Huminto kami sa isang mall para makabili ng pinangakong laruan kay Ariel. Isang helekopter ang na pili nito na may remote. Agad nag yaya si Luke na umalis ng mall. dahil may pupuntahan pa daw kami.
Huminto ang van sa isang maliit na airport may nakaabang na isang helekopter,
Good afternoon po Sir Luke. Dito po tayo. Sinundan namin ang piloto.
Hawak ni Luke ang kamay ko habang nakayuko kami ng bahagya. Kasunod namin ang magkapatid at inalalayan din sila ng isa sa mga co-pilot ng helekopter.
Sinasarado na agad ang pintuan nito at nag umpisa na ng mabilis ang elesi.
Dahan dahan itong umangat mula sa lupa. Mahigpit ang kapit ko sa kanyang braso.
Ito ang kauna unahang makasakay ako ng helekopter.
Tahimik din ang magkapatid na nasa likuran namin.
Luke, parang ayaw ko na, natatakot ako uwi nalang tayo.
Magagaling ang piloto kaya wag kang mag alala safe tayo.
Basta kapit ka lang sakin mamaya mawawala yang takot mo.
Kayo dalawa dyan ayos lang ba kayo?
Hindi tumugon ang magkapatid. at halata din ang takot sa mga mukha.
Halos limang minuto na kaming nasa ere. Unti unti na naging stable ang helekopter. Mababawasan nadin ang takot ko. Mababa ang lipad. aming helekopter sinasakyan mula sa itaas kita ang mga isla sa ibaba ang aming mga ka ba ay napalitan ng excitement mga ilang minuto pa ang nagdaan nakalapag nabsinbkami sa Isla. Masarap sa pakiramdam ang paglalapat ng mga paa ako sa mapino at puting buhangin kita ang pagiging ang kakinisan nitong isla. Malayo ito sa kabihasnan, inalalayan ako ni Luke palayo sa helekopter kasunod namin ang magkapatid na inalalayan din ng isa pang pilot. Isla ito na mayroong isang malaking bahay sa gitna
Ito ang binili ng dad ko para sa retirement nila na ng mommy ko meron itong sariling chef cook at mga stuff. Sa ngayon tumatanggap kami ng mga turista mula sa mga kilala ng pamilya muna ang pwedeng magpunta dito tatlong taon na itong operational maayos ang lugar na ito para sa magiging turista na gustong magpalipas ng ilang araw.
Maraming punong ang kapaligiran ito Kay gandang pagmasdan ang buong paligid ng isla may mga ilang staff ng isla ang sinalubong kami kaagad
Good morning ma'am good morning sir welcome to the Island...
Wow!!! ang ganda naman ito ang yaman nyo po pala talaga akalain mo mayroon po kayo ng sariling isla pagpupuri ni Ariel kay Luke
Naku ng batang ito ka daldal talaga. Sir Luke pwede po ba akong mag laro sa buhanginan?
Oo naman malaya ka makapag laro diyan basta wag ka nang lumayo hindi ka pwede maligo wala kang dalang damit.
Salamat po sir Luke yehey!!!!
Naubo kami sa isa sa mga bar sa Isla habang tanaw tanaw naman namin si Ariel sa si kalayuan.
Habang nakipag naman si Jane sa iba staff ng Isla.
May nakahaing buko juice at mga ibang pang mga snak para sa amin.
Nagpasya si Luke na ipasyal ako kami sa buong isla. As usual dala dala pa din ni Luke ang kanyang camera. Bilang isang model sinamantala ko ang magkakataon upang makapag pose sa magagandang views ng buong isla. Sabik na din akong makapag pose at magamit ang paka professional bilang isang model.
Ilang oras na din kami naglakad lakad halos takim silim na kaming nakabalik sa ba malaking bahay.
Nakaupo kami paikot sa isang malaking mesa nakahain na ang haponan.
Kumain na tayo ang magpahinga. bukas ng umaga na tayo babalik ng bahay.
Nge hindi kami nakapagbaon ng mga damit. Hindi mo sinabi na dito pala tayo magpalipas ng gabi.
Wag kang mag alala may mga damit tayo magagamit diyan. Kung gusto nyo mag night swimming tayo?
Talaga po sir? Yeheee!
Oo pwede maliwanag ang buong isla. dito naman na tutulog ang mga staff. Marami tayong kasama dito.
Ikaw! talaga ikaw lang nakakaalam ng gagawin natin dito, hindi mo sinabi kung ano ang plano mo.
Kaya surprise hehehehe.
May mga dinala akong gamit natin.
Pagkatapos ng kainan lumabas kami at naupo sa buhanginan. Ramdam ko pa din ang pagod sa aking mga binti sa ilang oras na paglalakad. Maliwag ang kabuuhan ng isla. Malakas ang hampas ng hangin kaya medyo malamig.
Tinatanaw ko ang magkapatid na masayang naghahabolan sa tubig.
Bakit ayaw mo bang maligo?
Medyo pagod pa ang binti ko, mamaya na seguro.
Kinuskus ko ang mga paa sa buhangin para mairelax ng kaunti.
Alam mo Bea ang masaya ako na kasama ko kayo dito. Ano kaya kung magpaiwan na tayo dito.
Luke ayan ka na naman eh. Hindi nga pwede. Walang kasama sila Jane. Magagalit si Yaya Len na wala ako pag umuwi sila.
Kung pwede lang naman sana?
Masyado kang nagmamadali. Hindi ba pwede na dahan dahan lang.
Okay sinabi mo eh. Tara ligo na tayo.
Hinila nya ako at itinakbo sa tubig.
Hoy! Luke dahan dahan naman masakit pa ang paa ko.
Binuhat nya ako at ininakbo ng mabilis. Binaba nya ako ng nasa tubig na kami.
Grabi ang tamig agad akong nanginig sa lamig kaya napayakap ako sa kanya.
Bakit malamig ba talaga parang hindi naman eh.
Ang lamig kaya, sabi kasing dahan dahan eh. lagi ka nalang nagmamadali kamo.
Napatingin sa amin ang magkapatid ang tumawa.
Hahaha si ate parang bata. hindi naman malamig eh.
Ahhhh! hoy! tumigil kayo! sambit ko sa kanila habang nagtutunog na ang mga ngipin ko sa sobrang lamig.
Hahaha sege basain nyo pa para maligo na sya.
Tuwang tuwa ka naman. Para hindi ako makaalis sayo! Isa paka eh.
Ayaw nyo talaga tumigil ha..
Nakipagbasaan na din at nakipaghabolan sa kanila.
Ano ha! kala nyo ha hahahaha.
Parang bumalik kami sa pagkabata sa oras na iyon malalim na ang gabi at nagpasya na kami bumalik sa bahay upang magbanlaw at magpahinga.
Sama sama na tayo dito sa loob ng isang kwarto Matulog. Maraming kama dito kaya kahit saan nyo gusto matulog pupwede.
Anim ang kama masariling banyo ito.
Nakabihis na kaming lahat at handa na matulog.
Good night po sa lahat, sleep napo ako.
Good night Ariel tabaching ching.
Magkatabi ang kami ng magkapatid at kami naman ni Luke.
Ate? Hmmm Sabay makita ni Jane ang dalawa nyang hintuturo na magkadikit.
Kayo na ba?
Psttt oo pero tayo tayo lang muna ang nakakaalam ha.
Kelan pa? hehhee
Kanina lang. Hindi nya kasi ako palalabasin ng kwarto kung hindi ko sya sinagot.
Ah... sabay takip sa bibig si Jane at kinikig pa.
Hala ang bilis naman. Bakit nasa kwarto mo sya?
Oo Jane natulog kaming magkatabi kanina.
Hala ate may nangyari naba sa inyo?
Sira wala ah. Halik halik lang. Gusto na nga totohanin eh pero ayaw ko.
Hehehe pwede naman ate pareho naman kayong single.
Sira ka talaga Jane hindi pwede alam mo naman na hindi pa maganda ang sitwasyon ko ngyon may problema pa ako di ba?
Alam mo ate bagay kayo. Kaya pala ang saya saya ni sir Luke.
Oo nga eh. Ako parang hindi ko pa tanggap na kami na. Iniisip ko din sila ni Mom pano kung malaman ito ni Dad. Tumakas ako para maghanap ng iba.
Wag mo munang isipin yon sa ngayon magpakasaya ka muna.
Ayaw kong masaktan at ayaw ko din na makasakit Jane.
Pero Jane wag mo muna sabihin kay Yaya ha.
Oo ate, masaya akong makita kang maging masaya sa panahon na nangdito ka samin.
Aba! pinagchichismisan nyo ako ano?
Oo bakit? sinabi ko kay Jane na kulang nalang....
Tinakpan nya agad ang bibig ko.
Di naman ganun. Hehehe wala akong ginawang masama sa Ate mo Jane.
Hahaha Ang bilis nyo po pala Sir Luke.
O ano kala mo ha. para kung gawaan mo ako ng masama alam ni Jane at ikaw ang salarin.
Grabe naman para na akong kreminal sa pagsumbong mo ah.
Hindi pa ba yon kremin ang ginawa mo. Pinilit mo kaya ako. Gusto mo kwento ko pa ng buo?
Hahahaha kakakilig kayong tingnan. Madalas kayong nagbabangayan. Ganun daw yong nagmamahalan eh. Akala ko talaga si sir Luke mahinhin eh yong pala maharas di hehee.
Pagbibiro pa ni Jane.
Ikaw talaga kung ano ano na seguro sinabi mo kay Jane.
Sus! wala pa sa kalahati ang alam nya sa mga pinaggagawa mo sakin. Hindi ko pa nga nakwento ang nangyari sa Mamboo eh
Oiy grabe accident lang naman yon eh.
Accident mo mukha mo! Accident eh tuwang tuwa ka nga at mukhang nag i enjoyed kapa nga.
Gusto mo ikwento ko na kaharap ka?
Oo na sorry na ikaw naman masyado mo na akong binubuking eh.
Sira ulo ka eh. Akala mo maaagawan eh nagmamadali.
Sempre bakit naman akong papayag na maagaw ka? Subukan nila magkakabugbugan muna kami bago ka maagaw.
Sabay halik nito sa pisngi ko.
Kita mo na hindi ka nga nahiya na halikan mo ako sa harap ni Jane.
Hehehe good night kiss yon.
Sira ulo ka pa good night good night kiss kapang nalalaman.
Good night Jane. Hinila pa nya ang kama nya ang idinikit sa kama ko.
Luke ano namang kalokohan yang ginagawa mo?
Ano pa pagtabihin ko lang ang mga kama natin wag kang mag alala wala akong gagawin matutulog lang ako. promise hehehe
Naku nanggigil ako sayo Luke ang dami mong alam. Sabay niliitan ko sya ng mata.
Pinagmamasdan lang kami ni Jane habang nagbabangayan. Hinahayan ko nalang sya sa kung ano ang gusto nya.
Kumindat pa ito saka humiga sa kama .
Hahaha ang cute nyong dalawa parang mga bata lang.
Good night my model.
Model mo ang mukha mo. Puro ka kalokohan .
Mahimbing na ang tulog ng magkapatid pero itong katabi ko halos hindi mapakali. Gusto ko nalang matulog dahil pagod na ako. Panay pa din ang mangungulit at gusto tumabi sakin.
Luke matulog kana. Para kang bulati na nilagyan ng asin diyan. Pati ako napupuyat sa ginagawa mo.
Tabi na pala ako sayo dyan para makatulog na ako.
Sira ulo hindi ako sleeping pills na pagnainom eh tulog agad.
Bahala ka dyan sa buhay mo basta ako matutulog na.
Nagising akong ramdam a ng bigat sa aking bewang. May nakapa akong nakadagan sa aking bewang. Kaya pala ang bigat eh. Braso ni Luke na nakayakap.Dinilat ko ng maliit ang kaliwang mata. Nakakasilaw ang liwanag ng buong kwarto. Umaga na pala. Tulog pa din ang magkapatid.
Mabuti naman at tulog pa sila hindi nila nakita na nakayakap itong lalaki sakin.
Binuksan ko ang kanang mata at tumingin sa deriksyon kung saan si Luke.
Himbing na himbing ito sa pagkakatulog. Walang bakas sa kanyang mukha ang pag alala.
Hinawi ko ang buhok na nakatakip sa kanyang pisngi. Napangiti ko at humanga sa kagwaponhan nitong katabi ko. Kaso sira ulo at laging nagmamadali. Pero in fairness kahit na hinaharas nya ako meron sya timitasyon sa sarili nya. Marunong sya mag ingat sa isang babae.
Hindi ko na pigilang halikan sya sa kanyang mapupulang labi.
Ang saya ko dahil hindi ko sya nagising hindi nya alam.
Nakatitig lang ako sa mukha nya habang nangangarap na sana sya na ang taong papakasalan ko at makasama habang buhay.
I love you Luke bulong ko sa kanya.
I love you too. Sabay dilat ng kanyang mga mata.
Napatalukbong ako ng komot sa hiya. Halos gusto ko nang maglaho.
Good morning,,, bakit ka nagtago. Sarap naman pakinggan sana laging ganito pag gising ko.
Kala ko tulog kapa.
Kanina pa ako gising. Hinakawan mo pa nga ako ng halik eh.
Wag pa maingay tulog pa sila baka magising. Tulog pa tayo maaga pa eh.
Wag kana mahiya, natural lang yan masasanay ka din.
Sira ulo ka tapos nakayakap pa ka sakin.
Damot nito yakap lang eh ikaw nga halik. hehehe
Lalo pa nyan pinalapit ang katawan namin. At pumasom na din sya sa kumot.
Hoy! anong ginagawa mo. lumabas ka baka makita nila tayo at bumalik kana sa kama mo nakakahiya makita ka ni Ariel.
Mamaya pa yan sila magising late na tayo natulog pagod pa yan.
Pinikit nya ulit ang mga mata nya at hindi na kumikibo pa.
Pumikit na din ako at natulog na ulit. Medyo inaantok pa naman ako.
Pagkalipas ng dalawang oras maingay na si Ariel. Naalingpunganat ako at nag alala na baka nakita nya nakayakap si Luke habang tulog.
Good morning ate. sorry nagising kaba sa ingay ko. Magpapalipad na kami ni Sir Luke ng binili kong laruan kahapon.
Nasa labas na po sya naghihintay na magising ka.
Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko.
Good morning Areil okay lang pagising naman na talaga eh. Sege sunod na ako ha.
Sinulay ko ang buhok at inayos na din ang kama. Naibalik na sa dating pwesto ang kama ni Luke. Pumasok ako sa banyo upang magtootbrush at maghilamos. Saka lumabas para makinood sa pagpapalipad ng eroplanong laruan ni Ariel.
Nakaupo ako sa ilalim ng isang puno.
Ate? bakit nakaykap si Sir Luke sayo kanina pagkagising ko, magkatabi na kayo sa kama..
Inantay lang seguro ako makatulog para tumabi sakin. Sira ulo talaga eh.
Uuwi na tayo ng Isla bukas paano yan.
Bahala sya ako okay lang na malayo sa kanya.
Baka sumama yan sa bahay at doon na din tumira. Wala kayong sariling kwarto doon hehhehe.
Naku Jane kung sasama yan walang mag aasikaso ng factory nila dito at kung gusto nya doon sya mag stay sa Mamboo maraming room doon.
Parang ayaw ka nya malayo sa kanya.
Di kaya sya mahihirapan nyan.
Ewan ko sa kanya , Basta ako uuwi na tayo bukas.
Tingnan mo sya nakikipaglaru kay Ariel pero ang mga mata nya nakatingin syo. At may pakindat kindat pa.
Luke tingnan mo yang ginagawa mo hindi ako. Baka sa tubig lumanding yan.
Bibili nalang ng bago pag nasira.
Binigay nya ang remote kay Ariel at dali daling lumapit samin ni Jane.
Kamusta naman ang gising mo? Mukhang napahaba ang tulog mo napagod kaba kagabi?
Ewan ko sayo Luke kagabi kapa makulit. Hindi maganda ang gising ko ngayon kaya lumayo layo ka muna.
Gutom lang yan tara almusal na tayo.
Kanina pa ako gutom eh.
Bakit hindi kapa kumain kanina ka pa gising eh.
Hinintay kita para may kasabay akong kumain.
Kayo Jane nag almusal na ba kayo?
Opo Sir kayo nalang ni Ate ang hindi pa.
Hinila ako ni Luke papasok sa loob ng isang restaurant para kumain. Medyo marami ang nakahain na almusal ngayon.
Ano gusto mo ipagkuha kita?
Wag na ako nalang. Bakit ang daming food ngayon?
Oo darating kasi ang mga pinsan ko pari na sin Karl. Maya maya lang nandyan na sila.
Kumuha lang ako ng manggang hinog at suman isang tasang hot choco.
Mamaya makikita mo na sila, pati ang kapatid kong si James darating din.
Ah ok, ano oras tayo babalik ng Cebu. Di ba uuwi na kami bukas ng Isla.
Ah mga hapon na tayo aalis dito. Tapos bukas ng hapon na din tayo babalik ng Isla.
Bakit hapon na lahat. di ba pwede mga tanghali para maliwanag medyo maliwanag pa makarating na kami ng bahay.
Ako na bahala doon wag kang mag alala maliwag pa kayong makarating sa bahay nyo.
Nagsusungit ka na naman.
May tunog na ng helekopter na papalapit na ng Isla.
Ayan na sila segurado yan. Kumain kana baka hindi ka makakain mamaya sa kanila. Pag yon mga kasama mo puro kalokohan mga yon.
Dahan dahan sinubo ang suman kasabay ng mangga. At humihigop din ng hot choco. Palakas na ng palakas ang tunog ng helekopter na. Maya maya pa halos matabunan na ng buhangin ang buong kapaligiran. Hudyat na lumapag na nga ang helekopter.
Tumigil na ang pag ikot ng propeller ng eroplano. Napalitan ito ng ingay ng grupo ng mga kalalakihan.
Ayan na sila di ba ang iingay.
Sunod sunod silang pumasok sa restuarant. Ang kilaka ko lang si Karl ang gwagwapo ng mga angkan nito. Kumaway sa deriksyon ni Luke. Napako ang mga mata sa katabing babae ni Luke.
Hoy! mga mata nyo. Wag kayong magkakamali lumapit dyan. Banta agad ni Luke sa kanila.
Kuya! Whats up!
Bro musta na?
Mukhang Masaya kana ngayon Luke ah.
Ayos lang James kamusta si Mom?
Ayon Nagmamakawa na para makapasok si snow sa bahay.
Kuya ang ganda ng chiks mo ah. Pwede ako naglang.?
Tarantado walang ka bang narinig kanina.
Bea kamusta na? Mukhang nagustohan mo dito ah.
Okay lang maganda naman itong Isla. Paro babalik na kami ng Isla bukas.
Ay ang bilis naman hindi pa nga tayo nagbonding eh.
Ah Bea pala ang pangalan mo. Magaling pumili ang kuya ko.
Ako nga pala ang si James kapatid ko si kuya Luke ito naman si Kert kambal sila ni Karl.
Nakipagkamay naman ako sa kanila.
Tol pwede mo na bitawan ang kamay ni Bea.
Sus! si kuya naman hindi man lang uminit ang kamay ko sa kamay nya.
Binatukan nya si James. Tarantado wag ako James, kilalang kilala kita sa mga babae kaya tumigil ka.
Hahaha hindi ka uubra dyan sa kuya mo James nakabakod na yan Kay Bea.
Hindi pala ha teka lang makatawag nga ako kay Dad.
Sege subukan mo! baka gusto mo ibaon kita dito ng habang buhay sa isla. Pagbabanta nito sa kapatid.
Hahahaha minsan lang nagkagusto si Luke aagawin mo pa., Marami ka ng chiks balato mo na yan sa kanya. Gatong pa ni Kert.
Hahaha nagtawan sila. Habang nakatitig lang ako sa kanilang apat.
Kumuha na kayo ng makakain nyo sumabay nankayo sa amin.
Di ba kasama nyo din ang magkapatid?
Oo dun sila banda nagpapalipad ng eroplano si Ariel binabantayan din sya ni Jane.
Ah nag almusal na ba sila?
Oo nauna na sila kanina.
Kamusta naman ang pag stay nyo dito? hindi ba kayo ginutom ni Luke.
Hindi naman panay nga ang pakain samin. Si Ariel nga lalong tumaba.
Ikaw lang naman ang hindi gaanong nagkakain. Lalo na kung alimango ang ulam.
Luke! ayan ka na naman eh. Sabay kurot ko sa tagiliran nya. Sabat ka ng sabat sa usapan.
Awhhh.! totoo naman hehehehe mamayang tanghali alimango ang ulam.
Lakas mo mag asar eh.
Hahaha hanggang dito nagbabangayan pa din kayo kala ko doon lang yon sa isla.
Pano mapang asar itong punsan mo. Parang hindi sya masaya sa isang araw na hindi nya inaasar.
Mamimiss mo yan baka uuwi na yan ng US next month.
Huh! bakit kala ko ba dito ka lang sa Cebu bakit sa US kana pala?
Wag kang maniwala kay Karl dito lang ako sa Cebu.
Sira ulo ka Karl papahamak mo pa ako eh.
Hahahahaha ang bilis mo naman mag react bro. Takot na takot maagawan eh.
Tarantado ka talaga Karl. Wag mo ng balakin pa. Inunahan na kita kaya sumuko kana.
Ouch! its really hurt bro.
Nagugulohan ako sa usapan nila. wala akong maintidihan kong ano ang meron sa kanila.