CHARI
Tahimik kaming lumabas nang condo habang nasa biyahe ay walang gustong magsalita sa aming dalawa haggang sa malapit na kaming makarating sa lugar namin. Hindi na ako nakatiis at ako na ang unang bumasag nang katahimikan.
"Babe, galit ka ba?" tanong ko sa kanya. Parang wala siyang balak sumagot sa akin kaya inulit ko na naman ang tanong ko. "Babe, galit kaba sa akin? Sagutin mo naman ako, please!" muli kong ani.
"Pwede ba Chari, ayaw ko sa girlfriend na masyadong manang, ano sa tingin mo ang nararamdaman ko ngayon?" naiinis niyang sagot sa akin.
"I'm sorry na, next time pag hahandaan ko na. Alam mo naman na wala pa akong experience diba ikaw ang unang boyfriend ko kaya natatakot ako. Please! Wag ka nang magalit, bati na tayo." paglalambing ko sa kanya.
"Next time wag muna yon gagawin, kung gusto mong magtagal tayo. Hindi ako nakipag relasyon para makipag titigan lang sayo. We are adult and normal lang na ginagawa yon nang mga mag boyfriend." parang naiinis pa din na sabi ni Eli sa akin. Umoo na lang ako sa kanya at nang huminto na ang sasakyan niya sa kantong medyo malayo sa bahay namin ay bumaba na ako. Naglalakad na ako pauwi sa amin ng makasalubong ko sina Wena at Rachel, nginitian ko sila pero hindi man lang nila ako pinansing dalawa.
"Pwede ko ba kayong makausap?" sabi ko habang nakatalikod sila at naglalakad palayo sa akin. Nakita ko naman silang huminto kaya napangiti ako, subalit ang ngiti ay palitan din kaagad nang lungkot dahil sa sinabi ni Rachel.
"Wena, may narinig ka bang nag salita, para kasing may kaluluwang ligaw. Bilisan mo Wena baka mabales pa tayo dito." sabi ni Rachel na talagang kinalungkot ko. Yung dating masaya naming samahan at naging ganito na ngayon.
"Im sorry, patawarin niyo na ako, hindi ko naman sinasadya na masaktan kayo."nangingilid ang mga luha kong sabi sa kanila.
"Diba dapat masaya ka ngayon chari kasi balita namin kayo na ni Elijah, di ba nga kaya ayaw mo kaming kasama dahil sa kanya. Binibigay lang namin ang gusto mo. Kami na ang umiiwas para hindi ka naririrapang mamili. Madami na kaming nag ririnig about sa Elijah na yan kaya concerned lang kami sayo. Pero kung minasama mo ang sinabi namin wala na kaming magagawa , enjoy mo na lang ung company niya muka namang masaya ka at araw araw kayong lumalabas. Nalimutan muna nga si Tita Lourdes na samahan sa palengkle di ba." galit ang boses na sabi ni Wena sa akin. Hindi na ako nag salita at bigla na lang tumulo ang luha ko tumalikod na ako at pinagpatuloy ko na ang paglakad ko pauwi nang bahay namin.
Pag dating sa amin ay nakita ko si nanay na nakahiga sa sofa, mukang natutulog siya kaya hindi ko na inistorbo. Umakyat ako sa aking silid at nagbihis nang pambahay at saka ako bumaba. Dumiretso ako sa kusina para tignan kung meron na ba kaming kakainin para sa hapunan, nang makita ko na wala pa ay agad akong nagsalang nang kanin, binuksan ko ang ref para tignan kung ano ba ang pwede kong lutuing ulam. May nakita pa akong gulay at isda kaya ayun na lang ang inilabas ko upang iluto.
Nang matapos na ako ay saktong dumating si tatay galing sa pamamasada. Tinignan niya si nanay at ginsing niya ito para ibigay ang dala niyang pasa lubong na prutas dalandan at ponkan ang nakita kong iniabot ni tatay kay nanay. Nag hain na ako para sabay sabay na kaming makakain
"Nay, Tay, kain na po tayo." tawag ko sa kanila. Agad naman silang tumayo at lumapit sa lamesa saka na upo. Ipinag sandok ni tatay si nanay nang pagkain niya saka niya ito binigyan nang tubig. Laging ganito si tatay kay nanay, inaasikaso niya parati ang asawa niya bagay na ikinatutuwa ko. Malambing sa isa't isa ang aking mga magulang kahit pa medyo may edad na ang mga ito.
Nang matapos kami ay ako na din ang nagprisintang mag hugas, nang matapos ako ay nagpaalam na akong aakyat sa aking silid. Agad kong kinuha ang tgelepono ko para tigna kung may tawag ba o chat si Eli sa akin. Nalungkot akong bigla nang makita kong wala, marahil ay nagtatamo pa siya sa akin kaya ayaw niya pa akong pansinin. Dahil hindi pa ako makatulog kaya naisipan kong mag scroll ng pesbuk, nagtitingin tingin lang ako nang mga post nang mga kaibigan ko hanggang madaanan ko ang post ni Pearl ni shinare nang barkada ni Elijah. Nakita kong nag iinuman sila sa bar at may kasama silang mga babae at lalaki. Dumako ang paningin ko sa isang lalaki na nakaakbay sa isang magandang babae, nakasubsob ang lalaki sa dibdib nang babae na halos matakpan na ang buong muka niya. Bigla akong nagalit dahil ang lalaking naksubsob sa dibdib nang magandang babaae ay walang iba kundi ang boyfriend ko.
Dahil sa nakita ko halos magdamag akong umiyak, hindi rin ako masyadong nakatulog kakaisip kung anong ginagawa nila. Ganito pala kasakit kapag may boyfriend kana. Akala ko noon kapag nagka boyfriend ka ay puro saya lang, hindi pala ganun sa totoong buhay, bata pa ako at madami pa akong sakit na mararanasan. Kinabukasan kahit puyat at paga ang mata ko ay bumangon ako sa aking kama agad akong naligo para matanggal kahit konti ang pamamaga nang aking mga mata. Naabutan kong nag hahanda si tatay nang agahan ko pero wala na si nanay hinatid na daw ni tatay kanina sa pwesto namin sa palengke.
"Magandang umaga po tay," bati ko sa aking ama.
"Magandang umaga din anak, bakit parang paga yata ang mga mata mo? Umiyak ka ba?" magkasunod na tanong ni tatay.
"HIndi po tay, hindi lang po ako masyadong nakatulog kagabi gawa nang masakit ang ulo ko." pagsisinungaling ko kay tatay.
"Chari anak, napapansin namin nang nanay mo ang madalas na pag uwi mo nang gabi, ang mga pinsan mo ay maaga nakakauwi galing sa eskwela pero ikaw ay madalas na gabi na. May kailangan ka bang sabihin sa amin anak?" tanong ni Tatay, agad naman akong kinabahan dahil ngayon lang nagtanong ang tatay ko nang ganito.
"Pasensya na po tay madami lang po talaga akong ginagawa sa school, hayaan niyo po babawi po ako sa inyo ni nanay. Mahina kong sabi.
"Chari, hindi ka naman namin pinag hihigpitan nang iyong ina, pero sana lagi mong iisipin kung ano ang pinapangaral namin sayo. Okay lang magpaligaw pero sana wag munang mag bo- boyfriend. Alam kong dalaga ka na at pwedeng may nanliligaw na din sayo, pero anak alam mo sana ang mga priority m o sa buhay. Hindi kami habang buhay malakas nang nanay mo, kaya sana pahalagahan mo kung ano mang ang binibigay namin sayo. Lalo na yang pag aaral mo, yan lang ang kaisa isang bagay na mapapamana namin sayo na hindi mananakaw kailan man."pangaral ni tatay sa akin. Dahil sa sinabi niya ay parang na konsensya naman ako. Alam kong mali ang magsinungaling pero ito lang ang alam kong paraan para hindi sila magalit sa akin..............