CHARI Nakauwi ako sa amin sa tulong nang mga pinsan ko, mabuti na lang at wala na sa bahay ang mga magulang ko kaya hindi ko muna kailangan magpaliwanag sa kanila. Kasama ko lang ngayon dito sa aking silid si Wena at Rachel, hindi nila ako iniwan simula pa kanina. "Chari, isipin mo kung sino ang gumawa sayo nito? At kung paano ka nakarating sa motel at may katabing lalaki?" pilit na tanong sa akin ni Rachel na halos manggigil na dahil sa inis sa kung sino mang ang may kagagawan nang nangyari sa akin. "Hindi ko talaga alam, ang huling natatandaan ko ay nasa bar kami alam ko hindi ako lasing dahil ladies drink lang naman ang ininom namin pero hilong hilo at antok na antok ako. Maging ang mga kasama namin ay nakatulog na kahit si Mariz ay nakita ko pang nakayukyok ang ulo sa table hanggang

