Mag aalas kwatro ng madating araw pero hindi pa ako dinadalaw ng antok.
Hindi ko maintindihan ang nararamdam ko sa hayagan na pagpaalam sakin ni Luke. Kinikilig ako pero pilit kong nilalabanan ang lahat ng nararamdaman ko. May gusto ako sa kanya pero natatakot akong pumasok sa isang relasyon. Na alam kong may plano na ang ama ko para saking magiging asawa. Takot akong baka masaktan ko lang sya. Hindi pa kaming magkakilala ng matagal, ayaw kong masaktan at ayaw ko din makasakit ng iba. Paikot ikot lang ako sa kama ng halos magdamag Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng kanyang pintuan. At mga yabag nya na pababa ng hagdan. nakiramdam ako kung babalik sya agad. Gusto ko na din sana bumaba pero ayaw kung magkasalububgan kami. Naghintay pa ako ng ilang mga minuto.
Good morning Yaya.
O! Luke bakit ang aga mong nagising?
Hindi pa po ako natutulog.
Bakit? nakung bata ka bakit nagpuyat ka?
Hindi ako makakatulog Yaya.
Kumain kana ng almusal at matulog kana, Di ba may pupuntahan pa kayo?
Opo Ya. gusto ko lang ng gatas at tinapay.
O sya sege at ipagtimpla kita.
Mukhang broken haerted ka Luke?
Ano pa nga ba Yaya, ganun nga yon.
First time kung magkagusto at mangligaw basted agad.
Ano? baka binigla mo naman. Alam mo ang mga babae hindi dapat pinipilit.
Nagpapaalam palang ako Yaya Hindi na agad ang sinagot sakin. Paano ako makakaligaw kung paalam palang inaayawan na ako.
Hahahaha! Nakung bata na ito. Wag ka kaagad mawalan ng pag asa, ang pangliligaw hindi basta basta sinusuko. Lalo na kung mahal mo. Ang pag ibig minsan may kabiguan pero madalas nag wawagi. Bakit hindi mo hintayin.
Maghihintay naman ako Ya kung kelan sya pwede ligawan.
Kumain kana at matulog muna. Pagkagising mo mamaya gagaan na ang pakiramdam mo.
Salamat Ya, Pariramdam ko magkinakatakot sya.
Ikaw di kaba matatakot kung malalaman ni Dad mo na may iba kang babaeng nagustohan?
Naku! Ya wag na wag mo mabanggit ke Dad kahit kay Mom. Ayaw kong magtampo sila sakin.
Oh di ba may takot ka din.
Oo Ya, basta ako na ang bahala magsabi sa kanila kung sasagotin na ako.
Sege,, kung yan ang pasya mo. Sa ngayon magpahinga ka muna. Para maipasyal mo pa sila mamaya.
Bahagya na nakaramdam ng antok si Luke kaya pagkatapos ng almusal umaakyat na sya sa kwarto at natulog.
Narinig ko ang pagsarado ng pintuan nya. Alam kung sya iyon, wala na akong narinig na kahit anong ingay mula sa kwarto nya.
Dahan dahan akong bumangon at bumababa sa kusina. Nadatnan kong nag huhugas si Yaya ng pinagkainan nya.
Aba Bea bakit hindi pa kayo nagsabay ni Luke mag almusal. Kakaakyat nya lang. Mukhang di ka pa din ata nakatulog ah?
Opo Ya naalala ko lang Mommy ko, palusot ko pa sa kanya.
Ah... Bakit malayo kaba sa kanya? Ilang araw palang kayo dito na miss mo na agad.
Matagal na kami hindi nagkikita Ya. Nasa Thialand sila, May apat na buwan na din hindi kami magkasama.
Bakit hindi ka umuwi or sila ang pumunta dito.
Ah eh hindi pwede Ya. Uuwi din ako sa amin pero hindi pa sa ngayon medyo mainit pa ang setwasyon dun.
Oh! okay. Ano ang gusto mOng kainin.
Gatas at tinapay na lang Ya.
Ay! ganyan din ang kinain ni Luke kanina. sana nagsabay nalang kayo. Maganda yan para marelax ka mamaya pag akyat mo sa kwarto.
Kinuhanan ak ni Yaya ngbtinapay at pinagtimpla ng gatas.
Gusto mo bang toasted bread? meron dito mas masarap ito ipartner sa mainit na gatas.
Nilapag ni Yaya ang gatas at toasted sa harapan ko.
Isawsaw mo ang toasted sa gatas.
Turo pa nya sakin.
Sinununod ko na ang turo nya. Aba! ang sarap nga nag aagaw ang tamis at alat nito. Mas malinamnam ang lasa kesa ordenaryong tinapay lang..
O di ba ang sarap.
Opo Ya hmmmmm Sunod sunod ang sawsaw at kagat ko sa toasted. Halos naubos ko ang isang supot. Nang maubos na kinuha ni Yaya ang tasa para hugasan na. Naghugas na din ako ng kamay pagkatapos umakyat na sa kwarto.
Pinihit ko ang door knob. At tinulak ng dahan dahan papasok ang pinto. Nagulat ako na nakahiga na si Luke sa kama.
Luke! Bakit dito ka natutulog may kwarto ka naman ah.
Agad nya akong hInawakan ang kamay ko at hinila.
Sa subrang lakas ng hila nya kaya napadapa ako sa ibabaw nya.
Luke! Aghhh! Padapa akong bumagsak sa ibabaw nya.
Gusto ko nang maglaho sa mundo sa ganun posisyon namin. Nakapatong ang dibdib ko sa dibdib nya ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso nya. Halos maglapat na dinang aming mga labi. Pilipilit kong hindi kumirap. Natatakot akong maglapat ang mga labi namin. Pinilit ko magmakabawi ang bumangon. Luke! Bitawan ko ako. Ano! pero lalong pa nyang hinigpitan ang pagkayakap sakin. Lalo akong kinabahan at hindi na makagalaw pa. Hindi na din ako makahinga ng maayos dahil magkalapat na ang aming mga ilog.
Bigla nya pibapalit ang pwesto namin kaya napailalim ako.
Luke ano ang ginagawa mo? Bulong ko sa kanya na may nginig ang tinig.
Wala matutulog na.
Matutulog eh nakadapa ka dyan. Bitiwan mo na ako dun ka matulog sa kwarto mo.
Eh kung ayaw ko may magagawa kaba? Ilang beses na tayo magkatabi matulog di ba.
Ang bastos mo Luke! umalis kana dyan ang bigat mo kaya.
Napapikit na ako dahil hindi ko na makakaya pa para na akong natutunaw sa mga titinig nya.
Naramdam ko nalang ang.paglapat ng mga labi nya sa noo ko. Luke,,,,,,, tigil mo na yan. Bulong ko sa kanya. dahan dahang bumaba ang mga labi nya sa pisngi ko at lumipat pa sa kabilang pisngi. Halos nalulunod na ako sa mga halik nya. Ramdam ko sa sarili ko na bibigay na ako sa ano mang oras.
Maghinihintay ako kung kelan ka handa magiging handa. Ayaw kong sa ibang lalaki ka mapunta. Ngayon lang ako nagkagusto sa isang babae. Hindi ako nakatulog magdamag sa kakaisip kung bakit ayaw mo akong ligawan kan. Bulong nito sa taenga hinalikan pa din ang leeg ko.
Nanginginig na ako sa takot. At pagpipigil sa sarili na sumunod sa gusto nya.
Luke tama na. please wag mong gawin sakin to.,,, Baka ipapatay ako ng Dad ko pagnalaman nya ito.
Kung yan lang ang kinakatakot mo kaya kitang itago kahit sa pinakamalalim na kweba para lang hindi ka nya makita. Kaya kita protektahan laban sa mga taong mang aapi sayo.
Ramdam ko ang Ko ang kapusukan nya pero hindi ako papalalo sa kanya.
Bumaba na sa balikat ko ang mga labi nya. Damang dama ko ang init at mapangahas nya hininga. Hawak nya ang mga kamay ko ng isa nya kamay at yong isan naman nakatukod ito sa kama.
Luke! wag tama na tigilan mo na yan.
Lumapit ang namumula ng mga pisngi sa mukha ko kaya agad akong napalikit. Luke! ayaw ko na please tama na pag mamakaawa ko.
Hinalikan pa ako ng madiin sa noo at kasa sya bumagsak sa tabi. Yakap yakap pa din nya ako.
Im sorry Bea mahal kita kaya nagagawa ko ang ganito. Pero hindi ko kayang sirain ang hindi pa dapat. Maghihintay ako sayo sa tamang panahon na maging handa kana. At maikasal tayo.
Hindi ko namalayan ang pagtulo ng akong mga luha. At napapayakap na din ako sa kanya.
Akala ko hindi mo na ako pakikinggan. Habang umiiyak sa kanyang dibdib. Luke hindi ko maipapangako na magiging tayo., hindi mo alam kung sino ako at kung anong pamilya ang meron ako. Ayaw kong masaktan at ayaw ko din makasakit. Luke ikakasal na ako pag uwi ko sa lugar namin. May nakalaan na ibang lalaki para pakasalan ako. Im sorry Luke. huhuhu.
Halos basa ng ng mga luha ko ang kanyang dibdib. Hinimas himas nya ang buhok ko. Na parang batang paslit.
Magtiwala ka lang Bea sakin, ako ang bahala sa lahat. Kaya kong harapin ang lahat ng pagsubok para lang sayo.
Hindi mo alam ang sinasabi mo Luke.
Basta magtiwala ka lang wala kang ibang pagkakatiwaan kung ako lang. Kaya kitang buhayin at ipagtanggol sa kahit sino.
Patulog pa din tumuluto ang mga lyha kp hindi pa din bumibitaw sa magkakayakap sakin. Pakiramdam ko naka hanap ako ng isang taong magproprotekta sakin.
Meron na akong sapat na ipon para mailayo ka. Iuwi kita ng US para makalayo ka dito. Seguro naman bago ka makita ng Dad mo may anak na tayo nun.
G*go! sira ulo ka! kung ano ano iniisip mo. Maraming pera ang Dad ko may mga bussiness din sya sa US halos lahat ng mayayamang bansa may negosyo sya. Sege nga paano mo ako mailayo.
Ay di dun tayo sa hindi nya maisip na nadun tayo. Sa isang lugar na walang nakakilala satin. Kung gusto mo naman bibili tayo ng Isla yong tayong dalawa lang ang tao hehee.
Sira ka talaga Luke. Ang dami mong alam.
Nakapikit kami magkayap at nag kwekwentohan. Pinsan seryoso ang pinag uusapan at pinsan naman natatawanan. Halos wala kaming paki alam sa paligid, hindi namin namayalan na nakatulog na kami sa ganun posisyon.
Ate Jane bakit wala pa din si Ate Cindy at Sir Luke gusto ko ng mamasya eh.
Tulog pa nga daw sabi ni Yaya umaga nandw sila nakatulog. Manood ka nalang muna sa iPad kung gusto mo naman dun ka sa terrece para makita mo ang mga isda.
Mag aala una na naghapon tulog pa din sila.
Gusto mo naman yayain natin si Yaya para sya nalang ang kasama natin gumala.
Hehehe pwede ba yon Ate?.
Ewan ko, subukan mong mag paalam sa kanya.
Pumayan naman si Yaya na ipasyal sila kahit sa park pang ng villa.
Nangawit na ang leeg ko sa walang galawang pagkatulog. Magkayakap pa din kami ni Luke. Halos hindi ako makapaniwala na magkayap kami habang natitulog. Mugto ang mga mata ko sa kakaiyak. Hinawi ko ang mga buhok nyang nakatakip sa kanyang noo. Tinititigan ko sya nga matagal. Nilalaro ko ang matangos nya ilong, ang kwapo mo Luke. Pero may nakalaan na para pakasalan ako.
Hinimas himas ko ang kanyang pisngi. Pinatulay ko ang hintuturo sa kanyang matangos na ilong Pati na din sa mapupulang mga labi nito.
Bigla bumuka ang kanyang bibig at muntik ng makagat ang daliri ko.
Aghhh. Luke ano ka ba. Hinampas ko ang balikat nya.
Kanina pa ako gising. Pinalalaruan mo na nga ang mukha ko eh. Bakit nagwagwapohan ka ba?
Sira ulo ka Luke!. May balak ka pang kagatin ang hintuturo ko. Kapal mo eh noh?
Agad nya ako hinalikan sa pisngi. Hoy! namimihasa kana kakahalik. Tandaan mo hindi pa ako nag oo sayo. Masyado kang mabilis ah.
Hehehe hindi pa ba? masaya lang ako pagkatabi tayong matulog dito sa bahay ko. Wag kang mag alala hindi kita iiwan. Hehehehehe Bakit kasi di mo pa ako sinasagot?
Hay! ewan ko sayo Luke makulit ka.
Bumangon kana dyan akala ko ba ipapasyal mo pa kami at may pangako ka pa sa bata.
Opo, di ko nakakalimutan yon basta pinangako binibigay ko. Pwede bang wag ka nalang sumama sa kanila pabalik ng Isla?
Ano? hindi pwede magagalit si Yaya sakin. Sira ulo ka! hindi pa ako nasisiraan ng bait na papayag sa gusto mo. Hindi mo ako girlfriend at lalong hindi mo ako asawa, para magpapasakop sa kagustohan mo. Nakahalik ka lang ka lang kala mo pag aari mo na ako. Bulong ko pa.
Hehehe gusto mo totohanin na natin. Walang masama dun nasa wastong edad na tayo.
Tigilan mo ako Luke! walang tayo kaya magising ka sa masamang panaginip mo.
Okay lang kung nanaginip ako at wag na magising kung ganito naman ka ganda ang kasama ko.
Hinampas ko sya ng hinampas sa dibdib para bumangon.
Aray! hinuli nito ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit.
Bumangon kana kasi nag aantay na sila sa labas anong oras na.
Bakit kasi hindi mo ako pinatulog ng magdamag.
Sira ulo! hindi ko kasalanan yon ikaw ang may gusto noon. na hindi matulog. Wag mo isisi sakin.
Ah wala ka palang kasalanan ha! Sege matulog nalang tayo ulit.
Niyakap nya ako ng mahigpit at pinikit ang mga mata.
Luke! naman eh ang kulit kulit mo bitawan mo ako. Ayan ka na naman eh. Baka may pumasok dito g*go ka talaga.
Eh ano naman kung makita nila tayo. Totohanin ko na kaya para di kana makauwi ng Isla.
Sabay pinaghahalikan na naman ako sa pisngi at leeg.
Hmmmm Luke! Ayaw ko tama na. Halos nadadala na ako sa ginagawa nya. Ayaw! ko nga eh sisigaw na ako, kung ayaw mo akong tigilan.
Eh kung ayaw kung tigilan may magagawa kaba? Di sumigaw ka para malaman nila na magkasama tayo dito sa kwarto mo, hehehehe. Lalo akong naiinis sa kanya.
Ano ba kasi ang gusto mo! bakit ayaw mo akong pakawalan.
Hindi tayo lalabas ng kwarto kung wala akong marinig na magandang sagot sayo. Bahala ka dyan dito lang tayo sa loob.
Naglalaban ang puso at isip ko ayaw ng isip ko sa kagustohan nya pero ang puso ko pilit na sumasang ayon sa pinaggagawa ni Luke. Halos lunod na lunod na ako sa masayang nararamdam ko.
Nagugutom na ako Luke. Baba na tayo.
Ayaw walang kakain at lalabas ng kwarto.
Ano ba kasi! Luke ano ang gusto mong sagot kakainis kana.!
Basta kung masasagot mo ako saka na tayo lalabas at kakain.
Nagtagal pa ng sampong minuto ang pagkayakap nya. Ngunit di ko na kaya magpigil pa naiihi na talaga ako.
Luke?
Hmmm?
Naiihi na ako baka pwede na akong makapag CR man lang?
Hindi dito lang tayo.
Hindi ko na kaya. Sege ka pag hindi ako na ihi magkakasakit ako ulit. Kung ayaw ko naman mag ospital ay dito nalang ako iihi sa kama. Ikaw din pagnapa ihi ako dito mababasa ka. Pang uuto ko sa kanya para makaalis na ako.
Sege umihi ka lang dyan, may pangbili naman ako para palitan ang kama. Pag nagkasakit may pangbayad din ako sa ospital. Kaya ayos lang kung saan mo trip.
Dugyot mo! Mababasa ka nga eh. Yabang yabang mo naman.
Pag nabasa ako maliligo lang ako tapos malinis na ulit.
Sege na please! bitawan mo na ako.
Ayaw! sagotin mo muna ako.
Alam mo ikaw! nanghaharas kana. Ganyan kaba talaga sa mga babae.?
Hindi sayo lang, at ikaw lang. Ayaw kong maghiwalay tayo ng hindi malinaw ang lahat satin.
Akala ko ba maghihintay ka, bakit ngayon nagmamadali kana?
Maghihintay ako sa isang bagay, at kung kelan ka magiging handa. Ang gusto ko lang sa ngayon may panghahawakan ako sayo bago ko kayo ihatid sa Isla.
Ay di! nagmamadali ka nga.
Nagmamadali ako kasi ayaw kung maunahan ng iba. Maganda ka at alam kong maraming nagkakagusto sayo.
Eh meron na nga naka una sayo. di ba sinabi ko sayo. Di pa ikakasal na ako.
Hindi pa kayo kasal. Kaya sakin kana ngayon hindi na sa kanya.Hindi ako papayag na makasal kayo.
Sira ulo ka! nang aagaw ka ng hindi sayo Luke.
Hehehe ganun talaga ang laban kung sino ang mabilis sya ang magwawagi.
Bumangon na tayo hindi ko na talaga kaya sasabog na ang pantog ko!
Umihi kana dyan kung hindi mo ako sasagotun ngayon.
Ihing ihi na talaga ako. konting konti nalang at lalabas na talaga. Bitawan mo na ako Luke.! Ayaw mo talaga ha!
Aghhhhh! grabe ang sakit nun ah.
Kinagat ko ang balikat nya para makawala ako.
Napatakbo ako sa banyo ng mabilis dahil ihinh ihi na talaga ako. Dali dali kong binaba ang short at panty saka umupo sa toilet bowl. Halos inabot ako ng tatlong minuto bago matapos. Naghilamos na din ako at nagtootbrush. Saka lumabas ng pinto.
Luke! ano ba ibaba mo ako! Kakainis ka naman eh.
Bibitawan lang kita pagsinagot mo na ako.
Binaba nya nga ako pero sa kama pa din.
Oo na! sege na! Makulit ka!
Yes! walang bawian ha! Tayo na ? na mag on na tayo.?
Oo na! ano pa nga ba magagawa ko. sinadaan mo ako sa dahas eh. Sinagot na kita ano pa bumitaw kana. Ano pa ginagawa mo? titig na titig ka pa ah.
Bitaw na!
Nanglaki ang mga mata ko sa ginawa nya.
Hinalikan nya ako bigla sa lips.
Luke! Abusado kana!
Anong masama dun halik lang at mag boyfriend na tayo di ba?
Hinalikan na nya ako ng mas madiin pa. Hindi na ako makagalaw sa mga kilos nya. Nakikiramdam sa kung ano ang susunod nyang gawin. Pareho kaming nakapikit.
Napabuntong hininga ako ng bigla nya tinigil ang paghalik.
Tara bangon na tayo. Baka hindi ko na mapigil ang sarili ko. Bulong nya sa kaliwang tainga ko na puno ng pang aakit ang boses.
Wag kang mag alala wala pa sa plano ko ang ibang bagay. Hehehe saka na yun pagkasal na tayo. sabay kamot nya sa ulo at ngumiti pa.
Hinila nya ang mga kamay ko para makabangon. Hindi pa din ako makapagsalita. Agad itong tumayo at lumabas ng terrece at pumasok sa kwarto nya.
Naiwan akong nakatulala at kinikilig pa. Hinawakan ko ang mga labi dahil sa pakiramdam kong nabawasan ito.
Kinapa kapa at napagtanto na buo pa ang mga labi ko. first time kong mahalikan kaya si ko alam kung ang mangyayari, nagugulohan ang isip ko sa subrang bilis ng mga aksyon ni Luke.
Lumipas pa ang ilang minuto at hindi pa din ako kumilos para mag ayos nalulunod pa din ako sa mga halik nya.
Hoy! di ka pa din naka pag ayos. Bea halik lang yon. Hindi ka mabubuntis sa halik. Kumilos kana at naghihintay na sila, Hayaan mo next time gagawin ko na yon hahaha. Biro pa nito sakin. Akmang hahalikan pa nya ako ulit . At mabilis kong nailayo ang ulo ko.
Opo ito na magsusuklay lang at magpalit ng damit.
Sabay kami lumabas ng kwarto ko. Sumiresto na kami sa kusina para kumain.
Luke Bea kumain na kayo at kanina pa naiinip si Ariel. Bakit kasi nag puyat kayo.
Opo Ya nilagyan ni Luke ang plato ko ng pagkain. Konti lang kakainin natin kakain din tayo mamaya sa labas.