CHARI Araw nang sabado ngayon maaga akong gumising at nag asikaso dito sa bahay balak kong tulungan si nanay sa palengke para makabawi ako sa kanya. Namimiss ko na din ang magtinda at makipag kwentuhan kay nanay kapag walang bumibili. Pagkatapos kong maglaba ay nagluto na ako nang tanghalian namin babaunan ko na din si nanay para sabay na kaming kumain. Masigla akong nagtatarabaho dito sa loob nang bahay nang may nag text sa telepono ko. Kinuha ko ito sa aking bulsa at binasa kung sino ang nag text, nakita ko ang pangalan ni elijah kay agad akong natuwa akala ko galit siya sa akin. "Chari, pwede ka bang pumunta mamaya sa bar bday ni Alex baka gusto mo akong samahan?" nabasa ko sa Text ni Elijah sa akin. "Anong oras ba ang celebration ni Alex sa bar, papunta akong palengke ngayon para ma

