Ilang araw ng hindi mahiling nakipag usap si Bea sa mga tao. Laging nag iisa at malayo ang tingin. Labis na syang nangulila sa ina.
Maam Bea may dinaramdam kaba? madalas kang na mapag isa ngayon, Tanong ni yaya Len. Wala naman po yaya subrang namimiss ko lang ang mommy. Parang gusto ko ng umuwi ya , malungkot ang boses nito. Pero natatakot ako. Ayaw kong magpakasal sa taong di ko kilala, Ayaw ko talaga ya. Maam Bea nasa iyo ang lahat ng pagdisesyon. Kung handa kana sa mangyayari pag balik mo ng Thailand. Pag isipan mong mabuti kung ano sa palagay ang tama at hindi mo pagsisisihan ito. Basta nandito lang kami handang gabayan ka sa kung ano man ang mapagpasyahan mo.
Hay,,, nahihirapan na ang kalooban ko Ya. Sana man lang makausap ko si mom ilang buwan na din di ko naririnig ang boses nya. Namimiss ko ang mga yakap at sa tuwing gabi na sinusuklay nya ang buhok ko. Mga tawanan kwentohan sa tuwing darating sila,.. Naninikip ang dibdib ko subrang pangunguli sa kanya. Di ko alam kung gaano pa katagal ang ganitong sitwasyon ko. Halos sasabog ang puso ko . Ayos naman ako sa lugar na ito pero may kulang sa puso ko.
Maam Bea di ko man kayang pantayan ang mommy po dyan sa puso mo. Pero alam mo na mahal na mahal kita pamilya kang tunay para sa amin. Ramdam namin ang pangungulila at kalungkotan mo. Konting tiis pa Maam matatapos din lahat ng pagsubok na ito at makakabalik kana sa lugar mo.
Akala ko talagang makakalaya ako pero bakit ganito pa din bilanggo ako sa sarili kong mundo. Mundo na puno ng kalungkotan at pangungulila.
Kinuha ni Len ang kanyang phone at na dial. Agad naman ito sinagot ng kanyang tinawagan. Hello!! Maam Victoria si Len po ito. Kamusta po kayo Maam? Wait! wait! Hello! hello Len, Yes po maan . Hows my princess? shes ok?
Agad na pinasa ni Len ang phone ky Bea. Hello! mom.. I miss you so much... di na napigil ni Bea ang magluha ng kanyang mga mata.
Oh,, dont cry my baby its ok. I miss you too. Dont worry Im ok basta mag enjoy ka muna dyan. I know you are strong, at nabalitaan ko nasasarapan ka ng food nila dyan. Wag kana malungkot anak five months nalang pwede kana makabalik dito. Maaayos ko na ang lahat at wag mong iisip ang daddy mo pinag uusapan na namin yan. I need something to do.
Mom.. I really really miss you. Subrang saya ko nakausap kita. Ok na ako mom .Nagbuga ng malakas na hangin si Bea tanda na ilabas na nya ang lahat ng lungkot na nararamdaman. Gumaan ang pakiramdam nya ng marinig ang boses ng ina, Onti onting nagkaroon ng mga ngiti sa labi habang hawak ang kamay ni yaya Len. Maraming salamat yaya nakausap ko si mommy. Natapos ang pag uusap na may iniwang pangako ang mommy nya.
Ya narinig mo yon limang buwan nalang makakabalik na ako sa amin. Sa kabila ng lahat may takot pa din sa isip ko. at pangamba na galit pa din ang daddy sa ginawa namin ni mommy. At napapa isip ako sa mga sinabi ni mom. Limang buwan na paghihintay.
Luke
Mom, are you okay now? need ko na bumalik ng trabaho. si dad nalang ang kasama mo sa theraphy mo parati. At ban pa din si snow sa loob ng bahay mom.Yes! my boss tungon ng mommy nya. Dad by tomorrow bibisitahon ko ang company. maraming papers na ang pipirmahan ko doon. Ikaw na muna ang bahala kay mom.
Okay son. But next week you need to go in Cebu take over mo muna ang factory doon at si James na muna bahala dito habang nagpapagaling ang mom nyo.Tumawag kanina si Ms. Karen may bagong project doon na kelangan i approved.
Hmmmm no! problem dad Im always ready. Kelan naman tayo mamanhikan dad? Tanong ni Luke sa daddy nya. Not now son may be after recovery ng mom mo. Nag usap na kami ng bestfriend ko about that. He understand, na pagpaliban muna ang pagpunta natin doon. Alright dad.. Me I excuase.. magbook na ako ng ticket now.
Pumasok na si Luke sa study room. Binuhay anh computer at nagbook na ng ticket papuntang Cebu.. Naghanap na din sya ng tourist spot sa ibang lugar na gusto nyang puntahan. Habang nasa Cebu sya.
Bigla nya na alala ang camera. Dali dali nya hinanahap si James sa kabilang room. Kumatok ito ng tatlong beses. Yes! pasok! binuksan ni Luke ang pinto at nakita may pausap na namang chick ang kapatid nya,
Bro! ckicks again. tigilan mo na yan! pang ilan na ba yan James. Baka bago ako ikasal sandamakmak na ang pamangkin ko nyan. Sabay bunot nito sa laptop .
Kuya naman eh bagong kilala ko yon. Nagpapadyak na inagaw ang charge sa kuya nya. Oopsssttt!!! hindi ko ito ibibigay sayo kung walang camera. May utang ka sakin kaya dapat lang na bayaran mo, at yong pangako mo hindi mo pa naibigay. So! charger mo akin muna hanggang walang camera.
Bro ilang buwan na tayo nakauwi. But my new camera is missing. Baka nakalimutan mo eh. Paalala ni Luke kay James. Habang nakatago sa likod nya ang charger ng laptop.
Kuya akin na charger ko mamatay na ang laptop ko! Low batt na kuya ano ba! Wait babe,, I call you again later. bye bye for now.
What? kakakilala mo lang babe na ang tawag mo? Wow! bro ang bilis mo takaga pagdating sa mga babae noh.!!!
Pagpatay ng laptop agad nitong hinabol ang kuya nya para kuhanin ang charger. Ngunit mas malakas at mabilis si Luke kaya hindi nya basta basta maagaw.
Camera muna bago charger James, ang usapan ay usapan! ang pangako ay pangako! Kaya walang nagawa si James Yes! kuya actually naka bili na ako bro. Nakabili kana pala hindi mo pa inabot kanina. At inuna mo pala tagala mangbabae kesa magbayad ng utang mo huh! Agad kinuha ni James ang camera at inabot sa kuya nya. Ito! na ito na! kuya akin na yang charger ko. Pero may pakapilyo din itong si Luke binato pa nya sa ilalim ng kama ang charger at lumabas ng kwarto ni James. Kuya!!! sigaw ni James.. Nagtatalon ito sa inis sa kuya nya.Hahhaha dapat ang babae minamahal bro hindi laruan yan. Iiyak ka din pag makahanap ka ng katapat mo tandaan mo yan bro. Paalala ni Luke sa kapatid bago sinara ang pintuan.
Hmmmm,,, excited na si Luke habang binubuksan ang bag ng camera. Wow! ayos ang ganda nito.. Dali daling kinuha ang memory sa wallet at nilagay sa camera. Binuhay ito at tiningnan ang mga picture. Hay,, salamat at hindi na sira ang memory. Napahinto si Luke sa isang picture. Pinalaki nya ito ang natandaan nya na ang kinukuhan nya dito ay ang mga manggang paninda ng ale. Pero nahagip ang isang babae na may hawak na bulaklak, inaamoy amoy na ito parang isang diwata o di kaya ay parang isang model ang babaeng ito. Naghanap hanap pa sya ng iba ngunit nakatalikod na ang ibang kuha nito.
Hanggang sa nakita na naman nya ang babae sa manggahan titig na titig sya sa babae. Hiniwalay nya ang malilinaw na kuha at nereview ulit. Parang may hawig ang dalawang babae na nakuhanan ko. Pinagtabi nya ito at tiningnan mabuti. Napagtano na ang babae ay iisa. Para sya isang professional model kahit anong angulo magaganda ang kuha. Kaya nagprint sya ng ilang kopya at pumili ng isa upang pinta. Magaling din magdrawing si Luke at meroon din sya art gallery. Ilan sa mga ito ay nabebenta nya ng mahal. Agad sya kumuha ng art materials upang upisahan na ang pagpaint. Alam ng lahat kapag hindi na nakikita si Luke sa loob ng bahay ang ibog sabihin nito abala sya sa pagpipinta. kaya hindi na nag abala pa ang mga kasama nya sa bahay na hanapin pa sya.
Kelangan matapos ko ito bago ako bumalik ng Cebu. Inabot na ng gabi si Luke pero hindi pa ito tapos kelangan nga matulog ng maaga para makapasok ng office bukas. Nag unat unat ng kanyang mga kamay at pinatunog ang mga daliri nito. Tumayo sya at magiliw na tinitigan ang kanyang ubra maestra. Namamangha sya sa bukha ng babae. Animoy nakalaya sa haba ng panahong pagkakulong. Makinis ang mukha mabang pilik mata matangos na ilong mapupulang labi at tingkit ang mga mata nito.
Good morning mom, good morning dad, Momn nakainom kana ba ng meds mo? at yong therapy mamaya ng 9am wag nyo kalimutan dad. Uuwi din ako agad pagkatapos ng mga papers work sa office. And dont forget mom, dad ban pa din si snow. Opo! boss anak naman everyday mo na pinaalala sakin yan. Nakasimangot na ang mom nya dahil sa subrang higpit nito kay snow para di makapasom sa loob ng bahay. Mom wag ka makulit ha may cctv tayo for time to time erereview ko yan kahit sa office ako. Behave ka mom habang wala ako kung ayaw mo makatay si snow.
Tahimik na nag aalmusal ang kanyang mommy. na tila bang walang narinig sa maalala ng anak nya. Maya maya tumayo na si Luke upang pumasok ng office. Bye mom, see you later mom, hinalikan ito sa noo at saka lumabas ng pinto. Bago sumakay ng sasakyan dumaan muna si Luke sa painting gallarey nya para silipin ang gawaing hindi pa natapos. Napangiti ito ang hinawakan ang kanyang obra.Sinigurodo na naka lock ang pinto nito bago sumakay ng sasakyan.
Bea
Ate Cindy pwede kabang sumama sa pa-aralan ko mamaya? Tanong ni Ariel. Pwede naman ang sabi ni yaya may honor ka daw ah. Galing galing naman ng batang ito. Hindi naman masipag lang hehehehe. Sege tapos kakain tayo sa labas. Saan mo gustong kumain. Kahit saan po basta masarap at sama sama tayo.
Ala una ng hapon umalis kami ng bahay sakay sa pick jeep ni Mang June. Muli kong makikita ang mataas na falls, namamangha pa din ako sa ganda nito. Makailang beses na ako nakadaan pero parang bang ibang exciment ang hatid nito sakin. Nakapigil hininga ang kagandahan nitong falls. Kahit malayo na kami pilit ko pa din tinataw ang kanyang kagandahan. Ate Cindy gusto mo baba tayo dun mamaya? Tanong ni Jane sakin. Agad nagliwag ang mga mata ko. Pwede ba yon maraming tao eh baka may makakilala sakin. Mamaya wala ng mga dayugan doon. Maaga sila magsasara pero pwede tayong makapasok tatay ng classmate ko ang guard doon. Talaga? Jane hehehe sege lalong ako nasiyan sa narinig ko.
First honor! Ariel Mendoza... Dinig ang palakpakan ng mga tao sa paligid. Umakyak sila yaya sa stage upang isabit ang medal kay Ariel. Kita sa mga mukha ang saya nila. Agad kung kinuha nag phone sa bag para kuhanan sika ng picture. Tuwang tuwa si yaya sa karangalan na nakuha ng anak nya. Likas na matalino ang magkapatid. Maswerte sila sa magulang at lagi silang sinusuportahan sa ano man ang naisin nila. Nakaramdam ako ng inggit sa sandaling iyon. Happy family sila pero ako ito malayo sa magulang ko. Hoy! ate Cindy bakit mangiyak ngiyak ka dyan. Kalabit nito sa akin ni Ariel.. Huh! wala eh ano kasi,,,,, ahhh natutuwa lang ako. sabi mo kanina masipag ka lang mag aral yon pala first honor ka.. Ikaw talaga kinurot kurot ko ang pisngi nya. ahh Aray! ate matatanggal na ang pisngi ko,, ,Kaya tumawa nalang kami.
Tara kain tayo sa labas blow out ko na ito kay Ariel ang talino pala nitong tabaching ching na ito hmmmm. Ate! dudugo na talaga ang pisngi ko kanina kapa kurot ng kurot. Pano kasi bilog na bilog ang pisngi mo masarap kurutin eh. San mo gusto kumain ha?
Doon po sa malapit sa falls maraming kainan doon masasarap pa. Kaso mahal po doon baka maubos ang pera mo ate Cindy. Naku! wag kang mag alala marami akong baon di yon mauubos.. Sumakay na kami sa pick up jeep ang nagtingo sa falls.
Paghinto palang agad akong bumama. Tumingala sa mataas na falls. Naririnig ko na ang lagaslas ng tubig kahit medyo malayo pa ito. Agad naman kinausap ni Mang June ang guard at nakiusap na kung pwede kami makapasok.
Norman magandang hapon. Oiy! June napasyal kayo ah. Oo kakain kami dito Mamboo nagkahonor kasi itong bunso ko kaya manglelebre itong pamangkin ni Mrs. Norman baka pwede naman mamaya pasyal kami malapit sa falls gusto din kasi nya mamasyal dyan sa loob. Aba! pweding pwede June basta kayo kahit anong oras wag lang gabi hahahaha. Salamat Norman ha.
Habang naghihintay ng order nagpasya kaming mamasyal malapit sa Falls kinuha ko ang phone at binigay kay Jane upang picturan ako. Pumikit at inataas ang dalawang kamay habang nakatinga.. Nagpaikot ikot ninanamnam ang sariwang hangin. Kusang sumusunod ang katawan ko sa kilos na gusto ng isip ko. Parang nagsasayaw na naayon sa lagaslas ng tubig. Humigop at bumuga ng sariwang hangin .Ramdam na ramsam ko ang kagaanan ng loob. walang bahid ng kalungkutan. Animoy pag aari ko ang paraisong ito, na ako ang.may kapangyarihan sa lahat.
Ate! Cindy sigaw ni Jane. naestorbo ang aking diwa, at dinilat ko ang.mga mata. Ngumiti ako bakit? may pagtataka. hindi kaba nahihilo sa paikot ikot mo? Ako nahihilo na kasi madami na akong nakuhang picture tingnan mo, Model kaba ate? ang gaganda ng kuha mo. Ako natatakot sayo eh nakapikit tapos ikot ng ikot.
Hehhhehe sorry ha, nadala kasi ako sa ganda ng paligid kaya nakalimutan ko. Pasensya kana Jane. ang ganda pala talaga dito lalo na seguro kapag mas malapit pa tayo sa falls. Bawal na po tayo doon ate, wala tayong kasama at medyo madulas ang mga bato doon, medyo matarik pa ang daan. Next time nalang tayo pupunta dun ate.
Nagselfie selfie pa kami bago bumalik sa Mamboo. Malaki ang ngiti ang sinalubong ko sa kanila ni yaya. Subrang ganda pala talaga ya ang sarap sa pakiramdam nakakawala ng lungkot. Sana next time makalapit na ako doon sa tubig hehehe. Bawal pala pag wala ka kasama magpunta doon.
Maam marami pang pagkakataon na makabalik ka dito. Sa ngayon kumain muna tayo dahil masarap itong pagkain. Puro seafood ang pagkain dito at gustong gusto mo ito kaya upo na at kumain na tayo. Ang dami ng inorder mo iuwi nalang natin ang iba. Para bukas may ulam tayo. Lima lang tayo pero ang inorder mo labing lima. Naku ya ayos lang para lalong tumaba si Areil.. At bibigyan ko din si mang Norman. Pasasalamat ko sa kanya. Talagang mapagbigay kang bata Maam. Tamang ng daldalan kumain na tayo baka gabihin tayo sa daan,
Mang Norma ito po iuwi nyo po sa pamilya mo para may ulam na kayo mamaya. Naku! maam salamat ha matutuwa ang mga anak ko nito. Sege po inagat po kayo sa pag uwi. June ingat ka sa pagmamaneho. Sege Norman ikaw ingat sa pag uwi mo.
Hala! ate ang ganda ganda mo dyan oh,, parang kang isang model. Yong commerial model ng downy. Bagay na bagay sayo ate. Di nyo ba alam model yan si maam Bea kaya magaganda ang mga kuha nya. Marami pa kayong di alam tungkol sa kanya. Kahit ano ipahawak nyo sa kanya kaya nya imodel yan. Hala totoo! yon nay kaya pala walang kahirap hirap sa kanya ang pag ikot ikot nya kanina. Ako nahihilo na sya tukoy tuloy na din na parang naglalaro lang sa hangin.
Marami ang mga kuha ko dyan. pati buong pamilya ko nandyan din Ang picture nila. Hala! ang ganda pala ng mommy mo ate pati itong dalawang kapatid mo magaganda pala kayong lahat. Tapos matangkad din ang daddy mo at gwapo. Sa kanya mo pala nakuha ang tangkad. Oo kaya ng grade school at high school madalas ako ang pangbato nila sa pagent, pero yaya lang lagi kasama ko kasi busy sila di kaya out of town. di ba? tumago nalang si yaya. Batid ni yaya kung gaano ako kalungkot sa tuwing magpapageant ako na wala sila mommy. Ginagalingan ko palagi dahil umaasa akong makadalo sila mommy sa event pero parati lang akong nabibigo. Nagvevedio nalang si yaya para mapanood nila mommy pag uwi. Lagi silang busy at nawawalan na ng panahon sakin. Sa tuwing birthday ko nalang ang naalala nila. Kahit na may award ako yaya pa din ang kasama kasi hindi sila makakarating. Ng tumungtong ako ng college onti onti na ako hinihigpitan ng daddy ko may body guard na akong kasama hatid sundo na din kahit may group project may nakabantay na body guard. Kahit na may photo shoot yaya at bodyguard pa din ang kasama. Nawawalang ang bodyguard pag sa loob na ako ng bahay at ka pag kasama ko na sila mommy. Bawal ako makipag usap sa lalaki kelangan magpaalam muna sa bodyguard at sa yaya. Kahit mga photographer nagpapaalam muna.
Ang sad naman ng buhay mo pala doon ate, Oo Jane hindi ako masaya may pera nga kami pero di ka naman malaya. Lahat ng gusto ko makukuha ko kung approved sa kanya. Lagi nya chenicheck ang phone ko baka daw may manliligaw na sakin, baka daw may boyfriend na ako nawawalan na ako ng privacy sa kanya. Wala naman magawa ang mommy ko. Nakatakas lang ako ng gumala kami sa mall sinadya ni mommy na isa lang ang bodyguard. Hindi ko kayang intindihin kung ano ang gusto ng dad ko.
Baka naman pinuprotektahan ka lang nya ate. Baka nga naman may kikidnap sayo. Oh ayaw lang nya na makapag asawa ka ng hindi nya nagustohan. Kasi nga naman ang ganda ganda mo kaya seguro ganun sya sayo ate.. Ewan ko lang Jane tapos ipapakasal nya ako sa taong di ko pa nakikita sa buong buhay. Di ba ang sama. Ano naman ang magiging buhay ko kung hindi ko naman mahal ang taong mapapangasawa ko. Habang buhay akong madusa sa kagustohan nya. Hindi naman nakakabuti ang ganun plano para sakin gusto nya papayag ako. Walang akong karapatan na mamili at maging masaya. Hay! mula pagkabata sabik ako sa pag aalaga nila. Dahilan nya para sa akin ang ginagawa niya. Di ba ang lungkot. Maraming pera pero nakakulong...