“Christian, gising na,” ang paggising ng isang tinig sa kanya. “Christian, oras na para maghanda at pumasok.”
Sigurado siyang siya lamang at anag kanyang ina ang nakatira sa kanilang apartment kaya naman kaagad siyang napamulat ng mga mata nang mapagtantong tining ng isang lalaki ang nagsalita. Bumungad sa kanyang paningin ang mukha ni Justin na nakasuot pa rin ng mga damit na kulay puti.
Kaagad naman siyang napaupo at tinignan si Justin. “Anong ginagawa mo rito?!” ang gulat naman niyang reaksyon.
“Para gisingin ka,” paliwanag naman ni Justin. “Alam kong hirap kang gumising s aumaga,” sunod niya pang paliwanag.
“Ang ibig mong sabihin ay hanggang sa hinaharap ay problema ko pa rin ang pagbangon nang maaga?”
“Tulad nga ng sinabi ng nakararami, some bad habits are hard to break,” ang pagsang-ayon ni Justin. Napasimangot naman si Christian bago nagpunas ng kanyang mga mata.
“Puwede bang matulog muna ako kahit five minutes pa?” ang reklamo naman ni Christian. “Inaantok pa ako.”
“Mas lalo kang aantukin kung mahihiga ka pa,” dagdag pa ni Justin bago napabuntong-hininga. “Bumangon ka na diyan,” ang panenermon niya sabay alog kay Christian.
“Oo na, heto na at babangon na,” ang pagsuko naman ni Christian bago pilit na naupo. Muli naman siyang nagpunas ng kanyang mga mata. “Teka, paano ka ng apala nakapasok sa kuwarto ko?” ang nagtataka niyang tanong nang mapagtanto ang bagay na ‘yun.
“Gamit ang relos ko,” ang paliwanag naman ni Justin sabay turo sa kanyang suot. Madali namang sinuri ni Christian ‘yun.
“Paano ba ‘yan gamitin?” ang tanong naman ni Christian; gustong-gusto niyang malaman ang isang parte ng teknolohiya mula sa hinaharap.
“Osiya, ipapakita ko na lang sa’yo,” ang tugon naman ni Justin. “Kailangan ko ring bumalik sa hinaharap.”
“Sige!” ang hindi namang makapaghintay na tugon ni Christian bago ipinako ang kanyang mga mata kay Justin. Natahimik silang dalawa; hindi maitatanggi na lumalakas ang pagkasabik ni Christian sa magaganap ngunit nasira ito anng biglaan namang magsalita si Justin. “Siya nga pala, may kaialangan akong sabihin sa’yo bago ako bumalik.”
“Ano ba yan?!” ang reaksyon naman ni Christian. “Ano ba ‘yung sasabihin mo? Importante ba ‘yan?”
Napaikot naman ng mga mata si Justin. “Well, depende sa’yo,” saad niya. “Ngayon lang naman ang unang araw ng dapat pagkikita niyo ni Jester. Ikaw ang bahalang magdesisyon kung importante ba ito o hindi.”
“Ikaw naman!” ang reaksyon ni Christian. “Hindi ka na mabiro! Ang init ng ulo natin, ah! Siyempre, very important ang Jester my loves ko. Ano ba ‘yun?”
“Mamayang alas-onse ng umaga ay magtungo ka ng University Library,” ang bilin ni Justin.
“Tapos?” ang nagtataka namang tanong ni Christian. Para sa kanya ay hindi pa kompleto ang sinasabi ni Justin.
“Magkita tayo doon,” ang tugon naman ni Justin. “Doon ko sasabihin kung anong susunod mong gagawi,” wika naman ni Justin. “Osiya, kailangan ko anng bumalik s aaking panahon.”
May ilang buton naman siyang pinindot kasunod ng paglabas ng matinding liwanag mula sa kanyang relos. Sa paghupa ng liwanag ay ang siya ring pagkawala ni Justin. Lubos namang namangha si Christian sa kanyang nasaksihan ngunit kaagad din naman siyang bumalik sa kanyang huwisyo nang makarinig ng pagkatok sa pinto ng kanyang silid. Kaagad namans iyang bumaba ng kama at binuksan ang pinto.
‘O, kanina ka pa ba gising?” ang gulat namang tanong ng kanyang iannag si Marites dahil bihira nitong pagbuksan siya ng pinto anng ganoon kabilis. “Himala. Akala ko ay magpapkahirap na naman akong gisingin ka.”
“Ikaw naman, Ma,” ang reaksyon ni Christian. “Hindi ka na lang magpasalamat at maaga akng nagising.”
“Kung sa bagay,” ang tugon naman ni Marites. “Lumabas ka na riyan anng makaligo ka na. Nagpainit ako ng tubig, dalian mo bago pa lumamig.”
“Heto na po,” tugon naman ni Christian bago lumabas ng kanyang silid. Nagtungo naman siya sa kanilang munting kusina at binitbit ang malaking kaldero nap uno ng inipong mainit na tubig mula sa paulit-ulit na pagpuno at pagpapainit gamit ang electric kettle. Isinalin naman niya ‘yun sa timbang may malamig na malamig na tubig. Hinawakan niya ang tubig upang makasigurado na sakto lang sa kanyang balat ang temperatura nito.
PAGKATAPOS makaligo, maklapagbihis at makakain ni Christian ay lumabas na nga siya sa kanilang rinerentahang apartment. Dumeretso sa gilid ng kalsada at naghintay ng masasakyang jeep. Mula sa kanyang tahanan ay dalawang beses siyang kailangang sumakay ng pampublikong transportasyon upang makarating sa pamantasang kanyang pinapasukan, ang Benguet State University.
Kaagad naman siyang pumasok sa silid kung saan pagdadausan ang una niyang klase. Kaagad naman niyang nakita si Mark na kumaway nang makita nitong dumating na ang kaibigan. Kaagad namang lumapit si Christian kay Mark at naupo sa kanyang tabi.
“Christian, mabuti narito ka na,” ang wika ni Mark.
“Bakit?” ang nagattakang tanong naman ni Christian. “Huwag mong sabihin sa akin na… nakalimutan mo na namang gawin ang homework mo.”
Napakamot naman ng ulo si Mark. “Hindi naman sa ganoon. Hindi ko lang talaga maintindihan yung gagawin.”
Napabuntong-hininga naman si Christian bago niya inilabas ang kanyang natapos na gawain.
“Pahingi na rin ng papel,” ang pahabol pa ni Mark.
“Ikaw talaga,” ang wika ni Christian ngunit nagbigay din anamn ito ng papel.Nagsimulang magsulat si mark samantalang napatingin siya sa paligid. Ilang taon na rin niyang kaklase ang mga tao sa loob ng silid na ‘yun pero para pa rin silang mga estranghero para sa kanya. Hindi naman nagtagal ay dumating ang kanilang guro at nagsimula n nga ang kanilang klase.
LUMIPAS ang dalawa’t kalahating oras, natapos ang unang klase nila. Kasalukuyang naglalakad ang dalawa nang tawagin sila ng ilang kaklase nila; sila George, James, at Erika.
“Mark, Christian, pupunta kami ng fast food,” ang saad ni George. “Baka gusto niyong sumama.”
Napatingin naman s Christian at Mark sa isa’t-sa. “Sige,” ang pagpayag ni Mark. Papayag n asana si Christain ngunit sakto namang naala niya ang bilin ni Justin sa kanya.
“Ah, kayo na lang,” ang pagtanggi naman ni Christian.
“Ha? Bakit naman?” ang nagtatakang reaksyon ni Mark. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit na lamang tumanggi si Christian. Wala naman silang klase sa mga oras na ito at ang kanilang susunod na klase ay ala-una pa lang magsisimula.
“M-may kailangan pa pala akong gawin,” ang saad ni Christian. “Mark, Magte-text na lang ako sa’yo.”
“S-sige.” Kahit hindi naiintindihan ni Mark ang nangyayari ay pumayag na lang ito. Madali namang nagtungo si Christian sa University Library at hinanap si Justin. Halos hindi niya ito matamaan sa loob dahil nagpalit ito ng suot. Sa unang pagkakataon ay nagkaroon na ng kulay ang kanyang pananamit.
“Okay na ba itong suot ko?” ang tanong naman ni Justin sa kanya.
“Oo,” ang tugon naman ni Christian. “Hindi ka na nagmumukhang isang multo mula sa hinaharap,” ang komento niya pa habvang nakatitig sa kulay asul an polo na gamit ni Justin na pinaresan nya pa ng isang kulay beige na pantalon at putting sneakers.
“Tama na ang usapang ito,” ang komento naman ni Justin.
“So, paano nga pala natin gagawin ang plano mo?” ang tanong naman ni Christian sa kanya. Hindi naman umimik si Justin, bagkus ay inabutan niya lamang si Christian ng isang ballpen.
Nagtataka anmang tinitigan ni Christianang ballpen sa kanyang kamay. “A-anong gagawin ko rito?” Tumingin naman si Justin sa kanyang relos. Bigla naman siyang kumuha ng libro mula sa isangestante at inabot kay Christian.
“I check-out mo ito,” ang bilin ni Justin.
“Ngayon na?”
“Oo, ngayon na. Dalian mo dahil may hinahabol tayong oras.”
Kaagad namang tumalima si Christian at nagtungo sa check out counter. Halos lumuwa ang kanyang mga mata nnag makita ang lalking nas akanyang harapan, si Jester. Naghihiram din siya ng libro.
“Pakipirmahan na lang ang library card,” ang bilin sa kanya ng student assisitant. Kaagad namang naghanap ng panulat si Jester sa kanyang mga bulsa.
“Sandali lang,” ang wika nito sa umaasikasong student assistant. Natigilan naman siya nang nang umikot at nakita si Christian. Hindi anman makapagsalita si Christian kaya anman inangat niya at pinakita ang hawak niyang ballpen kay Jester.
“K-kailangan mo, hindi ba?” ang tanong naman ni Christian.
“Oo,” ang tugon naman ni Jester sabay ngiti. “Paheram muna nito, ha? Saglit lang.” Kinuha ni Jester ag ballpen mula sa kanyang kamay, walang paglagyan ang galak na kanyang nararamdaman dahil sa kanilang maikling pag-uusap.