Consol 11

1547 Words
Clezl I just logged in and the alarm buzzed. Wala akong inaksayang oras at mabilis din akong umakyat sa ambulance. There's an active shoot out report, hindi lang ambulance at fire truck ang nakikita ko na nagmamadali sa daan kundi police mobiles. "Corner East Street, Mabini. Estimated victims 20. Active shooting.. Mag-ingat lahat ng rescuer, hindi pa nahuhuli ang mga salarin..." Pakiramdam ko ay nanlamig ang batok ko sa narinig mula sa dispatcher. Parang may kung ano naghalungkay sa tiyan ko at masusuka ako. Suspects. Guns. Just how I lost James. Flashbacks of my everyday nightmare has been pulled into reality again. Hindi ako takot makakita ng dugo pero ayaw kong makakita ng binaril. Gusto ko nalang tumalon mula sa ambulance at tumakbo palayo. Nanginginig ang binti ko nang tumigil ang ambulance at naunang bumaba si Doc Philip. I breathe in and out few times before jumping from the ambulance, following him. Sinalubong kami ng mga taong nakahandusay lang sa daan. There's lots of aid responder present on the scene pero sa dami ng nabaril ay out numbered pa rin kami. "Clezl, help me here!" tawag ni Doc Philip sa akin. Nanginig ang tuhod ko sa pagtakbo palapit sa kanya. Para akong hihimatayin kaya tinatak ko sa utak ko na kailangang kong ituon ang atensyon ko para makatulong. Nahigit ko ang paghinga nang makita ang sitwasyon ng biktima. Blood everywhere. A gunshot on his stomach. Nabitiwan ko ang medical kit nang makita ko ang dugo na nagkalat na sa katawan ng biktima. Doc Philip is already attending with the victim but I couldn't move to give him a hand. "Clezl!" Doc Philip called me out with authority. "Hand!" My breathing became heavy. Blood, almost dead bodies. It brought so much bad memories. Muntik na akong mapatalon sa kinatatayuan ko nang yugyugin ni Doc Philip ang balikat ko. "What's your problem?!" singhal niya sa akin. "H..he's dead..." "No." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at muli akong niyugyog. Seryoso siyang tumingin sa mga mata ko. "Pull your s**t together Clezl kundi talagang mamamatay siya." That's what I only need para matauhan ako. Mabilis akong gumalaw at tinulongan siya. He proceed to emergency tracheostomy nang naging unresponsive na talaga ang biktima. He let me pump the ambu bag habang inaakyat sa ambulance ang biktima. Nang maipasok na ito ay lumapit ulit ako sa isa pang nabaril na ginagamot niya. He was fatally shot. "s**t, he's not breathing," he cursed before proceeding to give the victim a CPR. I look around para tignan kung may dapat ba akong tulongan nang mahagip ng mata ko ang batang babae na niyayakap ang isa pang bang batang babae. They are bathing with blood. Tumakbo ako palapit sa kanila. "T..tulongan n..niyo po ang k..kapatid ko." Halos hindi na makahinga ang bata sa iyak niya. Kinuha ko ang walang malay niyang kapatid mula sa kanya. Inihiga ko siya sa matigas na kalsada. Napapamura na ako sa isip ko. She was shot right under her chest. Oh, God! Bakit ang tagal ng ambulance at ibang responder na bumalik? Maraming may kailangan ng tulong namin. "A...ate... Ate! G..gising!" I check for pulse, she still has pero sobrang hina. Tinapik ko ang mukha niya para tignan kung may response but she's not moving a bit. Dinikit ko ang tenga sa mukha niya. Hindi na siya humihinga. I conduct a CPR, nakakapit pa sa balikat ko ang isang bata at umiiyak. Napuno ng dugo ang uniform ko pero hindi na iyon mahalaga. I am questioning God why did he let the shooting happened while I am desperate to keep the child alive. "Ate!" lalong lumalakas ang paghikbi ng kapatid niya nang tumagal ay hindi pa rin bumabalik ang paghinga niya. I felt the warm tears rolling on my cheeks. Not now, not again. "Don't die on me!" I shouted to the kid. My arms are getting numb, nanlabo na ang paningin ko sa dami ng dugo na nakikita ko. "Clez, enough..." I heard Doc Philip's voice on my side. "You lost her." That words again. But I couldn't stop, I couldn't let a person die on my hand lalo at bata. I keep on trying and trying. "Clezl, that's enough!" "No! Hindi! She can make it!" Few more pumps and puffing of air on her mouth. I didn't want to quit just like that. I can hear Philip's voice and the other child's cry fade away. Nawawalan na rin ako ng pag-asa. But a miracle happened. Napasinghap ang bata na pilit kong inililigtas. She breath again. Napaupo ako sa lapag nang magmulat siya ng mata. Nanginig ang buo kong katawan. I made it. I saved her. Sunod-sunod na dumating ang ibang responder. Napaupo ako sa lapag habang nilalagyan siya ni Doc Philip ng ambu. We attended to more patients. The adrenaline kicked in kaya hindi ko na maramdaman ang pagod sa walang katapusang pagresponde. Punong-puno na rin ng dugo ang kamay at uniform ko. Gwen and Therese is also present on the scene, kahit palitan ng tingin ay hindi namin magawa. The shooters are at loose kaya nadadagdagan lang ang mga biktima. We're like surveying the block at sa bawat sulok may nabaril na kailangang tulongan. Madaling araw na ng mahuli lahat ng shooters, they're like a gang. They're killing people to show that they opposed of something. Whatever it is, isa lang ang alam ko. They are selfish. Nakasilip na ang araw nang makabalik kami sa station. Nakaupo lang ako sa bench habang si Gwen at Therese nakahiga sa malamig na tiles. Masyado kaming pagod lahat na kahit ang maligo at magpalit napakahirap gawin. "You did a great job, Clez." Napaangat ang tingin ko kay Doc Philip. Nakabalik na rin siya sa station. He helped in sa hospital kanina to conduct emergency surgeries. I was so strong kanina. Nakatulong ako. But when the scene of the shooting comes back again to me and everything is clear, nanginginig pa rin ang buong katawan ko. "Inom ka muna ng kape." Tinignan ko lang ang styro cup na nilahad niya sa harap ko. Sa ilang linggo na magkatrabaho kami I learn to tolerate him. Mabait naman siya, may pagka antipatiko lang. "Nenerbyos na ako sa scene kanina tapos kape pa ibibigay mo sa akin." He boyishly chuckled. "Oh sige, ito nalang ice cream." Nilahad niya sa akin ang isa pang styro cup. Napailing nalang ako sabay tanggap. "You should wash yourself first. Puno ka ng dugo," puna niya nang makaupo na siya sa tabi ko at ininom na ang kape na unang inalok niya sa akin. "I'm sorry for panicking kanina," sa halip ay sabi ko. "I had a terrible experience with shooting incident." "You lost someone by it?" panghuhula niya. Doc Philip has this arrogant aura around him but he also has this aura na magtitiwala ka sa kanya. "Yes, I did." I tasted the chocolate ice cream. Napapikit ako hindi sa sarap kundi sa dugo na nakita ko sa likod ng kamay ko. Hindi yata nalinis lahat kahit naghugas na ako ng kamay. "You're a responder. Magaling ka Clez kahit na ilang linggo pa lang tayo magkasama. But you have to bare in mind na ang nasaksihan natin kanina there will be far more worst than that. You need presence of mind sa trabaho natin." "Yeah, I know. Hindi na mauulit iyon kanina." Hindi siya umimik. Tahimik nalang din na inubos ko ang ice cream. It's already 6 in the morning nang makarating ako sa bahay. I am tired and sleepy. Ipapasok ko na ang kotse sa loob ng gate nang mapansin ko ang kotse ni Desmond na nakaparada sa kabilang kalsada. After I park my car lumabas ako ulit. I went to his car at nang makalapit ako binaba niya ang bintana. He's looking directly at my face. "You had a rough night." "Obviously." Bumaba ang tingin niya sa damit ko. A stoic expression grow to worry. "W..what happened?" Napaatras ako nang buksan niya ang pinto. Bumaba siya at hinawakan ako sa magkabilang kamay. I didn't had the chance na magpalit pa ng uniform kanina, natuyo naman na ang dugo na naroon. "Kaninong dugo 'to?" I push his hands away. "Over acting ka. May nirespondehan lang kaming aksidente." Pinagkrus ko ang mga braso ko. "Anong ginagawa mo rito? Ang aga pa ah." "I missed you?" Inirapan ko siya. I know where this is heading. He doesn't miss me, he miss the fun. "Pagod ako. Sobrang daming ginawa." "We can cuddle. Pagod din naman ako." I gasped. "Cuddle huh," I sarcastically muttered. Ano kami may relasyon? "Yes. Tulog muna tayo then when we wakes up iyon na." Napabuntong hinga ako. Ofcourse kailangan may mangayari pa rin talaga. "Fine. Intayin mo ako rito. I'll just take a quick bath tapos punta na tayo sa condo mo." Malalim ko lang na tinignan si Desmond habang minamasahe niya ang paa ko. He is so attending that's it's bothering me already. "Desmond, about what I told you before. Kailangan na nating itigil 'to." "You said a month, may ilang linggo pa ako." Kinuha ko na ang kamay niya na nagmamasahe sa akin. I don't know why but I felt something na hindi manlang siya nagpumilit na huwag naming itigil. Pero sino ba naman ako? He can find someone more experienced than I am.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD