tawilis na sa taal lake lang daw mahuhuli. Habang hinhintay namin ang mga inorder naming pagkain ay masaya kaming nagkkwentuhan ni Eli, may nakita pa kaming kaibigan niya na kumakain din dito sa restaurant na kinakainan namin..
"Elijah Martinez is that you?" tanong nang isang lalaki kay Eli. Tinignan ni Eli ang lalaki at nag peace bump sila sa wari ko'y kilala niya din ito.
"Richard, ikaw na ba yan bro?" nakangiti ting bati ni Elijah sa laalking tinawag niyang Richard.
"Dating? and who is this not so lucky girl with you?" nakangiting tanong nang lalaki kay Eli.
"She's Chari my friend ," sagot ni Eli, medyo nasaktan ako sa sinabi hindi ko kasi inaasahan na yun ang isasagot niya kahit man lang sana nililigawan ay okay na kaso hindi ko yon narinig.
"Oh, a friend! akala ko pinalitan muna si Chloe, nagkita kami last month sa L.A. She said na papunta kana daw doon." sabi ng lalaki na ikinagulat ko talaga. "Gusto kong mgalit at awayin siya pero may karapatan ba ako para gawin yon, hindi niya nga inamin na nililigawan niya ako kaya bakit naman ako masasaktan." sabi ko sa isip ko.
Tumayo ako at nagpaalam sa kanila hindi ko na kayang mgtagal dito, pakiramdam ko maiiyak na ako kaya nagpaalam ako na pupunta lang nang banyo. Pero sa totoo lang gusto ko nang umuwi nawalan na din ako nang ganang kumain parang mas lalong bumigat ang pakiramdam ko dahil sa mga narinig ko mula sa kaibigan ni Eli. Pag pasok ko sa loob nang comfort room ay hindi ko na napigilang maiyak, ung kaninang bigat nang loob na nararamdaman ko ay tuluyan ko nang pinakawalan dito sa loob nang banyo. Mabuti na lang at wala pang ibang tao na pumapasok kaya malaya akong umiyak para kahit paano ay maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Ilang minuto din akong nagtagal dito sa loob hanggang sa mag desisyon na akong lumabas at umuwi. Hindi na ako magpapaalam kay Eli bahala na siya sa buhay niya manloloko naman siya. Pagbukas ko nang pinto ay nagulat pa ako dahil nasa labas lang pala siya na nag aabang sa akin.
"Anong ginagawa mo dyan?" tanong ko sa kanya.
"Waiting for you to come out." sagot naman niya sa akin.
"Hindi mo ako kailangan hintayin, gusto ko nang umuwi kaya mauuna na ako sayo." Inis kong sabi sa kanya.
"Are you mad at me?" muli niyang tanong.
"Ano ba sa tingin mo? Dapat ba matuwa ako sa mga narinig ko. Kung alam mo lang na niloloko mo lang ako sana hindi na ako naging malapit sayo, sana iniwasan na lang kita." naiiyak ko sagot sa kanya.
"Chari, hindi totoo lahat nang narinig mo kay Richard. Wala siyang alam sa buhay ko Chloe is my ex- girlfriend kaya wala kang dapat ikagalit sa akin. Kung kaming dalawa pa ni Chloe sa tingin mo ba dito ako mag aaral knowing na sa L.A nag aaral si Chloe." sagot ni Eli sa akin. Wag kana magalit, alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko ngayon. Kung sinasagot muna ba kasi ako para maging official na tayo at para hindi kana jan nag seselos." muli niyang sabi sa akin. "Halika na, lets eat na para makauwi na tayo." aya niya na sa akin. Yung kaninang inis ko ay parang nawalang bigla dahil sa sinabi niya. Naisip ko din na tama siya kailangan na namin maging official para hindi na siya maagaw sa akin nang iba.
Matapos kaming kumain ay naglakad lakad muna kami sa Twin Lakes maraming tao pala dito pag hapon na karamihan mga naka motor. Ang iba naman ay mga pamilyang gusto sigurong kumain sa masasarap na restaurant dito. Umupo kami sa bench habang tanaw namin ang taal volcano, hawak ni Eli ang kamay ko at ang isang kamay niya naman ay nasa balikat ko. Kung titignan para na kaming real couple na nag dadate,
"Chari, siguro naman napatunayan ko na sayo na mahal kita at hindi na ako makapag hintay na maging girlfriend ka. Sana bigyan mo ako nang chance na mahalin at alagaan ka at maipakita ko pa sayo kung gaano kita kamahal. Chari, I think this is the right time para malaman ko kung may pag asa ba ako sayo o wala. I promise kung ano man ang maging sagot mo ngayon ay igagalang ko at hindi ako magagalit sayo." malungkot niyang sabi sa akin.
Humarapa sa akin si Eli at hawak ang dalawa kong kamay, kinakabahan ako at the same time para akong nahihiya na sagutin siya pero kailangan kong lakasan ang loob ko. Siya ang magiging first boyfriend ko at sana nga hindi niya ako sakta. Humarap din ako sa kanya at tumingin nang diretso sa kanyang mga mata habang itinaas niya naman ang kamay ko at inilapit sa kanyang dibdib.
"Eli, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, you are my first crush hindi mo lang alam kung pano kita inaabangan sa labas nang campus niyo para lang makita ka. Ang maging malapit sa yo noon ang tanging pangarap ko, at higit pa doon ang ibinigay sa akin ni Lord hindi lang tayo naging malapi kasi ngayon magiging BOYFRIEND na kita and I say YES!" umiiyak kong sabi sa kanya. Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko mula sa kanya at bigla na lang siyang tumayo sa kinauupuan namin at sumigaw nang "MAY GIRLFRIEND NA AKO, SINAGOT NA AKO NANG MAHAL KO!" kaya ang lahat nang tao sa paligid namin ay nagpalakpakan..............