CHARI Nakaupo ako ngayon dito sa harap nang table ko, ilang araw ko na kasing hindi nakakausap o nakikita si James hindi ko alam kung ano naba ang nangyari sa kanya. Dati rati naman ay lagi niya akong tinatawagan pero nitong mga nagdaan ay wala talaga siyang paramdam sa akin. Gusto ko siyang tawagan pero nagdadalawang isip ako baka kasi iba ang isipin niya. Hindi ako mapakali kaya kinuha ko ang telepono ko ang dinial ang number ni James ilang saglit lang ay narinig ko nang sinagot niya ang tawag ko. "Hello, chari napatawag ka." "Pasensya kana, naistorbo ba kita? Nag aalala kasi ako sayo ilang araw na kitang hindi nakikita baka kako may sakit ka kay tinawagan na kita." may pag aalalang sabi ko sa kanya. "Ayos naman ako, nandito ako ngayon sa Palawan hindi ko nga alam sa boss ko kung b

