KABANATA 9

1232 Words
CHARI Naging opisyal na kaming magkasintahan ni Elijah, hindi ko inakalang magiging boyfriend ko sya. Dahil masaya ako magdamag halos wala na naman akong tulog, pero kahit puyat ako ay maaga pa din akong bumangon para maghanda papasok sa eskwela. "Chari, hindi muna tinutulungan ang nanay mo sa palengke, ano ba ang pinagkakaabalahan mo at hinahayaan mo ang nanay mong mag isa?" Sabi sa akin ni tatay. "Pasensya na po tatay, masyado lang po akong abala sa school, kaya madalas po gabi na ako makauwi." Pagsisinungaling ko kay tatay. "Ganun ba, oh sya hayaan muna pero pag hindi kana abala sa eskwela puntahan mo pa rin ang nanay mo sa palengke at tulungan. Alam mo naman na tumatanda na ang nanay mo kailangan niya din nang makakatulong lalo na pag oras na nang pag sasara sa tindahan wala sya kasamang magligpit nang mga paninda niya." Sabi ni tatay Matapos akong mag alamusal ay naligo na ako at nagbihis pagbaba ko nang hagdan ay nakita ko nanay na nakaupo pa din sa sofa. "Nay hindi po ba kayo ngayon magtitinda?" Tanong ko. "Hindi muna anak, medyo masama kasi ang pakiramdam ko at inuubo ako kaya magpapahinga na lang muna ako dito sa bahay. Siya nga pala bakit ilang lingo ko nang hindi nakikita ang mga pinsan mo na napasyal dito. Dati rati nama'y halos ayaw na nilang umalis dito sa bahay." Nagtatakang tanong ni nanay sa akin. Hindi ko po alam nay, papasok na po ako at baka mahuli na po kasi ako sa klase." Paalam ko sa nanay ko. Nalulungkot ako dahil hindi na kami magkakasama nang mga pinsan ko. Aminado naman ako na may kasalanan ako dhil kay Elijah na ngayon nakatuon ang atensyon ko. Pag dating ko sa room namin ay nakita kong magkakasama sina Mariz, Wena at Rachel medyo nalungkot ako sa part na nakita kong masaya silang tatlo na nagtatawanan samantalang ako mag isa at malungkot. "Cha bakit ka mag isa d'yan, bat di ka sumali kila Wena di ba kayo ang magkakasama palagi. Bakit ngayon lagi ka nang mag isa?" Tanong nang kaklase kong babae sa akin. "Hayaan mo nga si Chari Ysang kung gusto niya mag solo, okay lang naman kami saka tatlo pa rin kami hindi kawalan kung hindi kami kailangan nung isa d'yan." Mataray na sabi ni Wena. Hindi na ako nakaimik sa sinabi ni Wena siguro nasaktan lang sila noong sinabi ko na hayaan na nila ako. Kaya wala akong karapatan na masaktan ngayon,pero sa totoo lang namimiss ko na sila ung kulitan namin tuwing uwian, yung asaran namin at higit sa lahat yung bonding namin tatlo. Siguro magkakabati din kami at matatanggap din nila si Elijah para sa akin kapag nalaman nila na boy friend ko na sya. Pumasok na ang 1st subject teacher namin at binasa isa isa ang score namin kahapon sa exam "Rachel and Wena got a perfect score of 100, palakpakan niyo sila." Sabi ni maam sa amin. "Our lowest grade is 48, pero sad to say may pinaka lowest pa doon at nakakuha nang zero. Hindi ako makapaniwala dahil ito ang kauna unahang pag kakataon na nakakuha sya nang zero. Hindi ko alam kung hindi niya ba naintindihan ang tanong o sadyang hindi sya nag aral. Please stand up Miss. Mediado, what happen to you? Hindi ka naman ganito dati, kayong tatlong magpipinsan ang laging nangunguna sa klase ko bakit ngayon kahit simpleng quiz binabagsak muna? Kapag ito ay naulit pa ipapatawag ko na talaga ang magulang mo para sila na ang tatanungin ko." Banta ni mrs Fojas sa akin na kinabahala ko naman, hindi to pwedeng malaman nila nanay tyak na magagalit sila sa akin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, nahihiya ako sa sarili ko. Kahit ung pinaka bobo kong kaklase hindi nakakuha nang zero pero ako pinerfect ko, perfect zero nga lang. Recess time namin mag isa akong naglalakad papunta sa canteen, madami ang bumabati sa akin pero lahat sila hindi ko pinapansin. Wala energy para makipag ngitian sa kanila, iniisip ko pa din ang sinabi ni Mrs. Fojas sa akin na kapag naulit pa na makakuha ako nang mababa ay ipapatawag na sila nanay. Kailangan ko nang mag focus sa pag aaral ko para hindi ako mapag iwanan nang mga pinsan ko, mag aaral na akong mabuti pangako ko sa sarili ko. Nang malapit nang mag uwian ay inayos ko agad ang aking sarili, sumaglit muna ako nang banyo para mag pulbo at maglagay nang konting liptint sa aking labi. Nag hihintay na dw si Elijah sa labas at may date daw kami ngayon. Halos magkakasunod kaming lumabas nang gate nila Wena at Rachel nakita kong nakatingin sila sa akin pero hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso sa kung saan naroon si Elijah. Pagkapasok ko sa kotse niya ay agad akong sinalubong nang halik ni Eli, medyo nagulat ako sa ginawa niya kaya nanigas ang katawan ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. "Relax babe, its just a kiss normal lang yan na ginagawa nang mag boyfriend." paliwanag ni Eli sa akin, napansin niya yatang parang nailang ako. Nginitian ko na sya at pinakalma ko ang sarili ko. "Eli, saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. "Kung okay lang sayo tumambay muna tayo sa condo ko sa Tagaytay, maaga pa naman." sabi niya kaya pumayag naman ako. Nakarating kami nang Tagaytay at malapit lang sa may Sky Ranch ang condo niya. Napaka ganda nang view at ang lamig nang lugar. Nakatayo ako sa bintana at naramdaman ko na lang na pumulupot ang kamay niya sa bewang ko. Kahit kinakabahan ako ay pinaglalabanan ko at pilit pinapakalma ang sarili ko. "Chari, do you love me?" tanong niya sa akin. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na pumapasok sa may tenga ko na nagbibigay sa akin nang kakaibang pakiramdam. "Yes, Eli mahal kita, kaya sana wag mo akong sasaktan kasi baka hindi ko kayanin, ikaw ang unang boyfriend ko sana ikaw na din ang huli." makahulugan kong sabi sa kanya. Marahan niya akong hinalikan sa aing ulo pababa sa aking batok hanggang balikat, dahil sa ginagawa niya ay unti unti na akong natatakot at kinakabahan. "Kung talagang mahal mo ako, papayag ka sa gusto kong mangyari." bulong niya sa punong tenga ko na nagpatigil sa paghinga ko. Ano ang sasabihin ko sa kanya hindi pa ako handa para ibigay ang sarili ko sa kanya. Oo mahal ko siya pero napakabilis naman yata kung ibibigay ko agad sa kanya ang sarili ko. "Eli, ano ba ang gusto mong mangyari?" kunwaring tanong ko sa kanya. Kahit kinakabahan ako ay nagtanong pa din ako. "I want to have s*x with you." walang kagatol gatol niya sabi sa akin. "Eli hindi pa ako handa para sa bagay na yan, kahapon lang tayo nanging mag boyfriend hindi ba parang ang bilis naman yata nang gusto mo. Nahihiyang sabi ko sa kanya. "Normal na lang na ginagawa ito nang magkasintahan, Chari. Wala na tayo sa Maria Clara days." parang naiiirita niyang sabi. "Pwede bang next time na lang Eli, baka kasi magtaka din si nanay pag gabi na ako umuwi saka hindi pa talaga ako handa para sa bagay na yan. Kailangan ko munang ihanda ang sarili ko. Huwag ka nang magalit promise next time papayag na ako." ani ko sa kanya kahit alam ko sa sarili ko na natatakot ako sa gusto niyang mangyari........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD