3 | Lalaki sa botika

2024 Words
Malapit nang mag-umaga pero heto't buhay na buhay parin ang aking diwa. Naririnig ko na ang tilaok ng mga manok senyales na malapit na ngang magliwanag. Ginawa ko na ang lahat ng posisyon sa pagtulog, ilang beses ko na ring pinilit na humikab pero wala talaga kaya't sa huli ay hinayaan ko nalamang dahil kung pipilitin ko pang makatulog ay paniguradong tanghali na ako magigising. Nanakit na likod ko sa kakahiga at paiba-iba ng posisyon kaya napagdesisyunan ko nang bumangon at maghanda ng agahan. Bago lumabas ng kwarto ay sinuri ko muna ang aking mga mata na hanggang ngayon ay namamaga parin dahil sa kakaiyak ko kagabi hanggang sa makatulog si Mama ng mahimbing. Mukha tuloy akong nakipagsuntukan at ako ang naging dehado. Sinampal ko ng dalawang beses ang aking pisngi, nagbabakasakaling mawala ang kaunting tamlay. Pagkatapos ng mahigit isang minuto ay lumabas na rin ako. Nagsimula akong magpakulo ng tubig sa pugon. Habang naghihintay na kumulo ito ay lumabas muna ako ng bahay para mag-igib sa balon na ilang metro pa ang layo mula sa bahay namin. Sobrang dilim pa sa labas pero wala lang naman sa akin iyon dahil hindi naman ako masyadong matatakutin. May malaking puno ng mangga malapit sa balon, at kung sinuswerte nga naman dahil biglang may nahulog na malaking mangga at gumulong patungo sa aking paanan. Inilibot ko muna ang aking paningin sa paligid dahil baka may makakita at isumbong pa ako, nang walang makitang kahit na sino ay hindi na ako nag-alinlangan pang kunin ito. Sino nga ba ako para tumanggi sa grasya? Atsaka, bakanteng lupa naman ang kinatitirikan ng mangga at balon na ito na pagmamay-ari ng mga Gonzaga kaya walang mga kalapit na bahay. Ang pamilya Gonzaga ay ang dating namumuno dito sa lugar namin na sa pagkakaalam ko ay kamag-anak nina Stella na matalik kong kaibigan. Hinugasan ko munang mabuti ang mangga bago ito inilagay sa loob ng may kalakihang balde saka nagsimulang punuin ng tubig ang balde. “Kumain ka na lang diyan. May sinaing na tsaka may niluto akong ulam. Magtimpla ka na lang din ng kape kung gusto mo.”mahina akong natawa nang makitang may muta pa siya sa kanyang kaliwang mata at tuyong laway. Pero laking gulat ko nang bigla na lamang itong tumawa habang dinuduro ang aking mukha. “Bakit? May dumi ba?” kinapa-kapa ko ang aking mukha, nagbabakasakaling may dumi nga. “Ba't parang mas malaki pa yata yung eyebags mo kesa sa mata mo, ate? Mukha ka tuloy nakipag-basagan ng bungo!”nagpatuloy parin ito sa pagtawa na animo'y isa iyong malaking katatawanan. Kung alam niya lang kung bakit, baka hindi siya makatawa ng ilang araw! “Tumahimik ka nga diyan! Madaling araw pa lang ako gumising para maghanda ng almusal kaya ganun!” pagsisinungaling ko. Mabuti na lang dahil gumana iyon, nakonsensya yata. “Biro lang uy! Tsaka maganda ka parin naman kahit para kang nawawalang kapatid ni Panda!” hagikhik nito na sinabayan pa ng kindat. Puri ba yun o pintas? Kanino nagmana?! “Ikaw nga na girl version ni three fingers eh, nagreklamo ba ako? Tsaka maghilamos ka nga muna!” Agad siyang napasimangot at nagmartsa palabas ng bahay. “Ate naman, eh! Sabi mo maganda ako!” mangiyak-ngiyak niyang reklamo habang nagdadabog papasok. Maayos na ang itsura nito, walang nang bakas na makapagpapatunay na tumutulo laway niya tuwing tulog. HAHA! “Kumain kana diyan!” tawa ko habang hinuhugasan ang mga pinaglutuan ko kanina. Nakabusangot parin ito habang nagsasandok ng kanin. “Hoy ikaw Deborah ah, huwag kang bubusa-busangot sa harap ng grasya. Malas yan.” saway ko. Sinunod niya nga dahil hindi na siya nakabusangot, pero wala namang singhaba ang nguso. “Kumain ka na, ate?” basag nito sa katahimikan habang nagtitimpla ng kape. “Hindi pa, mamaya na ako.” sagot ko. “Bakit? Sabay nalang tayo, ate. Hindi pa naman ako nagsisimulang kumain eh.” ngiti niya. Hindi ko alam pero kinikilabutan z3talaga ako kapag ngumingiti tong kapatid ko eh! “Maya na ako. Tsaka bilisan mo nang mag-almusal para mapakain mo na si Mama.” tumango na lamang siya saka nagsimulang kumain. Wala naman talaga akong balak kumain ng agahan eh, sapat na sakin ang kape. Tsaka balak ko din talagang puntahan yung bruha sa bahay nila pagkatapos ng mga gawain dito sa bahay. Baka importante pala sadya nun, miss ko na rin yung babaeng yun. Mag-iisang linggo na rin naming hindi nakikita ang isa't-isa. “Tao po!” kumatok ako ng tatlong beses. Pagkalipas ng ilang segundo ay bumukas din ito. Napangiti ako nang makita kung sino ang nagbukas ng pinto. “Lola Gen!”bulalas ko sabay yakap ng mahigpit. Parin ko na rin siyang tunay na lola dahil simula pagkabata ay malapit na ako sa kanya, halos pangalawang bahay ko na rin ang tahanan nilang 'to. Agad din akong humiwalay sa yakap dahil naalala kong matanda na nga pala ito at maraming na ang nararamdamang sakit sa katawan. “Ikaw talagang bata ka! Kay laki mo na pero hindi ka parin nagbabago! O'siya, pasok ka, pasok.”natatawang anito na sinabayan ko rin ng bungisngis. “Nandito po ba si Stella, Lola?”tanong ko. Hindi tulad namin ay medyo may kaya ang pamilya nina Stella. Kongkreto ang bahay nila at may kalakihan, kulay asul ang buong bahay maging sa labas dahil iyon daw ang paboritong kulay ng Mama ni Stella. Mayroong dalawang palapag ang bahay nila. Antigo rin ang halos lahat ng mga kagamitan nila, maging ang disenyo ng mga dingding. Maayos na nakapwesto sa bawat gilid ang magagandang mga porselana na medyo may kalakihan. “Maupo ka muna diyan, iha. Tawagin ko lang itong pasaway mong kaibigan.”natawa ako nang marinig iyon. Medyo may pagka-laki sa layaw ang bruhang yun, minsan nga nagtataka ako kung paano natatagalan ni Lola Gen ang apo niyang iyon. Pinagmasdan ko si Lola Gen na naglalakad palapit sa hagdan patungo sa ikalawang palapag. Paika-ika na ito, minsan na ring nabanggit sa akin ni Stella na madalas na raw sumakit ang likod at mga kasu-kasuhan nito. Kulubot na rin ang balat at medyo kumukuba na, ngunit ang buhok nito ay nananatili paring itim at litaw na litaw parin ang natural na ganda na minana ni Stella. “Lalay! Bumaba ka muna riyan, nasa sala si Astrid naghihintay sayo!”sigaw ni Lola Gen habang nakatingala sa ikalawang palapag. Maya-maya lang ay nakarinig na ako ng mga kalampag. “Lola naman, eh! Sabi nang wag mo na akong tawagin ng ganyan! Stella, lola! Stella!”reklamo nito na marahas pang ginugulo ang hanggang balikat na itim na buhok. Natawa na lamang ako nang makita ang itsura nito. Halatang bagong gising pa lamang, ni hindi man lang nag-abalang maghilamos. “Aba't! Umayos ka nga! Mahiya ka nga kay Astrid! At suklayin mo nga muna yang buhok mo, daig mo pa yung aswang sa bayan eh!”sermon ni Lola Gen. Sa kabila ng katandaan nito ay nagagawa parin nitong makipagtagisan ng sigaw sa kanyang apo. Hindi naman yung literal na nagsisigawan sila, sadyang nasa lahi na siguro nila ang magtaglay ng mataas na boses. Nang tuluyang makababa si Stella ay nagpaalam muna si Lola Gen na magluluto raw muna para sa pananghalian. “Bruha ka talaga eh, 'no? Pati si Lola mo sinasagot-sagot mo na ngayon. Laki na ng ulo mo.” pinaningkitan ko siya ng mga mata. Sumalampak siya ng upo sa kaharap kong sopa na kasya ang tatlong katao. Hindi parin maiguhit ang kanyang mukha senyales na kinulang siya sa tulog. “Beh, ayoko na sa Earth.” nakanguso niyang turan. Hindi ko alam kung anong klaseng kaluluwa nanaman ba ang sumapi sa babaeng 'to. “O eh, saan mo na gusto?”inip kong tanong. Sa tinagal-tagal na naming magkaibigan ay alam na alam ko na kung ano ang kasunod niyon. “Sa mundo niya.”napahinga na lamang ako ng malalim sabay busangot ng mukha. “Hoy bruha, hindi ako naglakad papunta dito habang tirik na tirik ang araw para lang damayan ka sa kakornihan mo, no!”pagtataray ko. Sa totoo lang, nag-iiba ang katauhan ko sa tuwing ang bruhang to ang kausap ko, pakiramdam ko nahawaan lang talaga ako. Ikaw ba naman magkaroon ng kaibigan na laging sinasapian! Awtomatikong humaba ang kanyang nguso. “Ito naman ehh! Ikaw lang naman kasi pwede kong mapagkwentuhan, alangan namang kay lola ako magdrama edi hinabol ako nun ng walis-tingting niyang mas matanda pa sa mga ninuno namin!”natawa ako ng mahina sa anyang sinabi. Oo nga naman, dahil pagdating sa apo niya ay istrikto ito lalo na kapag usapang lalaki. “Ganito kasi yun beh...” panimula niya. Ni hindi man lang hinintay ang pahintulot ko. Bruha ngang talaga. “Kahapon kasi inutusan ako ni Lola na bumili ng gamot sa botika, yung katapat ng lumang bahay nina Gello?”Tumango ako ng dalawang beses at awtomatikong napangiti nang marinig muli ang pangalang iyon Gello Guzman, hinding-hindi ko makakalimutan ang pangalang yun dahil siya ang naging kauna-unahang kaaway namin na kalaunan ay naging kaibigan rin. Nawalan lamang kami ng koneksyon sa kanya nang dinala siya ng mga magulang niya sa ibang bansa kung saan nagtratrabaho ang mga ito. “Oh, tapos?”sinenyasan ko siyang magpatuloy sa pagkwekwento. Mukha kasing interesante kaya naintriga ako bigla. Lumabas nanaman ang inner-marites ko. Gumuhit ang isang pilyang ngisi sa kanyang labi, alam niya talagang nagising nanaman ang pagiging tsismosa ko. “Tapos, habang hinihintay ko yung gamot na binili ko, biglang may malaking kamay na pumatong sa ulo ko tapos beh— Bhe nung nilingon ko— WHAAAAAAAAAAAA!!!” Napatakip ako sa aking tenga dahil sa lakas ng kanyang sigaw na animo'y nakakita ng magnanakaw. Alam mo yung nakaupo habang tumatalon-talon? Ganyan ang ginagawa niya ngayon, sinapian yata ng palaka. “Anong nangyari?!” Natatarantang tanong ni Lola Gen na nagawang tumakbo papunta rito, naalarma nang marinig ang malakas na sigaw ng kanyang apo. May hawak itong malaking sandok na anomang oras ay handang ihampas sa kahit na sino. “May nakita po kasi siyang malaking ipis.” Palusot ko nang mapadako ang kanyang tingin sa akin. Habang ang magaling kong kaibigan ay nakatakip lamang ang dalawang kamay sa kanyang mukha. Tila nakahinga ito ng maluwag sabay baba ng hawak na sandok. “Iyon lang pala. Akala ko ay may nakapasok na na kawatan.”paika-ikang naglakad pabalik sa kusina si Lola. Pinandilatan ko ng mga mata ang bruhang kaharap ko. Itinaas nito ang isang kamay at nag-peace sign. “Sige, ituloy mo na yung kwento mo.”Utos ko na tinanguan niya ng ilang beses. Nagpatuloy siya sa pagkwekwento. Nang sa wakas a matapos ay napabuntong-hininga na lamang ako. Kahit kailan talaga, ano? Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya ...at sa sarili ko. Siguro hindi pa talaga siya masyadong mulat sa mundong kinagagalawan niya, dahil masyado pa siyang nagpapaniwala sa mga ipinapakita sa kanya ng iba. Gusto kong sabihin sa kanya na sa panahon ngayon ay bihira na lamang siya makakakita ng lalaking may paninindigan at totoo kung magmahal, dahil karamihan sa kanila ay iisa lamang ang nais masungkit sa isang babae. Hindi puso, kundi katawan. Pero sino nga ba ako para sirain ang kanyang mga paniniwala? Mas mabuti na nga siguro ito, dahil ayaw kong dumating ang puntong kamuhian niya ang mundo... “Nakakakilig talaga ihhh!!! Chinito! Tapos kumindat pa!”hindi na siya magkamayaw ngayon sa kaka-kwento tungkol sa lalaking iyon. “Hay naku, kaya madalas kang masaktan kasi kumindat palang eh pinagpa-planuhan mo na agad kung anong susuutin mo sa unang date niyo!”binato niya ako ng unan pagkatapos kong sabihin iyon. “Gaga! Babalewalain ko lang naman sana yun ih, kaya lang nagpakilala!”nakangusong paliwanag niya. “Oh ano daw pangalan?”usisa ko. Sumingkit ang kanyang mga mata at bahagyang tumingala na animo'y mayroong inaalala. Hinihimas-himas niya ang kanyang panga gamit ang mga daliri. Pagkatapos ng halos isang minuto ay nagliwanag ang kanyang mga mata napangiti ng abot tenga. Tila sandaling tumigil ang pagtakbo ng oras nang banggitin niya ang pangalan ng lalaking nagpakilala. “Jarred Thompson.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD