Episode 14

3119 Words
Halos maghapon kaming puno ng tawanan at kalokohan. Halatang magagaling at bolero itong kapatid ni Luke. Dumating na ang oras upang lisanin namin ang isla. Masaya ang alala dala dala namin sa pag alis. Bakas sa mga mukha namin ang kasiyahan sa paglalagi sa isla.Sakay kami ng helekopter pabalik ng Cebu. Mag aala singko na kaming dumating ng bahay nila Luke. Bitbit ang.mga gamit at mga sea food galing ng isla. Sinalubong kami ni Yaya Rose upang pagbugksan ng pinto. Nagmano kami at inabot ni Luke ang isang cooler kay Yaya . Mukhang pagod na pagod kayo. Opo Ya makukulit pala ang mga pinsan at kapatid ni Luke. Aba! nagkita kita pala kayo doon. Naku walang katahimikan ang buong bahay kapag nagsama sama mga iyon. Si Luke ang bukod tanging tahimik sa kanilang apat. Ang gwawapo po pala nilang lahat Ya anoh? Oo artistahin ang mga iyan. O sya sege umakyat na kayo at maglinis ng katawan iluluto ko lang ito para makapaghapon bago kayo matulog. Opo Ya salamat. Nauna na umakyat ang magkapatid sa kanilang kwarto. Sumunod na din ako upang maligo bago magpahinga. Naupo muna ako sa sopa at itinias ang mga paa, ramdam ko pa din pamamanhid nito. Malagkit na ang katawan ko kaya nagpasya ng maligo. Kinuha ko ang towel at pumasok na sa banyo upang maligo. Bukas na ang uwi namin sa Isla. Nakabili na din kami ng pasalubong. Halos mag iisang oras akong nagbabad sa banyo, at na ienjoy sa maligamgam na tubig. Parang ayaw ko pang umalis pero kelangan. Nakaramdam ako ng lungkot pag na iisip kong babalik na kami ng Isla. Binalot ko ang basa kong buhok ng towel at lumabas na ng banyo. Ay kabayo! bakit ka nandito? hawag ko ang dibdib sa subrang gulat. Wala lang, saka bahay ko kaya to. Sira ulo! ano ginagawa mo dito.? Inaantay kang lumabas. Ginulat mo pa ako. May kelan kaba? Wala naman. Gusto ko lang sulitin ang bawat oras na magkasama tayo bukas maghihiwalay na tayo. Tara baba na tayo para makakain na.Gusto kong matulog ng maaga pagod ako ang kukulit ng pinsan at kspatid mo. Dinamay pa ako sa kalokohan nila. Hila hila ko si Luke pababa ng hagdan. Wow! sweet nila oh! hehehe habang kinikilig pa itong si Ariel Ariel! ikaw talaga bata bata mo eh. kung ano ano na mga pinagsasabi mo. Di po ba Yaya Rose ang sweet nila? hehehe pwede ko ng tawagin si sir Luke ng kuya.? hehehe Naku! ikaw talaga ang daldal mo. Aba! pwedeng pwede. Basta mabait ang bata may gantimpala sakin parati. Ariel tumigil kans isusumbong kita kay nanay! Okay lang yan Jane bata pa yan si Atiel hayaan mo na. Kakahiya po kasi eh , kung ano ano ang sinasabi. Bakit ayaw mo ba ako para sa ate mo? Hindi naman po sa ganun Sir. Hehehe magsikain na kayo para makapagpahinga ng maaga. Masarap yang niluto kong paksiw na isda. Adobong pusit at pritong isda. Masaya kaming kumakain at nagkwekwentohan. Nasa terrece kaming apat at nakatingin sa kalangitan. Maliwanag ang buwan. Kandong ni Luke si Ariel nagkwekwento si Luke nong kabataan pa nila. Pagalipas ng isang oras nagyaua na si Ariel na matulog na. Naiwan na kami ni Luke sa terrece at tuloy pa din ang kwentohan. Halos buong buhay na nya ang naikwento nya amin. Ikaw? bakit napadpad ka dito? Pinatakas ako ni Mom. ayaw nya maranasan ko ang naranasan nya. Pero ilang buwan nalang babalik na ako samin. Hindi ko alam kung ano ang manyayari. Bakit kapa uuwi? kung masaya kana dito. May aayosin din ako doon. Hindi pa tapos ang kontrata ko, baka mademada ako ng manager ko. Huh! bakit ka idedemanda.? Kakaperma ko lang ng kontrata ko ng pinatakad ako ni Mom. Model ako ng ibat ibang brand ng damit sa Thailand. Hindi pa naman bayad, pero kailangan kong gawin. Ah kaya pala magaling ka sa pagpose. Ang swerte ko naman model pala ang girlfriend ko. Babayaran ko nalang ang manager mo. Para itermanate ang contract mo. Walang ganun sira ulo ka. Dagdagan mo pa problema ko eh. Basta pag uwi ko maayos din yon. At kasama doon na bawal ako mag boyfriend. Bakit pumirma ka ng ganun paano na kung malaman nila na my boyfriend ka.? Kaya tinatago ko di ba? hindi ka pwede magpakita at makilala. Yari ako pagnalam nila. Ikaw di ba ikakasal ka din? Ano gagawin mo? Mamanhikan na sana kami pero na aksidente si Mom kaya hindi na tuloy. Hindi ko din alam kung ano ang manyayari. Basta sa ngayon hindi ko muna iniisip yon, saka matagal pa naman yon. Marami akong paraan para hindi matuloy. Isa kana doon. Kaya kong ipagpalit lahat ng ito para sayo. Ikaw lang hinihintay ko. Ayaw kong mangako sayo Luke. Iniisip ko din ang Dad ko. Tumakas ako pero parang hindi ko kayang ipahiya si Dad sa bestfriend nya. Pwede natin pagplanohan lahat ng ito Bea. Ilang taon ba ang kontrata mo? Ayaw na sana ako payagan ni Dad na pumirma ang gusto nya next year maikasal na ako. Nakiusap lang ako sa kanya hanggang matapos ang kontrak ko itong October. May ilang buwan pa tayo. Magpakasal na tayo kaya? para malaman man nila wala na silang magagawa pa. Huh! baliw ka ba hindi mo alam kung paano magalit ang Dad ko baka ibaon tayo ng buhay noon. Matatanggap din nila ako balang araw. Hindi naman ako pangit, may pera din naman ako di ba. Ano kaba! naririnig mo ba sarili mo? naghahanap yata ng ikamamatay mo. Okay lang mamatay basta ikaw ang dahilan masaya na akong mamatay. Baliw kana nga! ewan ko sayo matutulog na ako bahala ka dyan. Sibayan ko ng tayo at pumasok na ng kwarto. Tabi tayo matulog. sabay higa na nya sa kama. Hoy! doon ka sa kwarto mo. Kwarto ko din ito, hehehe Ayaw mo doon sa kwarto mo? di doon nalang ako pala. Pwede din naman kung gusto mo doon, tara doon tayo! hehehe maspalapad ang kama ko doon. Baliw na to! umalis ka dyan inaantok na ako eh. Ayaw mo doon! ayaw ko din doon di dito na tayobg dalawa. Hahaha Luke ayan ka na naman eh! sege bumalik kana sa kwarto mo! Ayaw! dito ako matutulog. Wag kang mag alala hindi kita samantalahin. Kilala mo na ako hindi ako gaya ng ibang lalaki. Bahala ka sa buhay ako nalang lilipat. Padabog akong lumabas ng terrece at nagpunta sa kwarto nya. Natulala ako sa mga nakita ko. Ang buong kwarto at puno ng mga larawan ko at may hindi pa tapos na painting. O ano bakit hindi ka pumasok? Ah eh,,,,, bakit ako lahat ang nakadikit. Gusto ko kasi hindi ka mawala sa paningin ko. Bakit ang dami nito? ano ginagawa mo? Wala lang namimili lang ako para ipaint. Malawag ang kwarto nya halos buong kwarto naman ang dinikitan ng larawan ko. Kahit ako nasiyahan sa mga latawang nakadikit sa wall nya. Napapangiti ako pagtitig ng mga kuga ko sa latawan. Halis buong isang na yata ang na iprint nya may nakafile pa nakapatong sa side table nya. Alam Luke adik kaba? bakit ginagawa mo ito pupwede naman na titingnan mo sa computer bakit kailangan mo pang iprint at idikit pa. Mas gusto ko yan, ibat ibang angulo. Binuksan nya ang laptop at pinakita pa ang iba halos sa halahati palang ako ng makaramdam ng antok. Nahiga nalang ako sa kama nya. Dito nako matulog may tiwala ako sayo kaya wag mong sirain. Yes! Maam sleep well my pretty model. Bahala ka sa buhay mo basta ako matulog na. Tumabi naman sya agad sakin at nag good night kiss pa. Muahh! Bukas ihahatid ko kayo sa inyo. Maghihiwalay na tayo. Hindi ka ba nalulungkot? Bakit naman ako matutungkot eh malapit ka lang naman. Alam mo Luke Sanay akong malayo sa pamilya ko. sanay akong laging iniwan. Nakakalungkot isipin na malayo kamis sa isat isat pero nasanay din ako. Dahil alam kong babalikan ako. Mula ng nagkaisip ako ganyan na ang setwasyon ng buhay ko. Ang lungkot panandalian lang yan. Marami ka pang hindi alam sakin. Magulo ang buhay ko may pera nga ang parents ko pero wala akong kalayaan sa Dad ko. Sanay akong may body guard, hindi ko maintindihan kung bakit malupit sya sakin. Patuloy akong nag kwekwento sa kanya ito na ang pagkakataon kong mailabas ang lahat ng sama ng loob. Hanggang sa napaluha nalang ako sa pagkwekwento ko sa kanya. Hiyakap nya ako at hinimas himas ang likod. Nandito lang ako para sayo sasamahan kita sa lahat ng problema mo. Basta pumayag ka lang na papasukin ako sa buhay mo. Hindi ka magsisi. Ayaw kong madamay ka sa gulo ng buhay ko Luke ayaw kong mangako. May pagkakataon kapa na makahanap ng iba. Gusto ko sa magulo mong buhay. Baliw! Wag kang pumasok sa gulo baka hindi mo kayahin. Baka mapatay kapa ng ama. Ayaw kong mapahamak ka ng dahil sakin. Wag mo ng isipin pa malayo mangyari yan. Kaya ko saluhin lahat ng yan. Basta magtiwala ka lang sakin. Kung ikaw nga napasunod ko Dad mo pa kaya? Pogi yata to! Pagbibiro pa nya. G*go ka talag! Basta ayaw ko! bitawan mo na ako di nako nakakahinga ng maayos sa yakap mo. Ay! sorry! sorry! nadala lang ako. Sus! sinasadya mo kamo. mapagsamantala ka din pala eh. Oiy! di naman ayaw mo ba? Dito ka nga natulog sa kwarto ko eh. Luke tumigil kana. Babalik ako ng kabilang kwarto. Sege kung kaya mong makawala sakin. Baka gusto mo tuloyan kita? Sabay kindat pa ng singkit nya mata. Aghhh! tarantado. ginaganyan ako parati kala mo naman, mauuto mo pa ako dyan. Sinabunutan ko sya at pinaghahampas ang kanyang braso. Aray! grabe ka makapanakit ah. Paano ang kulit kulit mo. ayaw mong tumigil sa kalokohan mo. Ah ganun ha! halika ka nga dito. Talaga hinahamon mo ako ha. Luke! Luke! ayaw ko na. Para kaming mga batang naghahabulan sa ibabaw ng kanyang kama, nagulo ang buong kama at nalaglag pa sa sahig ang mga unan. Ayaw ko na Luke tama na pagod na ako. Grabe ka naman makakiliti hindi mo na ako pinahinga eh. Di ba masaya naman tayo. Oo nga masaya tingnan mo naman ang kama mo parang binagyo. Hahaha sabay dinapot ko ang isang komot at hinampas sa kanya. Aba! gusto mo ng pillow fight ha sege pagbibigyan kita. Hoy! Luke malakas yang hampas mo. Agad akong nalaglag sa kama ng tumama ang unan sa katawan ko. Aghhh! hawak hawak ang ulo kung tumama sa paa ng kama. Napakalukton ako sa sakit at bahagya nagdilim ang paningin ko. Bea! okay ka lang ba? Sorry napalakas ang kampas ko. Hindi ako sumasagot sa kanya at nakapikit ang aking mga mata. Binuhat nya ako para ipatong sa kama. Agad nya tiningnan ang ulo. Patingin baka may sugat. Sinampal ko sya ng malakas para makaganti ako. Pak! ayan ok na ako ang sakit nun ha. Sira ulo ka may balak ka yatang paputokin ang ulo ko! Sorry na nga eh di ko sinasadya. Di sinasadya eh nahulog ako sa kama di pa sinasadya yon! Tingnan mo may bukol na. Agad sya tumakbo pababa. Hoy! san ka pupunta. Hindi na sya sumagot nagpatuloy syang bumaba. Inayos ko na ang kama at dumapa na sa unan na hawak pa din ang ulo pakiramdam ko naalog yata ang utak ko sa pagkaontog. Naramdaman kong nagbukas ang pinto. Hindi ko na din pinasin pa. Narandaman ko nalang may malamig na dumampi sa ulo ko. Malaki nga ang bukol mo. Ako na bahala dito relax kalang. Kasalanan mo yan. Kala mo kasi mga pinsan mo ang kalaro mo eh. Sorry na nga! hindi ko na uulitin isang kamay nalang sa susunod hehhee. Ayaw ko na! wala ng kasunod yon. Buti nalang hindi pumutok ang ulo ko. Hindi pa man din tayo kasal sinasaktan mo na ako. Laro lang naman to eh di ko naman sinasadya. Grabe ka naman magsalita. Hindi na mangyayari na sasaktan kita pag kasal na tayo. Oo laro nga pero nabukolan ako. Halos kalahating oras nang nakapatong ang bulsa de yelo sa ulo. Medyo nabawasan na ito. Tama na yan namamanhid na pati utak ko sa lamig. Baka magyelo na utak ko at di na gumana pa. Okay,,, maliit nalang ang bukol hehehe. Anong oras na? Ala una ng madaling araw na, Ay! naku puyat na naman ako, pag ikaw kasama ko lagi akong puyat. Sege tulog na pala tayo. Tumabi naman sya agad sakin at pinikit ang mga mata. Isang halik ang gumising sakin. Good morning, Nakangiti pa itong si Luke. Baliktad na ngayon ikaw na ang nakayakap sakin. Aga aga Luke mang iinis ka na naman eh. Oo nga tingna mo. Oo na! alam ko naman na gustong gusto mo. Kunwari kapa eh. Sempre di nga ako gumagalaw baka magising ka. bigat pala ng hita mo? Bakit di mo tinggal nabibigatan ka pala eh. Eh gusto ko nga pano ko tatanggalin. Kahit na ngawit na ako hindi ko pa din tatanggalin yan. Gusto mo panay naman reklamo. tsk! Buti nga ikaw ngawit lang ako bukol. Magaling na bukol kinapa ko na yan kanina. Wag kana bumalik ng Isla dito ka nalang. Ihatid nalang natin sila Jane at Ariel. Ako na bahala magpaalam kay Yaya Jane. Hindi yon papayag, ano ang isasagot nun kay Mom pagtinawagan sya. " maam pasenya na nagtanan kasi ang anak mo" Baka gusto mong sugurin ka ng pamilya ko dito. Hahaha Mas maganda nga yon eh, hindi na tayo mahihirapan pa. Eh paano kung ipapatay ka ng Dad ko okay pa din sayo? Binigyan mo ako ng edeya ha. Ano oras tayo aalis para makapag ayos na ako ng maaga. Mga four ng hapon malapit lang naman yan. Okay, gugutom nako tara kain na tayo. Ano ba gusto mo? paakyat na nalang tayo ng food dito sa room. Makikita ni Yaya na dito ako natulog sa room mo. Alam na nya kagabi pa, sinabi ko sa kanya. Kakahiya bakit mo sinabi. Nagtanong kung ako gagawin ko sa bulsa de yelo ay di sinabi ko na nahulog ka sa kama. Luke naman eh. hindi ka nalang nag isip ng ibang dahilan. Kakahiya Tuwang tuwa nga si Yaya na dito ka natulog sa room ko. Hala! ano ba yan pinagkakaisahan nyo yata ako eh. Sila Jane gising na ba? Tulog pa. Pagod si Ariel kakapalipad ng laruan nya. Ano ba gusto mo para makapagpatulo ako kay Yaya ng almusal. Sinangag at tosino with coffe hehhee. Tumayo sya at tumawag sa intercom. Good morning Yaya parequest po ako ng sinangag at tosino po with coffee thank you po Yaya paki akyat nalang po dito sa room ko. Mga twenty minutes pa yon. Tulog muna tayo ulit maaga pa naman gusto mo pa bang mamasyal mamaya bago umuwi? Hindi na seguro pagod pa ang magkapatid eh tapos ako puyat pa. Ang galing mo kasi mamuyat . Mamayang gabi makakatulog kana ng mahimbing. Wala ng mang iinis sayo. Gusto mo doon kana magbagong taon sa amin? Pwede din kaso usapan namin doon kami sa resort mag bagong taon. Pasundo ko nalang kaya sila ni Yaya Len. Bahala ka tawagan mo kung gusto nila habang maaga pa. Tumayo sya at lumabas ng terrece at tinawagan si Yay Len. Wala pang tatling pinuto pumason na ito at may mga ngiti sa labi. Ano ang sabi? Papasundo ko sila pumayag sila na dito na mag bagong taon. Buti napapayag mo? Dinaan mo yata sa papogi pogi noh? Hehehe basta may deal kami no Yaya Len at Mang June. Segurado matutuwa ang magkapatid mamaya. Di na tayo lalabas ng kwarto maghapon pasundo ko nalang sila Yaya Len kay Yaya Rose mamaya. Bakit ayaw mo ako palabasin dito. Basta may gagawin tayo mamaya. Ayan ka na naman Luke may binabalak ka na naman eh. May mahinang katot kaming narinig sa pintuan. Binuksan ito ni Luke at kinuha ang pafkaing dala ng isang kasambahay. Thank you Inday Saling. Welcome po sir, Good morning po Maam. Good morning din Saling. Tara kain na tayo. Para makapag umpisa na tayo ng maaga. Ang ano ba yon. Basta malalaman mo mamaya. Kumain ka muna baka gutomin ka. Napapaisip ako kung ano ang gagawin namin mamaya. Tinitingnan ko sya habang nagngunguya ng pagkain. Ang bilis nya tinapos ang kanyang pagkain. Binuksan ang isang kabenet na puno ng gamit pang paint. Nilabas nya ang isang malapad na kulay puting nakarolyo. Binuklat at nilagat sa isang stand. Naghanap sya ng magandang pwesto sa kanyang loob ng kwarto. Nagmakanap na inayos nya ang kama pinalitan ng kulay puti ang cover nito. Naglabas sdin sya ng isang kumot na kulay pula. Parang nahulaan ko na ang gusto nitong gawin. Naexcite naman ako bigla. sanay ako sa harap ng camera. Ilang pose lang tapos na agad. Pero kakaiba ito ngayon. Nang matapos na nya ayosin ang kama. Ready na ako ikaw nalang ang hinihintay kong matapos. Ano gagawin ko dyan nagkunwari akong hindi alam kung ano ang ibig nyang sabihin. Tapos kana bang kumain? Oo tapos na. Maupo ka dito. Sa ibabaw ng kama. Dahan dahan lang para si magulo. Tapos hubarin mo yang blouse mo. Hoy! Luke iba ata ang gusto mong gawin sakin ah. Ang dumi ng utak mo Bea. Blouse lang pinapahubad ko tatakpan ko din ng kumot. Hinubad ko naman at sinusundan ang gusto nya. Sinuklay at nilayan nya ng isang bulaklak ang. ulo ko. Matagal syang nakatitig sa dibdib at hita kong nakalitaw sa kumot. napapalunok ng laway at nagpapaypay ng sarili nya mga kamay kahit na naka aircon naman ang room nya. Pinahubad mo ako tapos maggaganyan ka para kang baliw Luke. Wag kang magulo baka lumitaw lahat yan tinago ko baka di nako makapagpigil pa. Umupo na sya at nag umpisa ng gumuhit. Walang kumibo samin dalawa. Pahkalipas ng isang oras ramdam ko na ang ngawit kaya ng time muna kami. Uminom sya ng isang basong tubig at binigyan nya sin ako. Pinakita nya sakin ang painting nya kulay nalang ang kulang at matatapos na. Lumapit ako sa kanyang tinitigan ang ang kanyang obra maestra. Lalo akong na mangha ang galing nyang mag paint malinis at walang kahit anong bakas ng pagkakamali. Naka yuko sako sa likuran nya habang hinahanapan ng mali ang gawa nya. Sa di inaasahan dumikit na pala ang dibdib ko sa likod nya. Napaubo sya bigla. Ah,,, Bea yang dibdib mo nakadikit sa likod ko. baka pasukan ako ng masamang ispirito Hindi ko na kakayahin pang magpigil. Ikaw may gusto nito! di ba. Ah! ganun. hinahamon mo ba ako? Bigla itong humarap at sa dibdib ko mismo tumapat ang mukha nya. Hindi ko na nailagan pa. Ang bilis nya akong hinawakan sa bewang tinitigan ako. Halos di ako makahinga sa mga titig nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD