Episode 11

3012 Words
Maaga kami nakarating ng Cebu. Bitbit ang kanya kanyang back up lumabas kami ng airport at sumakay sa isang kula itim na van. Isang babae ang nagbukas samin ng pintuan. Good morning po Sir! Nakangiti ito bati nito kay Luke. Ms. Karen ihatid kana namin sa bahay nuo. wag kana muna magreport sakin, Ilaan mo ang time mo sa pamilya mo. Sana na tayo mag usap sa Enero. Utos nya sa secretary nya. Yes Sir, maraming salamat po. Dumaan muna kami sa isang restuarant kumain at nag take out para sa pamilya ni Miss Karen at para na din sa tanghalian. Pagbukas ng gate kita ang mga magagandang bulaklak sa maliit na harden, malawak ang loob nitong bakuran ng bahay ni Luke. Meeon din itong malaking fish pond, ibat ibang kulay ng isda ang na fish pond nila. May puno ng mangga din at may duyan nakasabit dito, May tree house din ito sa ilalim merong mga upoan na nakapalibot sa puno. Agad na tumakbo si Ariel at pinanood ang mga isda sa pond. Hala,! ate ang gaganda nila at ang dami. Tuwang tuwa ang bata habang pinagmamasdan ang mga isda. Gawa ng kapatid kong si James ang mga ito. Madalas sya nakaupo sa duyan na yan habang nag papakain ng mga isda nya. Talaga po! ang galing naman nya Sir Luke. Oo yan ang hilig nya halos ang buong bahay sya din ang nagplano nyan. Halina kayo sa loob para makapagpahinga na muna kayo. Binuksan na ni Yaya ang main door. Mataas ang kesame nito. Maaliwalas ang buong bahay salamin lang ang dinding nito kaya kita ang labas kapag inawi ang mga kurtina. Meron malaking hagdan paakyat. Umakyat kami at tinuro ni Luke ang mga kwarto. Lima ang kwarto nitong bahay nila. Tatlo sa kanan at dalawa naman sa kaliwa. Ang pinakadulo ang kwarto ni Luke sa kaliwa. At dito ako nagkapwesto sa katabi ng kwarto nya. At sina Ariel at Jane sa harap ng kwarto ko. Luke ok na kami na mag sama ng iisang kwarto. Sanay na akong kasama ko sila. Hindi kayo magkasaya sa kama pang dalawahan lang ang mga kama dito. Di sa upuan nalang ako. Pwede naman yon ah. Gusto kong komportable kayo sa pagtulog habang dito kayo sa bahay ko. May banyo ang bawat kwarto dito kaya. Kahit anong oras ang naisin nyo maligo pwede. May aircon din kaya masarap ang tulog sa gabi. Pumasok na ang magkapatid sa kwarto nila, naiwan ako sa labas at susunod na sana sa pagpasok. Hinila ni Luke ang kamay ko at binuksan ang pintuan ng kwarto. Ito ang kwarto mo Bea. Nakaharap ito sa harden alam kong gusto mo ang mga bulaklak. Pinatong nya ang backpack ko sa kama at binuksan ang kurtina na naka takip sa bintana. Hali ka tingnan mo. Sa paggising mo ito agad ang makikita mo dito. Pwede ka din makalabas ng terrece. Hinawi nya ang kurtinang at binuksan ang pintuan ng terrece. Lumabas sya doon at niyaya ako. Di ba ang ganda., Si Yaya ang nag aalaga ng mga halaman dito. Napapangiti ako sa ganda ng mga bulaklak. Sari saring kulay ng mga ito. Dito kami madalas nag kakape nila dad kapag nandito sila. Ah, kaya pala. Bakit wala sila dito ngayon. Nasa US sila nagpapagaling si Mom. At si James sya ang naiwan doon para mag asikaso ng business. Halos inuumaga na kami dito sa terrece na ito. Gusto mo na bang magpahinga muna? Hindi pa naman ako pagod pero gusto kong maligo at may katawag sa mom ko. Sege papasok muna ako sa kwarto. Agad naman sya umalis. Naligo ako at tumawag sa mom ko.. Hello! mom Hi Baby how are you.. Kamusta naman ang gala nyo dyan sa Cebu? Maayos naman po mom. Ayos lang naman ang tinutuloyan namin dito. Baka bukas pa kami mamasyal. Ahmmmm. mag enjoy ka ha. Wag kang mag alala mula ngayon kung saan ang gusto mo mapupuntahan mo. Eh Mom paano po si Dad di ba sya galit? Dont worry anak ako bahala sa Dad mo. Eenjoy mo habang malayo ka sa amin. Wag mong isip ang tubgkol sa bagay na iyan. Thank you Mom. I miss you. I miss you to baby. Im sorry baby I need to go na. Ingat ka at enjoy. Yes mom thank you so much. Bye! Pinutol ko na ang tawag. Tinanggal ko ang towel sa ulo, sinuklay suklay ang buhok habang nakaharap sa salamin. Naglagay ng konting pulbo sa mukha. Nagpasya akong puntahan ang magkapatid sa kabilang kwarto. Pero pareho sila tulog. Dahan dahan kong sinarado ang pinto at bumalik sa kwarto ko. Lumabas ako sa terrece at naupo sa upoan. Pinagmamasdan ko ang mga bulaklak at buong paligid. Halos isang oras akong nakaupo doon ng mag isa. Nakaramdam ako ng antok kaya pumasok ako at nahiga sa kama. Hello James kamusta kayo dyan si Mom nagtetherapy ba sya? Okay naman kuya may improvement na si Mom. Nakakatayo na sya kahit papaano. Inaantay nga pala ni Mom ang tawag mo bakit di ka dw nagparamdam ng pasko. Walang signal doon sa pinuntahan namin. Galing ako ng Momboo resto. Aba! narating mo na sin pala yon kuya? Oo bro pinapunta ako ni Karl doon , grabe ang ganda pala ng fall at my isang tagong barrio sa likod noon. Oh! talaga tol masaya din, Malamang bro. hindi nabankante ang camera mo. Parang gusto ko ngang balikan yon. At may nakilala akong babae . Wag na wag mong sabihin kay Dad ha. Aba! sino ba ang babalikan mo doon bro ang lugar o ang babae? Parang in love kana tol. Nakita mo ba ang babae dyan yong hindi ko pa natapos sa pag paint? Sya yong nakita ko. Hahahaha kaya pala hindi ka umangal na ikaw ang mamahala dyan sa factory. Yong pala ibang factory ang gusto mong palalaguin ha. Psstttt! wag kang maingay dyan baka marinig ka ni dad. Wag na wag mong sabihin kay dad ang tungkol dito. Abaa! may ganun kana ngayon ha. secrect ba yan!. Eh papaano kung malalaman nila Dad. Kaya nga wag mong sabihin. Magagalit sila. Kuya binata ka at hindi pa kasal. wala namang prolema doon. Hindi nga pwede, basta hindi pa sa ngayon. Wala naman magagawa si Dad kung may gusto kanang babae. Sira ulo ka James wag na wag mong masabi sabi yan ke Dad. Bakit nga hindi hahahhaa.takot kaba tol? ako ang bahala bro pagnalaman nila. Hapon na akong nagising. Lumabas ako ng kwarto at sumilip sa kwarto ng mag kapatid pero wala na sila doon. Bumaba ako sa at natungo sa kusina. Naamoy ko ang nilulutong ulam ni Yaya, at narinig din akong tawanan sa kusina. Gising kana pala? tanong ni Luke. Umupo ka na at magmerienda maraming niluto si Yaya. Mukhang masarap nga ito. inabutan ako ni Jane ng isang platito at tenidor. Ibat ibang klasing kakainin. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko sa pagkuha. Ito ate masarap ito may manggang hinog pa sa ibabaw. Binigyan ako ni Jane. Sinubo ko ito ang dahan dahan nginuya. Pakiramdam ko lumututang ako sa ulap sa sarap ng kinakain ko. Di ba? ang sarap ate? Hmmmm,, oo nga grabe ang sarap nito. Kumain lang kayo ng kumain niluto ko talaga yan sa inyo. Nagkwekwentohan kami at nagtatawanan sa mga kweto ni Yaya. Naunang tumayo ang magkaptid at lumabas ng bahay upang magpahangin. Titig na titig si Luke habang kumakain ako. Luke tigilan mo ako.! Mang aasar ka na naman. Inaantay lang kita para makapasyal na tayo. Lakas mo kumain, baka tumaba ka na bago makabalik ng Isla. Ewan ko sayo! ano naman kung tumaba ako. Wala kang pakialam doon. Problema ko na yon kung tumaba ako. Nagsusungit ka na naman. Dapat pangalan mo Sungit hindi Bea. Antayin ka nalang namin sa labas. Lumabas kana nga naiinis na ako sayo. Tinapos ko na agad ang pagkain ko pagkalabas nya. Naghugas ako ng kamay. Umakayat muna ako sa kwarto upang magtootbrush at magbihis kasa bumababa. Lahat sila naka upo paikot sa ilalim ng mangga. Habang naghihintay sakin. Tara na nagyaya na si Luke para sumakay sa van. Binuksan nya ang pintuan ng van at isa isa kaming pumasok. Huminto ang van na sinasakyan namin sa harap ng china town. Mataas ang lugar na ito. Sa bungad makikita ang isang malaking estatwa na dragon. Sa pinakamataas na parte ang chines temple. Wow! ang ganda dito sir Luke. May ganito pala dito sa Cebu. Oo isa ito sa dinadayo ng mga torista dito sa Cebu. Malawak ito at maraming pasyalan dito. Masasarap din ang mga pagkain dito sa mga restuarant. Talaga po! Kaya pala pakulay ang kapaligiran nito. Lalo na sa chines new year mas maganda dito. Halos magdamag ang palabas nila dito. Hindi pa din sya nagsasawa kakabitbit ng kanyang camera. Halos buong area na ang nakuhanan nya. Masaya akong pinagmamasdan ang kapaligiran. Tanaw ang magagandang tanawin sa baba mula sa taas nito. Tanaw din ang kulay asul ng katubigan. Halos mag tatlong oras kami naglagi sa china town.Bumababa na kami ang sumakay ng van papaalis. Halos isang oras din ang beyahe namin ng marating ang susunod namin puntahan. Ano ito? Luke ano meron dito. Sarado na parang malaking bodega? Hindi yan bodega. Ito ang factory namin dito sa Cebu. Manggo juice ang production dito. Dito ako nagtatrabaho. Si dad ang may ari nitong factory, tinulungan ko lang sya. Isang guard ang nag bukas samin. Good afternood sir. Bati ni manong guard with a big smile. Pumasok kami sa loob, inikot nya kami sa buong factory area. Oh wow! grabe ang laki laki naman nito Sir Luke. Kaya nga factory ang tawag dito Ariel. Wala namang factory na maliit lalo na kung juice ang mga producto nito. Sir Luke di ba mahirap magpaandar ng malalaking makina nito. Hindi naman Ariel maraming tao ang gumagawa dito mabilis ang pag andar ng makina. Pagkalumaki kana pwede ka magtrabaho dito. Talaga po! Sir Tuwang tuwa si Ariel sa akikipag kwentohan kay Luke. Kita sa mga mata ng bata na puno ng pangarap. Umakyat kami sa hagdan pa punta kami kanyang office sa pangalawang palapag. Mula sa malaking bintanang salamin kita ang abot kesaming mga kahon kahon. Merong malalaking mixer, Maraming mga latang nag aabang na malalagyan ng laman. Tahimik ang buong lugar dahil nakabakasyon lahat ng mga trabahador. May mga kaunting papeles na sinilip si Luke. Saka nag yaya na itong lumabas ng Factory. Inabutan ni Luke ng pera ang guard. At agad naman itong napasalamat. Sakay kami ng van huminto kami sa tapat ng restaurant. Seafood restaurant ito. Nag order si Luke ng isang seat ng eat all you can. Tabing dagat itong restaurant. Humahampas ang malamig na hangin mula dito. Sa ilang minutong paghihintay dumating na din ang order namin. Nakablot sa dahon ng saging kanin. May mga sawsawan din na my sili. May buko juice din sya inorder. Kumuha ako ng kanin ang binuksan ito. Umuusok at ang bango. Hipon at mga kabebe ang kinuha ko para di na ako mahalata na hindi ako marunong pagdating sa alimango. Halos lahat ng tao ay nakamay at my glove ito na plastick. Naku ate! hindi ka makakain ng alimango hehehehe. Pstttt! Ariel ano ba! ang daldal mo talaga tikom mo yang bibig mo kung wala kang matinong sasabihin. Ako na bahala sa ate mo, basta kumain lang kayo ng kumain ubosin natin to. Pakiramdam ko namula ang buong mukha ko sa sinabi ni Ariel. Ikaw talagang bata ka ang cut cute mo! Pinapahiya mo na naman ako hmmmmm. Nandyan naman po si Sir Luke para himayan ka ate. hahaha Ito na po mahal kong prinsesa na di marunong maghimay pero magaling kumain. Nagtawan pa silang tatlo. Luke ano ba! mang iinis ka na naman eh. Wag kana mainis ate swerte mo nga at may naghihimay pa sayo. Ang sweet nga eh. Pinagtutulungan nyo na akong tatlo ah. Walang masama kung tatanggapin mo ang katutuhanan. Ano naman ngayon kung di ka marunong. Hindi lang ikaw hindi marunong nito, Alin ang nakakahiya ang may naghihimay sayo? or nakatitig kalang sa alimango habang kami nagsasaya sa pagkain nito. Oo na po! talo na naman ako. Okay pang naman ako sa hipon at tahong nag abala ka pa. Seguro mayaman ka? at hindi ka naturuan ng nagpalaki sayo kung papaano kumain nito. Nagtinginan kaming tatlo at nagkaintindihan na. Hindi na kami nag uusap hanggang sa matapos sa pagkain. Pinindot ni Luke ang remote ng gate at nagbukas ito. Halos mag dilim na ng makarating kami sa bahay. Agad akong nagpunta ng kusina at inabot ang pagkain na take out namin para kay Yaya. Aba! may pasalubong pa kayo. Kamusta naman ang pamamasyal nyo? Masaya naman po Yaya, nagpunta kami sa china town at sa factory. Tuwang tuwa nga po si Ariel ng makapasok sya sa factory. Bata pa sya kaya medyo mababaw pa ang kaligahan. Kakatuwang bata yang si Ariel, Halos di mo nakikitaan ng kalungkotan ang mukha. Ay opo Yaya sya lagi ang nagpapatawa sakin sa tuwing malulukot ako. Ipaghain ko na kayo, baka nagugutom na kayo? Hindi na po kumain po kami sa labas. Ah ganun ba. O sya sege magpahinga na muna kayo. Umakyat ako sa kwarto nais kung maligo para guminhawa ang pakiramdam ko. Ng pumasok ako sa kwarto nakita kung bukas ang pintuan ng terrece at naka upo sa labas. Sinilip ko sya at nakapikit ang mga mata nito. Ayaw ko sya eatorbuhin bumalik ako sa loob ng kwarto at nagpasyang maligo na. Halos isang oras akong nasa loob ng banyo. Nakabalot ang buhok ng tuwalya lumabas ng terrece. Pero wala na si Luke. Sinampay ko ang tuwalya at dahan dahan sinuklay ang buhok. Tok! tok! tok! Nagbukas ang pinto at pumasok ang magkapatid na katatapos lang din maligo. Ate mangada pala dito sa terrece nakatapat sa harden. Oo Jane di ba maganda din yong sa terrece nyo? Oo ate kita ang mga malaking aquarium dun sa ibaba at maliwag sa gabi. Tuwang tuwa nga si Ariel dun. Sayang lang wala sila nanay. Segurado akong matutuwa yon sila. Marami palang magaganda dito sa Cebu. Noon pa man gusto ko ng makarating dito. Masaya ka din ba ate, pakiramdam ko kasi parang hindi eh? Oo masaya naman ako Jane. Kaso may kasama tayong magaling mag inis. Daig pa nya ang mga body guard ko. Ang kaibahan lang maalaga sya. Ayeeee! si ate.... Psttttt! Luke wag ka sabat ng sabat sa kwentohan ng matatanda. putol ni Jane sa kay Ariel. Opo! ate hehhehe.. Wag kang maingat marinig tayo baka natutulog na si Luke. Sunod na araw na ang balik natin sa Isla bumili tayo ng pasalubong bukas pasama nalang tayo kay Yaya bukas. Ako na lang ang sasama sa inyo pagod pa yon si Yaya. Nagulat kaming tatlo ng bigla nagbukas ang puntuan ni Luke. Ayan na naman sya halos araw araw nalang naiinis ako pagnakikita ko ang mukha nya. Nakasimangot akong nakatingin sa kanya. Oo nga ate kawawa naman si Yaya. Si Sir Luke nalang para may taga bitbit pa tayo. ha haha Ano pa nga ba magagawa ko. Sya naman ang nasusunod eh. Magaling kang bata bukas may premyo ka sakin. Talaga po Sir Luke. Oo naman ano ang gusto mo? Ahhhhh gusto ko po ng laruan yong car na may remote, hehehe Hoy! Ariel mahal yon nakakahiya ka! Saway ni Jane sa kapatid nya. Naku mura lang yon hayaan mo na Jane bata yan at ako din naman ang may sabi na bibigyan ko sya ng premyo nya. Basta mabait ang bata sakin lagi may premyo yan. Yeheeee! salamat po Sir... Mabait naman talaga ako ate di ba ate Cindy. Oo naman mabait ka madaldal nga lang. hmmmmm Aray! ate ayan ka na naman. Paano benibenta mo na ako. Hindi ah, hehehe si Sir naman po ang nagtanong sakin eh. Oo na may magagawa pa ba ako? Bumalik na sa kwarto ang magkapatid halos mag alas newebe na ng gabi kaya inaantok na si Ariel. Naiwan kami ni Luke sa terrece. Hmmmmm basag nya sa katahimikan. Bea? okay lang ba kung ligawan kita? Nagulat ako sa sinabi nya, pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig. Halos tumakas ang puso ko subrang kaba. Napahawag ako sa dibdib at pili na pinapakalma ang puso kong nagwawala na. Pakiramsam ko nauubusan ako ng oxygen na malalanghap sa subrang kaba. Hindi ako nakakilos at hindi din ako nakapagsalita agad. Huh! eh anohhh hindi pwede. Bakit? may boyfriend kana ba? Wala! maraming iba dyan Luke wag ako. Hindi mo alam kung ano ang tunay na buhay ko. Oo nga di ko alam ang lahat sayo, bakit hindi pwede? pwede naman na kilalanin muna natin ang isat isa. Nakasimangot nyan bulong. Basta! ayaw kong magpaligaw magulo ang buhay ko. Kelan lang tayo magkakilala, tapos mangliligaw kana agad? Okay lang naman na maghintay ako. Kung ayaw mo pa sa ngayon. Ewan ko sayo Luke maghintay ka sa wala. Tahimik syang naka upo sa tabi ko. Nagkatingala sa mga bituin sa langit. Na parang naghihintay ng isang himala. First time kong makarinig ng ganun salita, halos di ko maiwari ang nararamdaman ko. Dinig ko ang kanyang buntong hininga. Halos kalahating oras kaming hindi nagkikibuan. Bumalik na sa normal ang t***k ng puso. Winaksi ko sa aking isipan ang mga sinasabi nya. Luke malalim na ang gabi hindi kapa ba inaantok? Basag ko sa katahimikan namin dalawa. Umiling lang ito at hindi man lang ako tiningnan. Nakapatay ang ilaw sa terrece para kitang kita namin ang mga bitiin sa kalangitan. Sege mauna na akong matulog kung ayaw mo pa. Tumayo na ako upang pumasok sa kwarto. Bigla nalang may humawak sa mga kamay ko para pigilan akong pumasok. Hinila ako paupo ulit sa upuan. Luke! ano ba! bitawan mo ang mga kamay ko. Gusto ko nang matulog. Pero wala syang narinig at pinipilit akong pinapaupo sa tabi nya. Luke,, please bitawan mo na ang kamay ko. pagmamakaawa ko sa kanya. Gusto ko nalang makalayo sa kanya. Tumibok ng mabilis ulit angn puso ko sa mga kilos nya. Ayaw kong mahalata nyang kinakabahan ako. Wala akong nagawa kaya umupo ako ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD